chapter33

2.6K 58 0
                                    

Lois lane

Pinagmasdan ko ang papalayong sasakyan nito..nang mawala ito sa paningin ko...saka lang nagbagsakan ang luhang kanina pang gustong tumulo....

Ngayon lang nag sink-in sa akin ang mga sinabi nito....

Anung sabi nito nabulag ito ng mahigit apat na taon...???

Pumasok ako sa kotse at sinubsob ko ang mukha ko sa manibela habang patuloy ang pag iyak ko...binalikan ko ang mga sinabi nito...

Kung susumahin mas masakit ang napagdaanan nito kesa sa sakit na naranasan ko....kaya nang makapag isip agad kong pinatakbo ang kotse para sundan ito....

Nang makapasok ako sa village hindi ko na nagawang ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at tuloy tuloy kong pinatakbo ito hanggang sa makarating ako sa mansyon nang mga ito...nang makilala ako ng guard agad akong pinapasok ...nang makababa ako agad akong kumatok sa pintuan ng mga ito...

Mam lois??? Kayo po pala tuloy po kayo nasa sala po si madam" sabi nung kasambahay nila

Tumango lang ako at nagtuloy tuloy sa sala...nakita ko agad si tita chandria na napatayo ng makita ako at dali daling lumapit sa akin

Lois iha??? O its you..how are you...god i miss you so much darling" wika nito at saka ako niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi...

Tita si clark po asan??? " naiiyak kong tanong rito

Hes not here iha..nasa condo nito iyon nag i stay...nakapag usap na ba kayo???

Tita totoo ba nabulag si clark???"tanong ko rito

Iha...ou its true after the operation he was blind...sabi ng doctor panahon lang ang makapagsasabi kong kelan ito makakakitang muli...inilihim nya ito sa inyo lalong lalo na sayo...ayaw ka nyang mag alala...kaya wala kaming nagawa ng daddy nya kundi wag kayong kontakin...im sorry lois...pero kung gusto mong mas malaman ang totoong dahilan nya kung bakit nya yon ginawa ..you better talk to him..mahal na mahal ka ng anak ko...

Napayakap muli ako kay tita habang umiiyak....nagpaalam na ako rito...

Tita mauna na po ako...bukas ko na lang po sya kakausapin...

Lois iha baka hindi mo na makausap bukas ang anak ko...

Ho???bakit po?? "Takang tanong ko rito

Nagpaalam sya.sa akin kanina na babalik na lang sya sa amerika bukas...umaga ang flight nya...ayaw ka naraw nyang guluhin dahil masaya ka naman na daw sa piling ng iba???

Ho??? Ako may iba???"nagtataka kong tanong ito ba yong sinasabi nya kaninang sana hindi ako nagmahal ng iba...sino naman??? "Tanong ko sa sarili ko

Uo iha sinabi nya...he saw you hugging with another man...kaya nagpasya na syang umalis na lang...

Tita san ang condo nya???"tanong ko rito

Give me your number i ttxt ko sayo ang address..."wika nito at saka ko binigay ang # ko,at  saka na ako nag paalam...

Dumaan muna ako sa bahay para magpaalam kay mommy...

Mommy kayo muna bahala sa kambal...

Bakit anak san ka pupunta??

Kakausapin ko po si clark!! Basta mom kayo muna bahala kay jayson at brandon,saka na ako magpapaliwanag

O sige anak mag ingat ka...

Nang makalabas na ako sa bahay agad kong tinawag ang driver ni dad at nagpahatid sa condo ni clark..nagpaantay ako sa driver,tatawag na lang ako kung pauuwiin ko na lang ito at baka matagalan ako...

Nang makarating ako sa building agad kong tinanong ang guard kong nandyan ba si clark...nang sinabi nitong dumating na ito kanina pa,agad kong tinanong kung saan ang unit nito pero ayaw ibigay...kaya tinawagan ko si tita .. Makalipas amg ilang sandali pinayagan na ako ng guard na pumasok dahil nakatanggap na ito ng tawag kay tita chanda dahil sila ang may ari ng building nato

Saan ang unit ni clark??? "Tanong ko muli sa guard

Mam 3rd floor room 028"sabi nung guard

Napailing ako sa sinabi ng guard...talagang yon ang napili nya ah!!"sabi ko sa sarili ko yon kasi ang araw kung kelan ko ito sinagot

Nang makarating ako sa pinto ng condo unit nito agad akong nag doorbell.... At tinawag ang pangalan nito...pero walang sumasagot....kaya naisipan kong hulaan ang passcode ng pinto nito,sinubukan ko ang birthday nito pero mali....sinubukan ko rin kung kelan ko ito sinagot ...and then activated!!

Yes!! "Nasabi ko sa sarili ko at pinihit ang seradura ng pinto nito at saka pumasok sa pinto...

Tumambad sa akin ang mga nagkalat ng basyo ng bote,napatingin ako kay clark na tulog na tulog sa kalasingan...pinagsawa ko ang pagtitig sa gwapo nitong mukha...namalayan ko na lang na marahan ko itong hinahaplos...napatingin ako sa hawak nito..sa isang kamay nakahawak parin ito sa bote ng alak,tinanggal ko iyon at ipinatong sa lamesang naroon ,sa isang kamay naman nito nakayakap ito sa isang picture frame...kinuha ko iyon at tumambad sa akin ang litrato ko 5 years ago...napangiti na lang ako habang nakatitig sa mukha ni clark...

Kahit sobrang bigat nito pinilit ko itong igiya sa silid nito...umungol lang ito,nang maihiga ko ito sa kama nito agad akong kumuha ng towel para punasan ito...

Kahit naiilang hinubad ko ang pang itaas nito at pinunasan ito...ang laki ng pinagbago ng katawan nito mas lalong naging matipuno...nang matapos ko itong punasan naghagilap ako sa closet nito...mangilan ngilan na lang ang gamit nito dahil nakita ko kanina ang nakahandang bagahe nito...aalis nga talaga ito...nang makakuha ako ng white T-shirt agad kong sinuotan ito...tumabi ako sa pagkakahiga rito hahayaan ko munang makatulog ito...subalit nakatulog rin pala ako habang nakatitig rito...

Nagising ako bandang alas kwatro...tulog na tulog parin ito...naisipan ko munang umuwi para makapag palit saka ko na lang ulit ito babalikan...

Nang makabalik ako sa condo unit nito...mahimbing parin itong natutulog...naisipan kong maglinis sa sala nito...nang matapos agad akong naghagilap ng maluluto sa kusina nito....nang matapos...sumilip ako sa kwarto nito...subalit wala na ito...marahil ay nasa banyo ito...bumalik ako sa kusina para ipagtimpla ito ng kape...

Pagbalik ko nakita ko itong nasa sala habang nakatingin sa litrato ko...naka ready narin ang bagahe nito at hawak ang passport at ticket nito...parang sumikip ang dibdib ko sa nakita ko kaya agad akong lumapit rito...

G-good morning!!!

MY SUPERMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon