Bagsak ako kagabi nang maka-uwi ng bahay. Wala akong ginawa sa maghapon ngunit daig ko pa ang nagtrabaho ng higit walong oras. Hindi ko na nga din namalayan ang gutom at agad na natulog.
Sa kabila ng aking mahimbing na tulog, umalingawngaw ng maraming beses ang aking telepono. Ni isang segundo ay hindi napahinga ang ring nito. Nakasubsob man sa unan, inabot ko ito na nakapatong sa aking kaliwa. I still have hazy vision when I answered.
"Hello?"
"Peppy!" Malakas na pagkakatawag sa aking pangalan kaya nailayo ko sa tainga ang cellphone. "Nasaan ka na?"
"A-ano? Natutulog pa ako, eh."
"Didn't you receive my message last night? Ngayong umaga ang dating ng anak ni Miss O! At isang oras na lang ay lalapag na ang eroplano niya!"
Napakaripas ako ng kilos matapos ang tawag. Mag-a-alas singko na ng madaling araw. Wala pang dalawampung minuto ay nakagayak na ako. Bumaba na ako ng boarding house at doon naghihintay na si Kuya Abel.
"Good morning po!" Bati ko na may kasama pang hingal.
"Good morning din, Peppy. Nagmamadali ka yata."
Chineck ko ang laman ng aking bag kung naroon na ba ang mga kailangan ko kasabay ng kanyang pagmamaneho. "Ngayon ko lang ho kasi nabasa 'yung tungkol sa pagsundo sa anak ni Miss Olivia."
"Madalas sa mga trabaho natin ay biglaan. Kagabi ko lang din nalaman ang tungkol sa pagdating ni Sir Kenzo. Ang alam ko, hindi ito makaka-uwi dahil kasisimula lamang ng kanilang klase."
"Klase? Nag-aaral pa siya?"
Marahang tumango si Kuya Abel. "Sa pagkaka-alam ko, pangatlong taon na niya sa kanyang masteral. Umuuwi lang 'yon dito tuwing bakasyon at kapag may mahalagang okasyon sa pamilya."
Sa pagre-research ko sa pamilya ng mga Co, sandali ko ding nadaanan ang profile ng nag-iisang anak ni Miss Olivia. Si Kenzo Madrigal, 25 years old, at mula noong grumaduate ng senior high school ay doon na sa Amerika nag-aral hanggang sa ngayon nga ay pangatlong taon na niya sa graduate school.
Their family must really be blessed with good genes. Kenzo definitely is a head-turner. Maski ako ay napa-screenshot ng isa niyang litrato. He is a perfect combination of Chinese and Filipino descent. And he has a chiseled, well-built body. But what caught my attention was his tattoos. He has them in small designs but on different parts of his body. The one on his pelvis is my favorite, by the way.
Sa luwag ng kalsada ay wala pang kalahating oras ay nakarating na kami ng airport. Bumaba na ako sa arrival area at umikot-ikot muna si Kuya Abel at hindi na magpaparada para masundo kami agad. Sinilip ko ang TV kung saan naglalaman ng mga flights na papalapag na. May sampung minuto pa bago lumapag ang eroplano kaya sumaglit muna ako ng bili ng tinapay sa kalapit na convenience store.
'Yung huli ko pang kinain kahapon ay biscuit at mamon na galing sa lamay. Nalipasan ako ng gutom sa kakahintay ng ipagagawa sa akin. But hours passed, naroon lamang ako sa labas—mukhang tanga. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ang estado ko sa lipunan.
Silang mga mayayaman, pagkain mula sa catering ang pinakakain. Samantalang kami, mga biscuit at tinapay. Kasama kong naghihintay sa labas ang mga yaya nilang alam ko ding nagugutom at natatakam sa pagkaing inihanda ng catering.
Inabot din ako ng kalahating oras ng paghihintay dahil, diumano, hindi agad pinalabas ang mga pasahero. Tinawagan ko na si Kuya Abel na mabilis naman nakabalik at pumarada na sa tapat lamang ng arrival area. Hindi namin mai-alis ang tingin sa mga taong naglalabasan sa arrival.
Hanggang sa ang aming inaabangan ay amin nang natanaw. Behind his aviator glasses and facemask, his presence was undeniably attention-seeking. Sa likod habang siya'y naglalakad, may isang airport staff na nagtutulak ng kanyang bagahe. Inalis ang mga nakaharang na belt pole sa kanyang daraanan hanggang sa siya'y makarating sa amin.
BINABASA MO ANG
Home for Christmas (A Christmas Short Story Special)
Short StoryOne does not need a big house to call it a home. Home can be found on friends, families, and for some-to themselves. It is a story of a person who lived most of his life alone and hurdled life at an early age. No matter how difficult his life has be...