"Ang gwapo niya talaga, best!" Sigaw ko habang tinititigan si Tristan, ang crush ko.Andito kami sa cafeteria, pinapanood ko lang si Tristan na kumain at tumawa. Kitang kita dimples niya, ang gwapo talagaaa.... Nakakainlove....
"Gusto mo tulungan kita sakanya? Close kami niyan eh." Nakangiti niyang alok.
"Talaga?!"
"Oo! Gusto mo?" Excited na excited niyang tanong.
"Hihihi..." Kinikilig kong sabi. "Ayoko nga." Bigla akong umiwas ng tingin at uminom ng shake.
"Huh? Bakit?"
"Basta. Ayoko."
Siguro nagtataka kayo kung bakit ayaw ko?
Kada kasi nagkakaroon ako ng crush, nagugustuhan niya ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero every year yan nangyayari. Palagi nalang akong nagseselos at naghahabol. Kaya ngayon, iwas muna ako sa crush crush na yan.
Una, si Clark. Siya ang pinaka-una kong crush, as in. Pero nagustuhan niya yung bestfriend kong si Charisse. Pangalawa, si Henry. Pero nagustuhan niya si Dana. Pangatlo, si Warren. Nagustuhan niya rin ang bestfriend kong si Sia. Pangapat, si Joshua, na nagustuhan si Grace. Panglima, si Larry, nagustuhan ulit si Grace. Tapos ngayon, kung magpapatulong ako sa kanya, baka magustuhan naman niya si Graceeee!! HINDI PWEDENG MANGYARI YUN!
So back to the topic, kaso nandyan si Tristan eh. Sinubukan ko siyang layuan, kaso habang tumatagal, mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sakanya. Kaya hinahayaan ko nalang.
Sanay naman na akong masaktan. Haayy..
Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa classroom.
***
May good news and bad news!
Anong gusto niyong unahin ko??
Ba yan!! Di naman kayo nagsasalita! Ako nalang pipili... Good news nalang muna!
Good news, may groupings kami ngayon at ka grupo ko si Tristan.
Bad news, kagrupo din namin ang bestfriend ko at nagkukulitan sila. As in, yung nagpapaluan. Tas with matching smile-smile pa si Tristan na nagpapacute. And it freaking hurts!
Nagseselos ako. Pero, sino naman ako para magselos, diba? Tapos ang malala pa, bestfriend ko pa ang pinagseselosan ko. Masama to.
Roleplay ang gagawin namin at dapat tungkol sa stress. Napag-isipan namin na mag-boyfriend nalang na magbebreak na.
Tahimik lang akong nagsusulat ng script nang biglang lumapit sakin si Josh kasama si Tristan.
"Ahmmm.. Bakit?"
"Kayo nalang daw ni Tristan yung magboyfriend kunwari."
Tinignan ko si Tristan, nakita ko siyang nakatingin sa likod ko, kaya lumingon ako. Nakita ko ang bestfriend ko. Nag eye-contact sila.
"Ahmmm.. Wag na, sila nalang ni Grace." At tinuro ko si Grace gamit ang nguso ko.
"Ha? Sige."
Feeling ko sila na eh. Palagi nalang sila magkasama (except nalang kung kami ang magkasama). Close na close sila sa isa't isa, at palagi din silang nagtitinginan na parang may ibig sabihin.
Totoo ba yung mga nakikita ko o sadyang nag-iisip lang ako ng kung ano-ano?
Mabilis na dumaan ang oras. Di ko namalayan na uwian na pala.
"Best, mauna ka nang umuwi ngayon."
"Bakit?"
"May aasikasuhin lang kami ni Tristan."
...
Natigilan ako dun, ano kaya ang aasikasuhin nila? At bakit silang dalawa lang?
Aahh... Baka naman para lang dun sa roleplay. Oo! Tama! Nag-iisip lang ako ng kung-ano-ano.
"S-sige"
"Sige, ingat! Bye bestfriend!"
"Bye."
May kutob talaga ako na sila na.
Naglakad na ako pauwi, pero nakita ko nalang ang sarili ko na sinusundan si Grace. Kailangan kong malaman kung ano ang gagawin nila at kung ano ba talaga sila.
Sinundan ko lang siya pero maya maya, nawala siya sa paningin ko.
Hala! Kailangan ko siyang mahanap!
Nag-ikot ikot ako, hanggang sa lastfloor pero hindi ko padin sila makita.
Siguro dapat umuwi na ako.
Pauwi na ako ng may narinig akong ingay galing sa....
Sa rooftop!
Dali dali akong umakyat. Nagtago ako sa likod nung pader para hindi nila ako makita.
Naabutan kong nakaluhod si Tristan sa harap ng bestfriend ko
"Mahal kita, simula pa noon. Will you please be my girlfriend?"
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang pagkagulat ko.
Tumalikod ako at mabilis na tumakbo palayo sakanila.
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Grace, masyado na akong nasaktan.
Alam niya namang gusto ko si Tristan, pero bakit kailangan niya pa itong gawin sa akin? Bakit?
Ano bang nagawa ko sa kanya?
Umuwi akong namamaga ang mata.
BINABASA MO ANG
'Lagi nalang bestfriend ko!'
Short Story'Kada kasi nagkakaroon ako ng crush, nagugustuhan niya ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero every year yan nangyayari. Palagi nalang akong nagseselos at naghahabol. Kaya ngayon, iwas muna ako sa crush crush na yan.'- Ashlynn