DREAM

19 1 0
                                    


" First ... "

||• • • || • • • || • • • || • • • || • • • ||

   KHYRA

" Isang araw nalang, magtatagpo na ang landas natin binibini "

Bigla akong nagising dahil sa init na mayroon sa aking paligid. Inikot ko ang aking mga mata sa kwarto at napagtantong nakapatay pala ang electricfan kaya sobrang init sa paligid. Sigurado akong si mama ang pumatay nito,alam kasi nyang gigising ako kapag uminit na ang paligid ko.

Pero teka, nanaginip nanaman ako?. Ewan ko ba, Simula noong Monday eh napapanaginipan ko tong lalaking ito.Sa panaginip ko e hindi ko makita ang kanyang mukha,kumbaga ay naka-blurd sya .lagi ko syang napapanaginipan tuwing gabi kung saan nagkikita kami sa mismong park na malapit sa amin tuwing sasapit ang 7:00 ng gabi. Parang pamilyar ang built ng katawan nya,pagkaka-ayos ng buhok nya,at lalong lalo na ang lalim ngunit tila mapang-akit na boses nya. Hindi ko malaman kung sino sya dahil nga blurd ang mukha nya.

"Aba't buti naman at nagising ka mahal kong prinsesa" 

Sa kalagitnaan ng pagi-isip ko ay biglang dumating si mama. Siguro ay galing sya sa kusina dahil suot-suot pa nya ang bagong bili na apron ni papa para sa kanya.

"Ma,nasubukan mo na po bang managinip?" walang paga-alinlangang tanong ko kay mama.

Nakakapagtaka kasi talaga.Alam kong normal lang para sa isang tao ang managinip,pero parang kakaiba naman kung ang pinapanaginapan ko ay paulit-ulit.

" Aba'y oo naman nak.Sino banamang tao ang hindi pa nasusubukang managinip,hindi ba" pilosopo at tila natatawang sagot ni mama.

" Anong meron at naitanong mo iyan?" dugtong pa ni mama.

Umupo ako mula sa pagkaka-higa at umupo naman sa bandang kanan ko si mama.

"Ma,kasi po nitong nakaraang araw lagi po akong nananaginip. Pakiramdam ko po eh hindi ito yung normal na pananaginip ng isang tao. Isipin mo ma , ika-anim na beses ko nang napapanaginipan tong mga panagip ko. As in sunod-sunod na araw ko itong napapanaginipan!. Hindi lang yun,tila mayroong countdown na nagaganap sa panaginip ko.Para bang binibilang ang araw." salaysay ko kay mama.

" Sa totoo lang nak,hindi ko pa nasusubukan yan at isa pa hindi rin ako naniniwala sa ganyan.Pero,posible pala?." biglang napatigil at napa-isip si mama ng ilang segundo,saka sya muling nag-salita.

"Naalala ko ang kwento ng lola mo saakin nak,seryosong seryoso habang ikinu-kwento ito saakin.Sabi nya,pag ang isang tao ay nanaginip ng parehang panaginip sa mga nakaraang panaginip nya,asahan nyang magkaka-totoo ang panaginip na iyon.Hindi ako naniniwala dahil imposibleng managinip ang isang tao ng parehang panaginip at hindi lang iyon,tuloy tuloy na araw pa" pagsa-salaysay nya ng nakakunot na tila may inaalala .

"Sabi noon ng lola mo,Dalawang pangyayari lamang ang maaring mapapanaginipan ng tuloy-tuloy.Ang una ay kapag mayroong taong mawawala o sa madaling salita ay kapag mayroong taong espesyal sayo ang mamamatay.At ang pangalawa naman ay kapag mayroong espesyal na isang taong darating sa landas mo,at yun ay ang taong kumbaga ay 'destiny' mo. Ayon sa karanasan ni Nanay, may napapanaginipan daw sya noon na isang lalaki,napapanaginipan nya ito ng sunod-sunod.Pitong araw nya itong napanaginipan.Pagdating ng ikapitong araw,pagkatapos nya itong mapanaginipan ay bigla syang nagising hindi nya maintindihan kung bakit pero parang atat na atat syang pumunta sa isang tindahan ng ice cream.Pagdating nya doon ay parang naging pamilyar daw sya sa lugar.Maya-maya lang pagkatapos nyang kumain at sana'y aalis n a sya ay meron syang nakitang isang lalaking umiiyak,hindi nya alam kung bakit,pero bigla nalang nya itong nilapitan at tila gustong-gusto nya itong ipa-tahan.Nung oras na hinimas nya ang likod nung lalaki ay bigla nyang naalala ang kanyang panaginip.Parehong oras,Parehong lugar, at Parehong pangyayari. Ang lalaking iyon ay si tatay." dagdag na salaysay ni mama.

"Hanggang ngayon nga eh hindi ako naniniwala sa kwento nya" dugtong nya.

Sasabihin ko sanaang tungkol sa panaginip ko kay mama ng bigla syang napa-salita.

  "Nak,hindi ba ngayon yung party nang kaklase mo?" agad napatayo si mama.

  "Ay! Oo nga po!" kahit ako ay agad na napaayos sa aking kama at nagmadli para maligo.

Muntik ko nang makalimutan ang birthday ni Ivana. 'Tong panaginip kasing to!

Pagkatapos akong maayusan ni mama ay agad naman akong ihinatid ni papa sa location ng party.buti nalang at may duty sya ngayon sa boss nya kaya naihatid nya ako gamit ang sasakyan.Atleast hindi ako na-haggard.

"Sige pa,salamat po.Uuwi po ako agad pagkatapos ng party" pagpapaalam ko kay papa sabay yakap.

"Sige,ingat nak huh! . Sigurado akong may bago kang makikilala jan! " masiglang pagpapaalam ni papa,pagkatapos ay pinaharurot na nya ang sasakyan.

Pagdating ko sa event ay napakarami na ngang tao,buti nalang at hindi pa ako late. Sa totoo lang si Ivana lang ang kaibigan ko rito pero,sa kasamaang palad eh hindi ko sya makakasama ngayon dahil nga sya ang debutant.

Lumingap-lingap ako hanggang sa makakita ako ng isang table.Isa lang naman ang nakaupo dun at sigurado akong wala syang kasama.Mukhang introvert sya at may pakiramdam ako na napilitan lang syang pumunta rito.

" Uhmm.dito na ako uupo sir huh? wala na kasi akong mahanap na space.wala din kasi akong ibang kaibigan dito maliban kay Ivana" pagpapaalam ko sakanya.masyado atang mahaba ang nasabi ko?.bahala na.

"First..."

parang mayroon syang ibinulong pero di ko na ito pinansin.

Masaya naman ang party,boring ngalang kasi wala akong makausap.Ni hindi manlang nag-dare na kausapin ako ng katabi ko.Actually,para syang statwa.Pumunta muna ako sa c.r para palitan ang damit ko,paglabas na paglabas ko ay meroon akong nabanggang lalaki.

Teka,hindi ba't sya yung katabi kong statwa,este,katabi ko kanina?

"First..." rinig kong bulong nito.

Infairness,ang weird nya. And , i don't think so na magtatagpo pa ang landas namin. Introvert sya,kaya siguro ang puti nya.

Pagkatapos kong palitan ang damit ko ay agad na akong umalis sa event para makahanap ng masasakyan.

Pa-para na sa  ako ng tricycle ng  may lalaking nakabangga sa akin. In-offer nya ang kamay nya para siguro mapatayo ako.buti naman at may gentleman pa sa mundo.Wait...

  Pagtayo na pagtayo ko ay nakita kong muli yung lalaking katabi ko kanina.

"First..."

_--_--_--_--_--_

 

Ps: Kung gusto mong malaman kung anong meron sa word na  "First..." ,Continue Reading;-)

Date Started : March 23, 2020


-FeelingWriterMe:)

WHEN DREAMS COME TRUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon