ALA-ALA

76 5 0
                                    

Napakasakit isipin
Na ang mga ala-ala natin
Ay nararapat ko nang limutin

Una, ang mga ngiti mong kay ganda
Noong mga panahong tayo'y magkasama
Mga sorpresa ko na sayo'y nagpapasaya
Ngayo'y di ko na makikita

Pangalawa, tinig mo sa tuwing ikaw ay kumakanta
Habang tinitipa ko ang aking gitara
Animo'y lumulutang dahil sa tinig mong dala
Ngayon ay di ko na maririnig pa

Pangatlo, ang kamay nating magkahawak
Habang naglalakad tayo sa mundong napakalawak
Ang saya nang araw na iyon, puno ng halakhak
Ngunit sa isang iglap lang nagbago ang lahat
Ikaw ay napahamak at ako'y naiwang wasak.

Random Short PoemsWhere stories live. Discover now