II

29 3 0
                                    

Breathe in. Breathe out.

Muli akong tumingala sa tapat ng isang mataas na gusali sa kanto ng Paseo de Roxas at Makati Avenue. Kumikinang ang gusali sa tama ng sinag ng araw at tila nananalamin ang mga kapwa nito mga gusali sa kanya. Dalawang gabi kong ipinagdasal na maging matiwasay ang pagdating ng araw na ito at malagpasan ng maayos.

Tinahak ko ang daan papasok at aking ipinresenta ang ID nang ako'y tanungin kung saan patungo. Binigyan ako ng visitor's pass at sinabi ang palapag na aking pupuntahan. Mula pag-gising ay hindi na mawala ang kabog sa aking dibdib. Sa balita pa lamang ni Mami Joy sa akin tungkol sa trabahong ito ay malalim kong pinag-isipan. Hindi rin niya sigurado ang posisyon ngunit aking ibibigay lamang ay ang pangalan ng kanyang kakilala.

Sa pagbukas ng elevator, tanging ako lamang ang lumabas. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin sa tahimik na palapag na ito. Pinagmasdan kong maigi ang aking natatanaw kung saan sa malalaking letra nakasulat ang pangalan ng kompanya.

"Co-Enterprise..."

Parang gusto kong umatras. Napahigpit ang aking kapit sa strap ng aking bag. But I should be calm. I am ready for this. Peppy, kailangan mong isipin na malaking pera ang seswelduhin mo dito. Kailangan mo ng pera, Peppy.

Nagpakawala ako ng hininga at lumapit sa gwardiyang kanina pa nakamasid sa akin.

"For interview po." Magalang kong sambit sabay abot ng resume.

"For what position po?" Aniya naman at tinignan ang aking inabot.

Binalikan ko ang pag-uusap naming iyon ni Mami Joy. "Assistant?" Not 100% sure.

Pinatuloy na niya ako sa loob ng reception area. Everything was modern. Ang kanina'y binasa kong pangalan ng kompanya ay nasa harapan ko na mismo. Everything was in white. The fixtures, lighting—lahat! Lumapit ako sa receptionist na siyang natatanging nakakulay itim.

"Good morning, sir. How may I help you?" She greeted in a polite manner.

"I am here for an interview."

Ibinigay ko sa kanya ang aking resume na kanyang binasa. Doon nakasulat na ang salitang assistant kung kaya alam na niya ang posisyon na aking ina-applyan. May kung anong pinindot siya sa telepono at mabilis lang na nakipag-usap. Narinig ko pang binanggit niya ang pangalan ko. Pinaupo niya ako pansamantala at iniwan ako mag-isa sa lobby at pumasok sa isa ring puti na hallway. Tanging ang tunog lamang ng kanyang sapatos ang maririnig.

Minamasahe ko ang aking mga kamay habang naghihintay. Sandali kong kinuha ang phone ko para sabihin kay Mami Joy na nasa opisina na ako at naghihintay na lang para sa interview. Ilang sandali pa, narinig kong muli ang pagtunog ng takong ni ate girl-receptionist.

"Sir Epifanio," Tawag niya at mabilis akong tumayo. "This way please."

Sumunod ako sa kanya sa hallway na kanyang pinanggalingan. Nakakabusog sa mata ang tanawin dahil mula sa kaninang pinanggalingan kong kulay puti, unti-unting nagkakaroon ng kulay sa paligid nito. The walls leading to I-don't-know-where has multiple panel paintings in colors! Sa bawat pinto na aming nadadaanan sa loob ay may buhay. Exact opposite of what from the outside.

She entered a door on our left leading to an interview room, I suppose. It has color schemes of white and green—in the shade of Sacramento. It evokes a soothing mood and feelings of balance and harmony akin to the natural environment.

"Kindly wait for our HR team for your interview. She will be arriving in a short while." Aniya nang maka-upo ako sa isang silya katapat ng isa pa. "Would you like anything to drink?" She offered.

"A glass of water would be fine. Thank you."

She smilingly nodded as she closes the middle-frosted glass door. Sa pagsara niyang iyon, muling umusbong ang kaba sa aking dibdib. I keep on tapping my left foot to the floor, massaging mg temples, and clearing my throat. This is making me palpitate without even having caffeine in my system.

Home for Christmas (A Christmas Short Story Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon