Prologue

87 5 0
                                    

Hindi ako umimik o gumalaw man lang sa ginawa niya. Tanging ang labi at ang dila niyang nagpupumilit pumasok sa bibig ko ang gumagalaw. At ng maramdaman ito ni Nicholas, siya na rin ang pumutol ng sinimulan niya.

Ano nang gagawin ko? Kailangan ba sampalin ko siya kasi parang nabastos ako? Kailangan bang magsisigaw ako sa harap niya at sabihing "Ba't mo ninakaw ang first kiss ko? 'Di mo ba alam na inilalaan ko yun para sa mahal ko."? Kailangan bang tumayo na ako dito at tumakbo pauwi? Kailangan bang manatili akong tahimik na lang at hayaan siya ang unang magsalita? Ano ba dapat?

"Halik na halik ka 'noh? Nagnanakaw ka na eh! "

Sa dinami-dami ng pumasok sa utak ko, 'di ko alam kung bakit yun ang mga lumabas sa bibig ko.

"Hindi lang halik yun! Lalaplapin sana kita kaso parang ayaw mo." nakangiti niya pang saad sa akin pagkatapos ng nangyari.

Napaka-weird talaga ng lalaking ito. 'Di ba niya alam na na kinakabahan ako sa pagiging weird niya, na pinapatibok niya ng napakabilis ang puso ko.

Ano self, papayanig ka ba?

"Hindi kasi ako marunong. Hindi kasi ako katulad mo na may nakakahalikan, nakakalaplapan. 'Ni mapagpraktisan nga wala ako." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Napako na ang tingin ko sa upos na sigarilyo sa lupa.

"Gusto mo ako nalang ang pagpraktisan mo?"

Napatingin ako sa mukha niya.

Ano kayang tumatakbo sa utak ng ugok na 'to. Mukhang balak pa akong gawing pampalipas libog ah.

Sa pagkakaalala ko, pampatulog lang itong ginagawa namin. Tamang tambay para makatulog.

"Ano ok ba sayo? 'Wag mo nang pag-isipan masyado, hindi ka naman na lugi sa akin. Gwapo ako at masarap. Ako yata si Nicholas Alfonso Parale na payat man sa iyong paningin, makatitiyak kang hindi lahat payat sa akin." natatawa niyang sabi.


"Gago ka!" natatawa kong sabi sabay bigay ng isang mahinang suntok sa braso niya.

Tawa kami ng tawa kahit pigil. Mahirap nang makabulahaw ng mga kapitbahay na natutulog na.

"Ano payag ka na?"

"Tigil-tigilan mo nga ako, Nicholas. Wag ako."

"Bahala ka. Masarap pa naman akong humalik."


" Wow, ha! Self-proclaimed. "


"Hindi, totoo nga. Gusto mong malaman?"

Seryoso ang mukha niya. Mukhang 'di siya nag-bibiro. Nakakaalarma na ang mga nangyayari.

"Nico naman eh. Ayoko ng mga ganyan. Uwi na nga tayo, inaantok na rin ako."

Pero hindi talaga ako inaantok. Gusto ko lang na matapos na 'to. Nagwawala na ang puso ko. Nagkakagulo na ang buong sistema ko.

Wala na akong narinig na ano pa mula sa kanya. Tuluyan na akong tumayo. Gusto ko mang tanggapin ang alok niya hindi pwede. Ayoko, pero gusto, ay ewan 'di ako sigurado.

Maglalakad na sana ka paalis ng bigla niya akong hinigit pabalik at mabilis na sinakop ang mga nananahimik kong labi.

Ang bilis ng mga pangyayari. Napakaagresibo niya. Sinamantala niya ang pagkagulat ko para ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.

Gusto kong humiwalay, tapusin na ang ginagawa niya pero 'di ko magawa. Hindi ko kaya...

... kasi nagugustuhan ko na rin, yata.



Eto na ba yung laplap. Nalalaplap na ba ako. Linalaplap niya ba ako. Laplap na ba 'to.



Hinila niya pa ako papalalapit sa kanya. Mas pinalalim niya pa ang halikan namin. Ginagalugad ng dila niya ang kaloob-looban ng bibig ko. Nalalasahan ko na ang presensiya ng sigarilyong hinithit niya kanina.

Sige, self. Magpaubaya kana! Pero 'wag ka namang magpaubos ng hangin.


Nauubusan na ako ng hangin.



Tinatapik-tapik ko si Nico sa balikat pero patuloy lang siya, ayaw niyang magpaawat. Mawawalan na ako ng hangin nito eh. Gamit ang natitira kong lakas pinilit kong itulak siya. Natigilan naman si Nicholas sa ginawa ko.

Hingal na hingal ako ng tuluyan niyang inihiwalay ang labi niya sa labi ko.

Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa balikat niya. Ang mga kamay at braso niya ay nakapalibot sa bewang at likod ko. Habang ang mga labi namin ay pinagigitnaan ng halos isang pulgadang espasyo.

"Anong masasabi mo, ang sarap kong humalik ano? " nangingiti -ngiti niyang pahayag na nagsisimula na namang magplanta ng mga mumunting halik sa labi ko.

Ano na Self. Kaya mo pa? Alam mo namang may nobya yang humahalik sayo.

"Baka pag-awayan niyo 'to ni Mj, ayoko ng gulo." naibulalas ko.


Talaga ba self. Ba't hindi ka tumayo at umuwi na sa inyo.


"Wag mo nang isipin yun. Atin-atin lang naman 'to, diba?"



"Ang lakas makacheater ng sinabi mo, ha."

"Uy, hindi ako cheater ah! Sadyang masarap lang labi mo." Hindi na niya ako hinintay na magsalita pa. Muli niyang sinakop ang mga labi ko at isinabak muli ang mga ito sa isang umaatikabong halikan.

Ang lalaking talagang ito. Ipapahamak ako nito eh.

Ano na self? Ang akala ko ba nagpapaantok ka?

Eh, parang 'di ka makakatulog sa mga pinag-gagagawa mo...



Paano ka ba nahantong sa ganito, self?





Pero infairness ah! Linapalap siya. Ano masarap ba? Kaulit-ulit ba? Ha! Self?

In Between 11:11 And 12:51Where stories live. Discover now