chapter30

2.4K 57 1
                                    

Clark kent

Simula ng makabalik ako...3 araw ko naring sinusubaybayan si lois..hindi ko alam kong pano ito haharapin pagkalipas ng 5 taon...alam ko malaki ang galit nito sa akin hindi ko naman masisi ito...

Nang malaman kong nagtratrabaho ito sa sarili nilang hotel malapit sa villa hotel na pag mamay ari ni daddy...agad kong ni request rito na ako na ang hahawak ng hotel...pumayag naman ito...

At ito nga nandito ako sa bar kong nasaan ito kasama ang mga kaibigan nito....halatang nagpapakalasing ito ...dahil sunod sunod ang pagsalin nito sa baso ng alak...

Napangiwi na lang ako habang tinitignan itong nakatulog sa lamesa ...

Tssss....ganyan na ba ang nangyari sa kanya simula ng hindi namin pagkikita"tanong ko sa sarili ko...

Napatayo ako ng may lumapit ditong 4 na lalaki...halatang mga lasing na ang mga ito...

Nagdilim ang paningin ko ng sapilitan nilang itayo ito...di ako nakatiis at lumapit sa mga ito...

Hoy kayo...san nyo sya dadalhin??? "Tanong ko sa mga ito

Wala kang pakialam kong saan ko dadalhin ang girlfriend ko diba mga pare!! "Sabi nung maaskad ang mukha

Teka hoy kayo san nyo dadalhin ang boss namin??? "Humahangos na sabi nung isang kasama ni lois nag sunoran ang iba pang kasama nila

Kung gusto nyo sumama narin kayo para masaya mag eenjoy tayo,wag nyo lang isama ang baklang yan!!!

How dare you bitiwan nyo nga yong boss namin!!!"sabi nung binabaeng kasama nila lois

Wag kang mangi-alam dito...."sabi ulit nung maaskad ang mukha...

Mga pare!! Bitiwan nyo na sya!!" Mahinahon kong sabi dahil ayoko ng gulo kahit ngalingali ko nang gustong suntukin yong dalawang nakahAwak kay lois

Amo mukhang papalag to...turuan ba namin ng leksyon?? "Sabi nung isang kasama ng mga ito...

Sige tirahin nyo na yang pakialamero yan..!!!

Naging alerto ako...mayamaya akma na akong susuntukin ng naiwasan ko ito...ginamit ko ang mga natutunan ko sa judo at isa isa kong pinabagsak ang mga ito....

Tsss wala pala kayong mga kwenta!!! " sigaw ko sa mga ito

Saka lang nagdatingan ang mga bouncer ng bar...agad nila akong hinawakan sa magkabilang kamay

Ay naku walang kasalanan si kuyang pogi!!! Tinulungan nya kami sa mga bastos na yan" turo nito sa mga pinatumba ko

Ay sorry po sir!! "Paumanhin ng bouncer at saka ako binitawan

Pakilabas na ang mga yan wag nyo naring hayaang makapasok dito!!! "Sabi ko sa mga bouncer tumango lang ang mga ito at binuhat ang mga walang malay na mga lalaking nambastos kila lois....

Gosh! Thank you kuyang pogi sa pagliligtas sa boss namin...kung wala ka baka kung anu nang mangyari sa kanya...." Sabi ulit ng binabaeng kasama nila

Okie lang....sige na magsi uwi na kayo at wag na kayong bumalik sa ganitong klaseng lugar...

Ahmmm mga mam!! Sino po magbabayad ng bill nyo???"biglang tanung nong waiter

Oi mga girls bayad daw!!

Wala kaming pera wala pa tayong sahod...sabi kasi ni boss sya magbabayad..."sabi nung isang babae

Pano nayan??? San tayo kukuha ng pambayad??? Di naman natin pwedeng pakialaman yong bag ni boss

Mam pati po pala yong damage kailangan bayaran dito po kasi nanggaling ang gulo" singit muli nung waiter

What!!!!???"sabay sabay na sabi ng mga ito

Yong mga iyon dapat ang singilin nyo dahil sila ang nag umpisa ng gulo..."sabi nung isa pang girl

Hey!! Wag na kayong mag alala ako na magbabayad ng bill nyo at pati narin yong damage"sabat ko sa mga ito..tinignan ko si lois na nakatungo muli sa lamesa...napailing na lang ako....nang sinabi sa akin nung waiter kung magkano ang bill ng mga ito at ang damage agad kong binayaran ito...

Nang makabayad ako...nandito parin ang mga ito at mukhang problemado

Anu pang ginagawa nyo dito??? Tanong ko sa mga ito

Ahmmm kasi mamang pogi di namin alam kong pano isasakay sa kotse si boss...

Lumapit ako kay lois at walang sabi sabing pinangko ito

God!! Napapikit ako nang maramdaman ko muli ang init ng katawan nitong nakadikit sa akin..ganito parin ang amoy nito walang pinagbago....kung wala lang taong nakatingin baka nahalikan ko ito sa sobrang pagkamiss ko rito...

Sumunod ako sa mga ito kung nasaan ang mga kotse nito...

Ahmmm dito na lang sa likod pakibaba sir josie dito kana sumabay tabihan mo si boss" sabi nung may ari ng kotse

Si kat na lang tess ...out of way ako pag sayo ako sumabay...

Kat kaw.nalang sumabay sa akin...

Okie..

Di ko pa nababa si lois ng bigla itong nagsuka sa damit ko...

Hala sir sorry sa nagawa ng boss namin...

Its okie...sige na umuwi n kayo ingatan nyi sya..."sabi ko sa mga ito

Nagtanguan ang mga ito at nagpasalamat sa akin....

Napatingin ako sa papalayong sasakyan ng mga ito...ako naman hinubad ko ang damit ko at pinalitan ko ng extrang t-shirt na nasa kotse ko at saka na ako umuwi sa condo unit ko kung saan ako tumutuloy...

MY SUPERMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon