Chapter 1

85 5 5
                                    

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥ ♥~♥~♥
"Every girl wants a sweet bad boy."
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥ ♥~♥~♥

Kendra

"Yes po doc. Thank you po." She said as she giggled. Ang cute talaga ng batang to. Pasaway nga lang. Tsk.

"No problem. Dont eat too much sweets!" Nginitian niya ako at nag-bye. Hay, ang batang yun talaga.

Inayos ko na ang mga gamit ko para mag prepare ng umuwi. Kakatapos lang ulit ng everyday routine ko.

Yes, im a doctor. And I have my own clinic. Di naman siya kalayuan sa bahay kaya di masyado hassle. Yung bata kanina. Naku, tuwing pupunta yun dito, lagi na lang may tonsilitis. Napaka hilig sa sweets.

Nagulat ako nang biglang mag vibrate ang phone ko.

Clyde calling...

"Oh bakit?" Mukhang b-bwisitin nanaman niya ko. Tsk.

"Wow salamat sa magandang Hello mo ah" Sinasabi ko na nga ba.

"Welcome." Bumaba ako papuntang parkingat hinanap ang kotse ko.

"With sarcasm yun!" Nagulat ako nung narinig ko mula sa malapit ang boses niya.

Binaba ko na muna yung tawag at hinanap siya.

"Hi" Ang lapad nanaman ng ngiti niya. Di ko talaga alam kung bakit nakukunsumi ako pag nakikita ko yun eh. Tsk.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sandalan ang kotse ko no?"

"Okay lang yan, ipapag-drive naman kita eh. Lika na, dali!" Kinuha niya yung susi ng kotse na nasa kamay ko lang kanina. Hala. Ang bilis naman niyang kumilos?

"Ayoko! Akin na nga yan!" Pilit kong binubuksan yung pinto ng driver's seat pero ni-lock niya. Aba't! Kotse ko yun ehh! Bakit niya inaangkin?

"Bleh! Dito ka na kasi sa passenger's. Ipapag drive nga kita eh!" Wala na kong nagawa kundi umikot at pumunta sa passenger's seat. Argh!

"Bakit ba naka-busangot yang mukha mo? Pinag-drive na nga kita eh." Sabi niya habang sinisilip ang mukha kong naka busangot.

"Eh kasi naman! Dapat ako nagddrive eh!" Kumunot naman yung noo niya sa reaction ko.

"Bakit ba gusto mo mag drive? Di ka pa ba nagsasawa sa kotse mo? Atsaka di ka ba napapagod?" Hmm. He has a point. Hindi na lang ako sumagot sa halip ay natulog na lang.

May silbi din pala ang mokong.

"Oy, gising ka na muna, kain tayo." Nanlaki yung mata ko nung ibang lugar ang nakita ko pagka gising niya sakin.

"Nasan tayo?!" Ang lamig. Ang peaceful. Ang relaxing ng place. Ang sarap tumira dito.

"Sa Tagaytay." Tinignan ko si Clyde habang masaya siya nakatingin sa paligid.
Ilang months na din simula ng manligaw siya sakin. Gusto ko naman siya dati pa, college pa nga eh. Pero bakit parang naiinis na ko sakanya ngayon?

Kinurot ko yung cheeks niya at lumabas na ng kotse.

Kumain muna kami bago namin in-enjoy yung view. Ang ganda, sobra! First time ko makapunta dito. Dahil siguro sa trabaho.

Maya maya lang umuwi na rin kami. Si Clyde ulit yung nag-drive. May mangyayari din naman palang maganda kahit kasama ko siya. Haha.

"Una na ko." Bumaba na siya sa kotse ng makarating na kami sa bahay.

"Sige, pero pano ka uuwi?" Nginitian nya lang ako ng sobrang lapad. Ano nanamang iniisip niya?!

"Ayiee, concern ka ba sakin?" Aba lintek na lalaking to.

"Hindi ah! Bahala ka na nga dyan!" Nagmadali akong pumasok ng bahay. Pero bago pa ko tuluyang makapasok narinig ko siya sumigaw.

"Magt-taxi ako! Bye!"

Di ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Conceited Suitor [Chandara FF.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon