ang mga mata ay nakapiring-
habang mga kamay nati'y mahigpit na magkakapit.dahan dahan;
sabay nating tinahak ang walang kasiguraduhang daan.
ang takot at pangamba ko'y hindi alintana,
dahil sa matigas mong hawak saakin na tila ayaw akong mawala.ngunit sa paglipas ng araw-
maya't-maya ang iyong pag galaw;
tila hindi mapakali- tila nagugulumihan.dahan-dahan mong niluluwagan;
ang dating mahigpit na hawak-
umabot na sa puntong;
hindi ko na ito tuluyang naramdaman.ako ay napatigil-
niyayapos ang malamig na simoy ng hangin.hindi alam ang gagawin-
sa minsang mundong pinagsaluhan natin.nakapiring na mga mata-
pinipilit takpan ang katotohanang;
ako'y tuluyang iniwan mo na.---
![](https://img.wattpad.com/cover/217779436-288-k0c4e88.jpg)