Dumating na sila sa place kung saan lagi silang nakaing dalawa. Kitang-kita ni Caitlyn kung gaano kasaya si Amiel na muli silang nagkasama. Masaya rin naman siya pero at the same time, malungkot rin.
"Upo ka na lovey."sabi ni Amiel kay Caitlyn pagkatapos ay pina-upo na niya si Caitlyn.
"Kay Caxandra mo ba sinasabi iyan o sa akin? Baka mamaya niyan, malito ka na ah?" biro ni Caitlyn kay Amiel.
"Syempre sa iyo, ano ka ba? Umupo ka na at umorder na tayo ng mga paborito nating dish," sagot ni Amiel pagkatapos ay umupo na rin siya.
Umorder na silang dalawa, iyong mga paborito nilang dish noong buhay pa si Caitlyn. Nakatingin lang si Amiel nang mariin sa dalaga.
"Alam mo, kahit nakapaloob ka sa katawan ni Caxandra ay ikaw pa rin ang nakikita ko. Ewan ko ba, ganoon na ba ako ka-inlove sa iyo lovey?"
"Bolero ka naman, ano? Hintayin mo na nga lang ang sinigang na order natin. Baka mamaya ikaw pa kainin ko eh," sagot ni Caitlyn
"Pwede ba?" pabirong tanong ni Amiel.
"Tangek, alam mo naman na hindi ko katawan ito. Baka magulat na lang si Caxandra kapag binalik ko na sa kanya ang katawan niya ano."
"Ano? Ibabalik mo pa rin ba ang katawan niya sa kanya? Hindi ba pwedeng forever ka na lang dyan at magkasama na tayo ulit?" pagmamakaawa ni Amiel kay Caitlyn.
"Naku, alam mo naman na hindi pwede iyon. Patay na ako kahit anong pilit mo pang ibalik ako rito sa mundo. This is just for the mean time, lovey."
"So, hanggang kailan kita makakasama lovey?" malungkot na tanong ni Amiel.
"Hanggang sa maayos na ang lahat. Hanggang sa maka-move on ka na sa pagkawala ko."
"Hmm, mukhang hindi naman ako makakapag-move on eh. Alam mo iyon, mahal na mahal kita."
"Alam ko iyon pero alam ko rin na kaya mong mag-move on. Okay?"
Dumating na ang order nila. Walang nagsalita dahil gusto talaga ubusin ni Caitlyn ang inorder nila. Para itong isang bata na kumakain ng paborito niyang pagkain.
"You never changed, ang cute mo pa rin lovey."
"Hmm, si Caxandra ba ang cute o ako? Remember, si Caxandra ang nasa harapan mo ngayon."
"Ikaw syempre, alam ko naman ang bawat galaw mo. Iyon na iyon pa rin, hindi nagbago."
Kumain na sila, pagkatapos ay nagbayad na si Amiel sa waiter. Paglabas ay hinalikan ni Amiel si Caitlyn sa pisngi.
"Oops, si Caxandra ang hinalikan mo at hindi ako." sabi ni Caitlyn sabay tawa.
"Wala akong pakialam, alam naman ng puso ko kung sino talaga ang hinahalikan ko eh."
"Hmm, i-uwi mo agad ako ha? Hindi naman kasi pwedeng gamitin ang katawan ni Caxandra nang matagal eh. Mahahalata niya."
"Kailangan ba talaga? Eh, kailan naman mauulit ang pagkikita natin?"
"Hmm,kapag tinawag kang lovey ni Caxandra ibigsabihin ako ang katext mo noon. Babalik at babalik rin naman ako sa katawan niya. Just wait for my text."
"Promise mo iyan ha?"
"Opo, promise."
Hiniling ni Amiel na pumunta muna sila sa isang park bago bumalik ng Laguna. Pumayag naman si Caitlyn dahil gusto rin naman niyang i-explore pa ang Maynila gamit ang katawan ni Caxandra.
BINABASA MO ANG
My Dead Ex-Girlfriend (Completed)
Teen FictionCaitlyn De Rosa died because of a car accident. Amiel Benedict Versoza can't move on kaya he keeps on messaging Caitlyn kahit alam niyang hindi na ito sasagot. After 3 weeks, someone answered him by the name of Caxandra Rei Soriano. Who is she? Paan...