Ngayon Lang

15 0 0
                                    

09-16-2018


NGAYON LANG

cindie L.


Marami tayong gimik, maraming napagdaanan

Iba't ibang mga karanasan kung saan saan


Hindi man lang ako napagod, dahil masaya.


Mga naranasang pagsubok hindi ininda

Nalampasan natin nang magkasama


Hindi ako napagod, dahil pangarap kita.


Maraming bulong na naririnig mula sa iba

Samu't saring kwento nagpapaalarma


Ngunit hindi ako napagod dahil may pangako ka.


Unti-unti, nagbago , masasayang araw ay lumipas,

Takot ay sumisibol, tila nalalapit na ang wakas


Ngunit hindi ako napagod dahil mahal kita.


Minahal nang tapat, isinukli ay pait

Kung gaano pala kasaya, ganoon din kasakit


Ngayon lang ako napagod...Dahil MASAKIT na.


NAPAGOD NA AKO...

DAHIL MAHIRAP PALANG MAGPAKATANGA.

NGAYON LANG AKO NAPAGOD.

NGAYON LANG.

NGAYON LANG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ngayon Lang (Tula #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon