Ang Huling El Bimbo

73 0 0
                                    

Wattpad

Short Story

Ang Huling El Bimbo

By: DudeNextDoor

Author’s note: Hi guys. Welcome back to me. Been a long time na di nakakapag-update. Ngayong andito na ako, siguro Short Stories na lang muna ang gagawin ko. Mahabang proseso kasi ang On-going. Di makayanan. Pero i-u-update ko rin naman ang mga on-going ko dito. So as of now, short story muna ang genre ko.

Back to the story. Itong story na ito ay true story po. Totoo po talaga. As in na-experience ko talaga ito. Iniba ko lang ng konte. :) Actually, gagawin ko dapat ito as part ng isang on-going story ko. Tinamad nga lang. Anyway, gusto ko lang i-share kasi nakakatuwa ang experiences ko. Sobra. I hope magugustuhan nyo po.

***********************************************************************************

“Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.”  - Eraserheads, Ang Huling El Bimbo

Sadya nga namang walang kupas ang awiting ito. Mapa-matanda man o kabataan, pinakikinggan at kinakikiligan itong hit chart na awitin. Paano ba naman kasi, nakaka-relate ang libo-libong mga tao sa lyrics na isinulat ng sikat na bandang ‘Eraserheads’. Dagdagan mo pa ng malumanay na melody nito. Aba! Mapapaiyak ka sa sobrang kilig at sobrang emote sa kantang ito. Tulad ko rin. Napaantig ako ng awiting ito mula ng marinig kong kumanta ang crush ko. Sa milyong tao dito sa Pilipinas, siya pa ang kumanta kung kaya’t hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang kantang ito. Kung alam nyo lang, kapag makakahawak na ako ng gitara, unang patutugtugin: Ang Huling El Bimbo. Sabayan pa ng todo-kanta at emote.

Ganito kasi yung nangyari.

October 6, 2010. Sci-Math-Tech Fair ng school namin.

Magpu-put up kami ng investigatory project booth namin sa gym. Every Sci-Math-Tech Fair kasi, ang mga honors’ class from first year to fourth year ang binibigyan ng ganitong activity.

“Daan tayo sa classroom nila.”, sabi ko kay Macy.

“Sige, sige.”

Alam na ni Macy ang tinutukoy ko. Ang dumaan sa classroom nila Roman. Everyday routine na namin kasi ang dumaan at magsulyap sa classroom nila para makita sya. Paminsan nga, magpapansin kami habang dumadaan para mapansin kami ni Roman.

Si Roman. Siya lang naman ang second year student na kinababaliwan ko. Hindi lang ako, pati rin si Macy. Simula nung makita ko sya, sya na ang inspirasyon ko sa pang-araw-araw ng pagpunta sa eskwelahan. Akalain nyo, naging second honor ako (at first honor) nang dahil sa kanya. Well, di ko naman masasabi na sya ang dahilan pero inspirasyon ko sya eh, so sya nga talaga ang dahilan. Siya ang dahilan kung bakit tinatawag akong baliw, adik at kung anu-ano pa kapag nag-aabang akong lalabas sya ng classroom nya o hinahanap ko sya sa gym kapag may volleyball practice sya o napapatawa ako kung iniisip ko sya habang nagle-lesson si Maam. Wala tayong magawa, crush ko sya eh. Ginawaan ko pa nga sya ng kanta.

“Ayan na! Malapit na tayo.”

“O, ano man ang gagawin natin?”

“Ewan. Hanapin sya.”

Hay naku! Wala na kaming alam gawin kundi hanapin sya sa classroom.

“Saan sya?”

“Ayon sya, o! May hawak na gitara.”

“Oo nga ‘no. *kilig kilig* *ki-at ki-at*”

Nung Monday pa yan eh. May dala-dala na syang gitara. Nagpapatugtog sa gym tuwing lunch break o dismissal. Kumakanta. Hmm. Baka sasali siya sa Jingle Rapping. Hmmm.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Huling El BimboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon