Chapter 2 - "Sanaol May Pa-Good Morning!"

30 2 1
                                    

---

Don't be shy to hit Vote and give your thoughts.

---

MAYORICK TORILLO

Alas-onse katorse na ng gabi. Halos tatlong oras na ring naghahari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kuliglig at mahihinang busina at tunog ng mga sasakyan na lamang sa kalayuan ang siyang nag-iiwas sa amin sa nakabibinging katahimikan.

Tiningnan ko masinsinan ang katabi ko. Maluha-luha ang mga mata nito nakatingin lang ng diretso sa kawalan. Bakas rin sa mukha at balikat nito ang bigat na dinadala. Namumula ang tenga at minsanang gumuguhit ang mapapaklang ngiti sa labi niya.


Hindi ko lubusang matantiya kung ano bang tumatakbo sa isipan ng lalaking ito. Pero siguradong may kinalaman ito kay Mira Jane at sa relasyon nila. At yun ang bagay na kinababahala ko.

'Di ako mapakali sa kakaisip na baka may kinalaman ako sa problema niya ngayon.

Wala naman kaming relasyon, diba. So dapat walang problema. Isang gabi lang naman nangyari yun. Inaamin kung sa gabing yun tatlong beses niya akong hinalikan-tatlong beses rin akong nakipaghalikan. Linaplap lang naman ako ng lalaking ito, wala namang malisya yun.

Tama ka, self. Walang malisya yun. Wala.

Kinilig ako, guilty ako dun. Tao lang rin naman ako. First kiss ko siya. At 'di katulad ng mga nababasa ko. Hindi ko magawang magalit sa kanya kahit parang pagnanakaw yung ginawa niya. Bakla ako, lalaki siya. Hindi rin maitatangi na gwapo ang lalaking ito. Kahit sino naman yatang bakla ang halikan ng gwapo, kikiligin kahit papaano.

Medyo nag-generalize ka dun, self ha. Medyo mababaw ang concept mapping sa side na yun. Pero okay lang may tama ka naman.

Pero paano kung may kinalaman nga ang gabing yun sa hiwalayang naganap sa dalawa. Parang 'di kakayanin ng konsensya ko kung ganun nga ang nangyari.

Malaki rin kasi ang naging papel ko nung gabing yun. Alam kung may girlfriend si Nico. 'Di man niya lagi na naikukwento sa akin, alam kong masaya siya sa kung anong meron sila ni Mira.

Kung bakit ko ba naman kasi sinabayan ang trip ng lalaking ito.

Muli kong ibinalik sa harap ang paningin ko. Kailangang mag-salita na si Nico at mag-kwento. Mapagagaan nito ng kahit konti ang dinadala niya. At mapapatahimik nito ang binubulabog kung damdamin.

"Sige na Nico, mag-kwento ka na!" parang pag-uutos na lumabas sa bibig ko ang pahayag na yun.

Hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatingin sa malayo.

Kinalabit ko na siya para maagaw ang atensiyon.

"May kinalaman ba ko sa nangyari sa inyo ni Mj?"

D'un napalingon sa akin si Nico. Malalim niya akong tiningnan.

"Wala, wala kang kinalaman." maikli niyang sagot sa akin at muling ibinaling sa harapan ang tingin.

"Pero bakit parang pakiramdam ko may kinalaman ako."

"Wala ka ngang kinalaman. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano." medyo nakaasik niyang sambit. Nababanaagan ko ang inis at pagtitimpi sa boses niya.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot dahil sa sinabi niya.

Galit ba siya!? Gusto ko lang naman malinis ang konsensiya ko pero parang pinamumukha niyang nag-aasume ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Between 11:11 And 12:51Where stories live. Discover now