Chapter 13

1.7K 55 5
                                    




Umuwi muna si Ion sa bahay niya para makaligo at makapag bihis matapos naming mag breakfast. Naka upo ako ngayon sofa ng kwarto ko. Tapos na akong maligo at mag bihis. Nakapag ligpit narin ako sa kwarto ko.

Hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito, na makatabi ko si Perez sa pagtulog. Gusto ko siya, gustong gusto ko siya, lalo na dati, nung nasa med school pa lang ako. Pero iba na ngayon.

Kung takot ako noon, mas takot na ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang wala na akong pinagkakatiwalaang tao. Siguro dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko dulot ng pagmamahal sa maling tao. Takot na akong magkamali. Ayoko na.

Si Calvin. Si Calvin ang nakapagpabago ng pananaw ko sa buhay. Naging sanhi siya sa pagka lugmok ko at hindi ko alam paano ako babawi'ng muli. Nalunod ako sa sakit na dulot ng pagmamahal ko sa kanya. Bakit parang lahat ng naging desisyon ko tungkol sa pagmamahal, laging mali? Saan ba talaga ako nagkulang? Ano ba ang naging problema ng tao sa akin?

Bata pa lang ako, nakaramdam na ako ng pagtakwil pero nilunok ko lahat yun para lang mabuhay. Gusto kong mabuhay, kailangan kong mabuhay.

"Vice?" Biglang pagyugyog ni Ion sa akin.

Tumingala ako. "Hi" sabi ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

Doon ko namalayan na niyakap ko ang mga tuhod ko at humihikbi na ako.

Umiling ako. "Wala" maikling sagot ko.

"Ayokong nakikitang umiiyak si Gandara. Alam kong hindi kita mapipigilang umiyak. Pero sisikapin ko'ng pag kasama mo ako, hindi ka na iiyak." Sabi niya at dahan-dahan niyang hinalikan ang kamay ko.

"Sorry Ion ha. Wala pang 24hrs tayong nagkasama pero ilang beses mo na akong nakikitang umiiyak. Sorry." Sabi ko sa kanya at yumuko ako

Inangat niya ang mukha ko "Uy, ayos lang. Pero pangakong, pag ako na ang katabi mo , hindi ka na iiyak." Sabi niya.

Ngumiti ako. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

"So ano ang gusto mo'ng kainin mamaya?" Tanong niya sa akin.

"Kahit ano. Ano ba kaya mo'ng lutuin?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit ano." At ngumiti siya sa akin "baka hindi mo alam, kapampangan ako" at hinawi niya ang buhok niya at nagpapapogi sa harap ko "kahit ano'ng gusto mong putahe, kaya ko!" At kumindat sa akin.

Natawa ako "ang yabang ah! Sige. Gusto ko ng kare-kare. Namiss ko talaga yun nung nasa Singapore pa ako."

"Naku! Kung di mo naitatanong, yan ang espeysialty ko!" Pagmamayabang niya.

"Espeysialty talaga? Hahaha cge. Patikim ng pinagmayabang mong kare-kare." Sabi ko.

Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. "Tara. Samahan mo ako sa kusina." At bumaba na kami.

Dahan-dahan siyang bumaba. Naalala ko ang sitwasyon ng tuhod niya. "Sya nga pala. Komusta nang tuhod at paa mo?" Alala kong tanong sa kanya.

"Ayun. Ayos naman. Nakapag practice na akong mag lakad ng maayos sa bahay mo. Sabi mo pa sa akin na mas maganda ang pa kaunti-kaunting hagdanan sa bahay ko para hindi masyadong ma binat, yun pala, dito pala ako maka practice at ma stretch yung muscles ko. Nakapag drive pa ako kagabie. Eh sabi pa naman ng doctor kong maganda na wag pwersahin." Umiiling pa siya habang dahan dahang bumababa.

Tumigil ako sa paglalalad at yumuko. "Nagiguilty tuloy ako."

"Joke lang. Maayos naman na 'to. Ito naman." At hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Wala naman siguro akong dapat ipagalala diba? Nandiyan ka naman eh. Diba?"

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

Pag dating namin sa kusina, nakatingin lang ako sakanya habang binubulabog niya ang ref ko. "Parang may earthquake sa kitchen ko today." Sabi ko habang naka sandal sa may poste malapit sa lamesa at tinitignan siya na gumagalaw.

Tumayo siya ng maayos at tinignan ako. "Nag enjoy ka ba sa view?" At pinagpatuloy ang ginagawa niya. Inirapan ko siya at umupo nalang ako sa mesa.

Naghihiwa na siya ng mga ingredients habang pinaguusapan ang buhay niya sa probinsya dati at kung paano siya napunta sa manila. Kinukwento niya rin na hindi pa siya nagkakagirlfriend pero may gusto siyang tao ngunit hindi niya ito kilala.

"Paano mo alam na gusto mo siya kung di mo naman siya kailala?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko alam. Siguro dahil sabi niya na maging masaya lang ako at sundin ko lang ang sinasabi ng puso ko. Kaya hanggang ngayon, sinusunod ko parin ang sinasabi niya. At masaya naman ako dahil doon." Sabi niya.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya sinusunod ang tao na hindi niya naman nakikita. Pero choice niya yun. Masyado nang komplikado ang buhay ko para intindihin yun.

"So hinahanap mo parin ba siya?" Tanong ko sa kanya. Sa pagkakataong ito, unti-unti niya nang nilulunod ang mga sangkap ng putahe sa kalan.

"Oo. Hindi. Ewan ko. Siguro, kung matatagpuan ko siya, siguro." At tumingin siya sa akin "pero pag may dumating na isang tao na makapatibok ng puso ko, siguro, ayaw ko na sa kanya." At ngumiti siya sa akin at tumalikod ulit at pinagpatuloy ang pagluluto.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang beywang niya. Sumilip ako sa niluluto niya. "Hmmm. Ang bango."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Wag ka ngang ngiti ng ngiti! Nakakainis!" At tumalikod ako at bumalik sa upuan ko.

"Naku po. Mukhang maiinlove ka sa ngiti'ng to ah." Mahina niyang sinabi.

"Ang kapal!" Sigaw ko kaya natawa siya. Lumingon siya at kinindatan niya ako.

Maya-maya ay dala-dala niya na ang kare-kare, sinunod niya naman ang bagoong at kanin. "Tikman mo 'to." Sabi niya.

"Naku pag di 'to masarap, paaalisin na talaga kita sa pamamahay ko." Sabi ko sa kanya.

"Hahaha tikman mo muna bago ka mag banta ng kung ano-ano jan." Aba! Laki ng kumpyansa sa sarili ah.

Pag tikim ko. "Okay. Aminin ko. Ang sarap." Napapikit pa ako dahil totoo, ang sarap.

"Pasado ba sayo?" Nakangiting tanong niya.

"Oo naman! Pwede ka nang mag asawa." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko muna." Yumuko at kumain nalang siya.

"Alam mo? Nung una kaming magkakilala nung boyfriend ko, akala ko masarap siyang magluto. Kasi dinadalhan niya ako ng pagkain sa ospital. Tapos minsan, nagdadala din siya ng pagkain sa tinitirhan ko. Yun pala, take out ang mga dala ng hayop!" At napailing ako sa naalala ko "napaka walang hiya ng hayop!"

Natawa siya sa kwento ko. "Oh tapos? Pano mo nalaman?" Tanong niya.

"Eh nung naging boyfriend ko siya, dun ko nalaman lahat kasi tumira na rin ako sa kanya agad. Eh siya din naman ang umamin." Sabi ko.

Mas lalo pa siyang natawa. "Haha nabudol ka ng boyfriend mo Gandara? Naku po."

"Tuwang tuwa Benigno ah! Ayun. Doon ko na rin nalaman ang totoong pagkatao niya, na ibang iba sa pinapakita niya sa akin nung nanliligaw pa siya." Sabi ko.

"Oh? Nag live in kayo? Pumayag ka?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo. Tanga ko diba? Wala talaga akong tamang nagawa sa buhay ko maliban sa pagiging doctor." Sabi ko.

Lumapit at tumabi siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko "Hindi, hindi ikaw ang may kasalanan. Nag mahal ka at yun ang ginawa mo at ni minsan, hindi naging mali ang pagmamahal. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo okay?"

Yumuko ako kasi hindi ko na kayang makipag titigan sa kanya. Hinalikan niya naman ang noo ko. "Wala kang kasalanan. Hindi ikaw ang mali." Sabi niya.

Tumango lang ako. Niyakap niya ako ng dahan-dahan na para bang naghihingi ng permiso at tumugon naman ako.

"Salamat. Salamat dahil sa isang araw na nakasama kita, ni minsan, hindi ko naaalala ang malungkot kong buhay." Bulong ko sa kanya. "Bakit mo ba ginagawa 'to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang kumalas sa yakapan namin. Hindi ko rin kasi maintindihan eh.

"Because I think I like you." Sabi niya.

A Personal Touch (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon