Umaga na, Panibagong kamalasan nanaman.
Nakakasilaw talaga itong araw na to at nagkataon pa't natapat itong bintana ko sa kama ko, pambihira naman panira ng tulog ko kung bakit ba kasi hindi ko sinara yung kurtina kagabi. Mapait akong napangiti.
Oo nga pala di ko na nasara yung kurtina kagabi at natulog na lang ako pagtapos ng pangyayaring 'iyon'. Bumalik ang nangyari kagabi sa isipan ko.
Para sa akin normal ang araw na yon. Kumakain na kami ng dinner at galing din ako sa school, Oo ginabi na nga ako. Habang nasa hapag kainan kami, inabot ko at pinakita ko na sa kanila ang grades ko sa school. Akala ko matutuwa sila, akala ko lang pala.
"Ano to? Ano tong basurang ito? Ganto na lang ba ang kaya mo? My god shae hanggang ngayon ba hindi ka pa rin natututo?" Sabi ng magaling kong ina. Oo magaling sobrang galing! Bakit ano bang mali sa grades ko? Ha! oo nga pala mas gusto nilang 99.5 ang average ko bawat quarter. At yon ang kinagagalit nila dahil ang average ko lang naman this 2nd sem is 98.9 ayoko na sawang sawa nako sakanila.
"Patingin nga" kinuha ng isa pang magaling kong ama ang report card ko kung saan nandoon ang 'basura kong grades'.
"Wala ka talagang pagpalubag loob shae ano?! Pinagaaral ka namin sa private tas ganto lang igaganti mo? Wala kang kwentang anak!" Sabi ng perpekto kong ama. Hahaha oo nga wala akong kwentang anak sa mata nila.
Mapait akong ngumiti at sinagot sila.
"Pasensya na po hindi kasi ako perpekto kagaya nyo". Isang malakas na sampal ng magaling kong ina ang lumapat sa aking pisngi. *Spit* dugo, oo dugo, nagdudugo ang labi ko. Kahit kailan never naging maayos ang aking hapagkainan."At talagang sumasagot ka pang bata ka?! Halika dito!" Sinabunutan niya ako pagtapos niya akong sampalin. Sampalin ng paulit ulit hanggang sa magsawa siya.
"Tama na yan Aera! Walang magagawa ang pambubugbog mo diyang sa walang kwentang anak na yan". Kala ko iba kang ama ngunit nagkakamali ako kagaya mo rin pala ang asawa mong walang ginawa kundi saktan ako.
"Pumasok kana sa kwarto mo at hindi ka kakain ng tatlong araw!". Sabi ng ina kong perpekto. 'Sus tatlong araw lang naawa ka pa sakin. Bat di mo nalang gawin ang wag pagpapakain sa akin edi naging madali pa buhay nyo. Malas ako diba?' Eto, etong mga simpleng mga salitang ito ang gustong gusto kong sabihin ngunit hindi ko magawa.
Tumungo na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at tumungin sa kawalan. 'Ganyan naman kayo lagi bat di nyo nalang ako patayin', natawa ako sa isipang iyon.

BINABASA MO ANG
Who Are You?
Teen Fiction"Who are you?" She said. "Look around." He said. She looked around and shocked as she saw those things infront of her. She was stunned. Speechless. Scared. Confuse. At the same time disgusted. Sa nakita niyang reaction nito. Behind his facemask, He...