sa bawat lipat ko ng pahina,
mga magagandang ala-ala ang nakikita.
napapaisip,
na sana'y mabalik-
ang dating sigla ng iyong mata, kapag ako ay nakikita.
ang dating tamis ng iyong ngiti, kapag ako ay nakakausap.
ang dating mahigpit mong hawak saaking kamay, na tila gusto pa akong makasama.
ngunit katulad ng libro na may kwento,
ang lahat ng mga ito may dulo..
at ang maari mo na lang gawin ay-
balikan ang bawat pahina nito.