"Mahal kita, simula pa noon. Will you please be my girlfriend?" Kabado kong sabi. Napapapikit ako.Please, sana gumana..
Naghintay lang ako ng isasagot niya.
Ang tagal ko na tong ginagawa, napapagod na ako. Pero okay lang para sa mahal mo naman to eh. I will do anything just for her. I can sacrifice.
"Ang pangit!" Dumilat ako at nakita ko si Grace na nakakunot-noo.
"Ano?! Bakit naman?!" Sigaw ko. Paano ba naman, nakakailang practice na ako. Nakakailang luhod na ako, nakakailang salita na ako, di pa rin tumatalab! Badtrip!
"Palitan mo! Dapat ang sabihin mo 'Can I court you?' Kaysa sa girlfriend agad! Excited?? Sasagutin ka naman nun!"
"Hahahaha. Sige, sige." Napatawa na lang ako sa reaksyon niya.
Lumuhod ulit ako. At biglang sumakit yung hita ko. Pero di ko na lang pinansin.
"Mahal kita, simula pa noon, can I court you?"
"Hmmmmm, sige na nga! Pwede na yan. Magdagdag ka nalang ng details kung bakit mo siya nagustuhan. Mag pahinga ka na! Pagod na ako."
"Buti at naisipan mong magpahinga. 7:30 na. Tsssss..."
Inirapan niya lang ako at uminom ng tubig. "Pasalamat ka pa nga at tinutulungan kita!"
Pumunta ako sa gamit ko at nag ayos ng sarili.
Sayang talaga kanina, gustong gusto ko talaga makapartner si Ashlynn sa roleplay. Kaso pinagtabuyan niya lang ako sa bestfriend niya.
Hindi ako makatingin sakanya kanina, kabado. So gay!. Excited pa naman ako dahil sa wakas, naging kagrupo ko siya. Kaso wala pa din.
"Hoy Tristan, uwi na ako. Bye!"
"Sige, bye. Oi, bukas ah!"
"Oo! Di pa tayo nakakapaghiwalay, wala pang limang minuto simula nung natapos tayong magpractice! Di ko yun makakalimutan! Masyado ka namang excited! Hahahaha! Umalis ka na nga! Tsaka baka di ka na makatulog niyan! Hahahaha! Babush!"
Umuwi na ako. Sumakay na ako ng jeep.
May pag-asa kaya ako sakanya? Ayaw kasi sabihin ni Grace saakin kung sino yung gusto ni Ashlynn. Daming alam. Tsssss.
Kung may gusto siyang iba, sana bigyan niya ako ng chance. Mahirap kayang umamin sa mahal mo. Hindi pa naman kami nag uusap, oh kahit ano man lang.
***
Nandito na ako sa kwarto. Pinapractice ko ang mga sasabihin ko sakanya.
Naka usap ko na din mga classmates ko.
Kayang kaya ko to!
***
"Ang gwapo ko na ba?"
"Haayyy. Huwag ka nang magtanong. Palagi ka namang pangit sa paningin ko eh" Psh, panira to si Grace eh.
"Okay."
Tumawa lang siya at bumalik na sa upuan niya.
Dumating na ang teacher namin.
Pagkatapos mag greet, nagbunutan na para sa kung sino ang mauuna sa pagpresent ng roleplay.
Tamang tama, huli kami.
Nanonood lang kami, at di ko namalayan, kami na.
Kinakabahan ako, hindi lang halata.
Nagstart na kami.
Nag acting-acting lang sila, tapos dumating na ang part namin ni Grace.
"Break na tayo." Seryoso kong sabi sa kanya.
Gulat siyang tumingin sa akin. "Ano? Seryoso ka ba?"
"Oo." Bigla akong umiwas ng tingin.
"Bakit?! May problema ba tayo? Sabihin mo sakin! Nagkulang ba a----"
"May iba na akong mahal."
"Hindi pwede! Akin ka lang! Please, wag mo akong iwan, mahal na mahal kita." Umiiyak niyang sabi at lumuhod siya at niyakap yung mga binti ko. May hidden talent pala tong si Grace?? Hindi halata sa itsura, puro kapangitan nakikita ko eh! Hahahaha.. Joke!
Sinipa-sipa ko siya. So, parang tumalsik siya kunwari. Galing ko talaga, parang totoo.
"Mahal ko siya"
"Sino yan ha?! Sinong pinagpalit mo saakin?" Tumayo siya.
Ito na.
Hinila ko si Ashlynn papunta sa tabi ko. Halatang nagulat siya.
Ang ganda niya sa malapitan.
"Siya ang mahal ko! Si Ashlynn Aleah Alonzo!"
"W-what? Wala sa script to! Tristan!" Bulong sa akin ni Ashlynn
"Siya? Magsama kayo!" At umalis na siya sa scene.
Nagsilabasan na ng mga roses ang mga classmates ko. At isa isang binigay kay Ashlynn.
"Ashlynn."
Nilingon niya ako at tinignan ng nagtataka.
Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko. Nakalimutan ko na lahat ng pinractice ko kahapon.
"Ashlynn, crush kita. Wait, scratch that. Mahal na kita. Unang araw na nakita kita, naging interesado na ako sayo. At nagising nalang ako, mahal na kita. Palagi kitang sinusundan at sinusulyapan ng patago. Naging torpe ako. Pero ngayon, inaamin ko sayo na gustong gusto kita."
Kinakabahan pa din ako. Pero nakayanan ko pading lumuhod.
"Ashlynn Aleah Alonzo, will you let me court you?"
Iyak lang siya ng iyak. Hindi siya umiimik.
Pero nagulat nalang ako nang tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. At bumulong siya sa tenga ko.
"Yes, and I loved you ever since." Then she gave me a peck on the cheeks that made my heart skip a beat.
***
A/N- hello! Salamat po sa pagbasa nito!
Kung nagustuhan niyo po vote and comment! ^_^Basahin niyo din po sna yung iba ko pong one shots and stories. Salamat po! :*
Vomment! (Vote and comment)
-iammissblue__
BINABASA MO ANG
'Lagi nalang bestfriend ko!'
Nouvelles'Kada kasi nagkakaroon ako ng crush, nagugustuhan niya ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero every year yan nangyayari. Palagi nalang akong nagseselos at naghahabol. Kaya ngayon, iwas muna ako sa crush crush na yan.'- Ashlynn