Kabanata 1

7 0 0
                                    

His Eyes

Ang aliwalas tignan ng panahon ngayun, timing ang hangin pa dito.
Pwedeng pwede para sa oras ng pagbabangka.

Tumakbo agad ako papunta sa bahay nila Basti.
"Tao po! Alina Lina tao po! Hellooo! Ali----"
"Ano ba Pai! Kay aga aga eh nambubulabog ka dito. Ano bang kailangan mo?" Hala ito namang si Aling lina oh. Napasimangot tuloy ako sa sinabi niya.

"Hindi, Ano po kasi, hinahanap ko po so Basti eh. Sasama po ako papalaot sa kanya" ani ko sa masiglang tono.

"Ah si Basti, andun sa tabing dagat sa dulo ng Isla Verde. magkasama sila ni Francine" may halong panunuya sa tono ni Alina Lina.

Ano naman ang gusto niyang ipahiwatig? Tss. Akala niya naman magseselos ako dun.
"Sige po Aling Lina, pupuntahan ko lang si Basti" sabi ko sabay alis.

Ba't kailangan pang sabihin ni Alina Lina yun? Eh wala naman akong paki ah. Tingin niya siguro maapektuhan ako. Hmm...Ayun na pala si Basti.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko papalapit sa kanila. At aba---
Nagtatawanan pa sila ni Francine. Edi kayo na! Kayo na masaya! Argh! Kainis!

"Hahahaha, pilyo ka talaga Basti"
"Hahaha, biro lang nu"
Tss. Tawang tawa pa kayo ah. Hah! Tingnan natin!
"Pero kung gus----"
"Ehe-ehem. Hi francine, nagkakatuwaan ata kayu eh nu?"
bakas ang pait sa tono ng pagkakasabi ko.

Tila nabigla rin sila sa akin.Ganun ba talaga sila kaabala sa kwentuhan para di ako mapansin kahit katiting ng presensya ko?

"Oi Pai, Haha andyan ka pala" ani niya sa mapaklang tono. Napansin kong nag-iba ang mukha ni Basti. Umiigting ang panga niya at umiwas ng tingin. Pota?

Ano na namang problema niya? Nginitian ko na lamang si francine pagtapos masdan si Basti.
"Ah sige, Una na ako sa inyu ah, Bye Basti! Bye Pai!"sabi niya sabay kaway sa amin.

Buti naman umalis siya.
"Ano na namang ginagawa mo dito Pai?"ani niya sa matigas na tono.

"Sasama sana ako papalaot sa inyu, wala akong magawa sa bahay eh"
sana naman pumaya----
"Hindi pwede"asik niya. ANO?!
"Eh hindi naman ako manggugulo eh" sabi ko sabay simangot.

"Di parin pwede." He marked his words with finality. Nakakainis! Bahala siya! Kung ayaw niya akong sumama sa kaniya. Edi sasama ako sa iba.

Padabog akong umalis doon. Takte! Palagi na lang! Di niya talaga pasasamahin. Arghhh!

"Oi Pai! Sama ka samin! Papalaot kami nila Mang Nilo" Ay puta! Nakakagulat naman tung si Ali.
Pero hmmm..Buti na lang niyaya niya ako. Sa wakas!

"Yaayy! Sige ba Ali! Final na yan ah, walang bawian. baka mamaya magbago isip mo tas di mo ako pasamahin" ani ko.

"Pfftt. Oo na. Lika na baka maiwan pa tayo." Sabi niya sabay tawa.
Naglakad na kami papunta sa bangka nila.

" O Pai! Sasama ka papalaot?"
baling sa akin ni Mang Nilo.
" Ah oo po, Niyaya ako ni Ali eh, tsaka wala rin akong magawa sa bahay." ani ko sabay ngiti sa kanila.

"Ahh, ganun pala. Hoy Ali, Ikaw nang bahala dito kay Pai ha."

"Oo po. Wag kayong mag-alala" kinindatan ako ni Ali sabay ngiti.
Nginitian ko na lang din siya bilang sagot.

"Sige Pai, Upo ka na lang diyan banda. Ikaw bahala kung san ka komportable" Ani ni Paul habang inaayos ang mga gamit sa bangka.

Tumango na lamang ako tas ngumiti ng bahagya sakanya.
Nagsimula nang gumalaw ang bangka namin dahil sa pagtulak ni Mang Nilo. Iniangat na niya rin ang angkla.

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang asul ng langit, tas wala pa masyadong mga ulap.Napakahangin dito. Ang lawak pala talaga ng karagatan.

Di ko namalayang malayo-layo na rin pala tung narating namin.
"Oi Ali, sakop pa rin ba ito ng Isla Verde?" tanong ko mula sa kawalan. Ang tahimik masyado eh.
"Hmm, siguro? Ay ewan. Ba't mo natanong?" ani niya habang inaayos ang lambat.
"Wala lang, napaisip lang ako----"

"Oi Basti, andito ka rin pala. Buti nakasunod ka sa amin." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakasabi ni Paul nun. Para akong kinakabahan na ewan.

Iniiwasan kong tumitig sa kanya, Ewan ko ba. Parang nakakapaso yung mga tingin niya eh. Aishh! Ano ka ba naman Pai! Umayos ka ah! Crush mo lang siya. Kaya wag kang OA.

"Oi Basti, ba't mag-isa ka lang? ani ni Mang Nilo. Oo nga nu? mag-isa lang siya. Pwes! Buti nga sakanya. Di niya ako pinasama eh.

"May lakad kasi sila Mang Lito, yung si Victor naman at Rick, sumasakit raw ang braso" ani niya. sinulyapan niya ako gamit ang mga nakakalula niyang "Asul" na mga mata. "Ba't andito ka Pai?" asik niya habang nakataas ang mga makakapal at kurba niyang kilay.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flashed Memories Where stories live. Discover now