Chapter 34

170K 2K 284
                                    

Chapter 34

Zack

Agaw buhay si Charlie nung makarating sa Ospital. Kung makikita mo ang lagay ng kotse nya, hindi mo aakalaing buhay pa ang nakasakay ditto. Malaking bagay na nakapag-seatbelt pa sya kahit sa panahon na gulong gulo sya, at doon din ako nagpapasalamat sa Diyos na kahit natataranta sya ay nagawa pa nyang isuot ito.

Nasa Intersection sya sa bandang C5 ng may makasalubong syang isang van na nawalan ng preno. At dahil na rin sa malakas na ulan ay malapit ng mag-impact ng natanaw nila ang bawat isa at dahil dito ay hindi na nagawang mailihas man lang ng driver ang sasakayan… mabuti na lang din at sa pasenger’s side tumama ang van, dahil kung sakaling na-direct hit si Cahrlie… ayoko ng isipin kung ano na ang kanyang kalagayan ngayon. Dead on the spot ang driver ng van at puro sugatan ang mga pasahero nito.

Kasalukuyang nasa operating room si Charlie ngayon, tamo ng matinding pagkakabagok ng ulo nya sa bintana ng kotse. Maraming nawalang dugo sa kanya dahil sa malalalim na sugat sa iba’t ibang parte ng katawan nya.

Halos pitong oras na kaming nag-iintay sa labas ng operating room at lahat kami ay tensyonado. Kapag may lumabas, nurse man o doctor ay dali-dali kaming nakikibalita ngunit walang ibang binibigay na impormasyon. Ang tanging sasabihin lang nila ay magdasal at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. May mga pagkakataon pa nga na parang ang daming pumasok sa loob na parang lahat ay nagmamadali…

Para akong mababaliw sa sobrang pag-aalala. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan nya.

Waiting without knowing is killing me. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. All I want is to be by her side, But all I can do is pace around and pray with all my might. I hope God is listening to me.

Lord God give her another chance to live. I prayed silently.

Charlie… please fight….

I can’t imagine my life without the girl that I love.

Habang nag-iintay ay kinuwento ni Mommy ang lahat ng pangyayari sa board room. Ang paglabas ng Premarital Arrangement namin ni Charlie. I saw the hurt in her eyes when she was telling me the details and I said my apologies and told them that we didn’t intend to hurt them.

I could just imagine kung paano nila pinagtulungan ang asawa ko at ang masakit ay wala ako para ipagtanggol sya. She faced them all alone when I was the one responsible for all those things.

Kinuwento din ni Mommy ang rebelasyon na anak sa ibang babae si Charlie, at anak naman sa ibang lalake si Marielle. napaka gulo ng sitwasyon.. kaya siguro hindi na natiis ni Charlie at lumayo. Magulong magulo siguro ang isip ni Charlie.

Si Tito Ben ay hindi makausap. Galit na galit sya sa kin. Ayaw nyang makipagusap kahit kanino, ni ayaw nya nga akong makita. I tried to talk to him and explain my side of the story, pero pinigilan ako ng daddy ko, saying that this is not the right time. We are all pressured because of Charlie’s condition. For now, we just have to pray that she will live.

Another few dreadful hours of waiting and at last, lumabas na rin ang doctor sa operating room.

Dali-dali akong lumapit. At gayon din si Tito Ben.

I need to know…

I need to know right away if she’s alright.

“She’s out of danger..” sabi ng doctor.

Napabuntong hinignga ako… para akong nahugutan ng napakalaking tinik sa dibdib ko.

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon