Juliana Perez.
Naglalakad ako patungo sa Principal's office dahil pinatawag ako ng Principal,
(of course saan ba ako pupunta eh sa Principal's office nga-.-). I am on my way ng biglang may bumangga sa akin, takbo kasi nang takbo ayan tuloy napadausdos yung pwet ko sa sahig, bastos na lalaking yun hindi man lang talaga ako nilingon at tumakbo pa ng mabilis tss. Ano 'to literal na hit 'n run?"Oh Ms. Perez anong ginagawa mo dyan sa tapat at nakasalampak ka pa dyan sa sahig, tumayo ka na dyan at may sasabihin pa ako sayo" sabi ni Mr. Guzman yung Principal namin, nakakahiya tuloy naabutan niya pa akong ganito ang itsura ko, at di ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng office.Tumayo na ako at pumasok na sa loob.
"Ano bang nangyari sa iyo Ms. Perez at nakaupo sa harap?" sabi ni Mr. Guzman
"Yung kanina Sir? Sorry po pala dahil sa nakita niyo po akong ganon ang itsura, may bumangga po kasi sa akin na lalaki tapos hindi man lang nag-sorry, tumatakbo po kasi siya ng mabilis at hindi yata ako napansin, pasensya na po" nakayukong sabi ko kay Sir. Kasi naman yung lalaking yun, humanda talaga siya sakin pag nakita ko siya ulit, familiar pa naman yung id lace niya, tss.
"Hmm, ganon ba? Osya hayaan na, ipapareview ko yung cctv para makita kung sino yon at mabigyan ng detention slip"
"Hindi Sir! Hayaan na po natin siya, tsaka ako na po ang bahala sakanya ka-batchmate ko lang din naman po hehe."
"Sige ikaw ang bahala" nagkibit balikat si Sir habang sinabi niya ito. Eh kesa naman mapasama pa ako dun diba? Ako na lang ang kakausap para mas maayos.
"Ah Sir, ano po pala yung sasabihin niyo?"
"Oo nga pala, tungkol ito sa itututor mong lalaki, ang laki ng ibinaba ng grade niya sa lahat ng subject niya, though he's a good and achiever student in section C, halos siya lang ang nakakaabot ng mataas na grade sa kanila kahit last section yun"
"Eh Sir paano po yun? After ng class lagi akong nasa court kasi player ako ng Volleyball Team, hindi na po ako makakasali dun at may chance po na wala na akong extra curricular points para tumaas ang grade ko. Sir please iba na lang po, goal ko po ngayon ay mag-rank 1, my family expected me to be a highest honor tsaka Sir last year ko na po dito, mag-first year college nako next year at sa ibang bansa na po ako mag-aaral, Sir please po Sir" mabilis at hinihingal na nagmamakaawang sabi ko kay Mr. Guzman, ano ba naman kasi yan eh! Napakamalas ko naman ngayon huhu :((
"Ms. Perez chill, breathe first. Yes, you will be kick in Volleyball Team but your grade is not affected about it, actually di ka na mapapagod sa pagpapractice araw-araw at tanging gagawin mo na lang ay gagamitin mo yung kakayanan mo academically, mas mataas ang tyansa mong mag-rank 1 again this year, just tutor this student and I promise you'll get what you want. High grade? Why not, just prove to me that this person is improving okay? That's all you need to do Ms. Perez, accept or decline?" geez, what did he mean? Na hindi na ako mapapagod kakapractice sa Volleyball pero makakakuha ako ng mataas na grade basta itutor lang 'tong tao na 'to? Hmm..
"Uhm, Sir? Kapag inaccept ko po ba, kelan magsisimula?"
"By next week, Monday is the first day, today is the meet up of you two if you accept it, it's easy for you Ms. Perez" sheez, yeah Mr. Guzman is right, mas madali yun since academic is my forte than sports.

YOU ARE READING
Source Of Happiness
RomansaSi Juliana Perez ay kilala sa kanilang paaralan dahil sa angkin niyang talino at ganda, ang kanyang mga magulang ay manghang-mangha dahil sa angkin nyang kakayanan. Kilala rin ang mga Perez dahil sa kanilang ari-arian, at gusto ng mga magulang ni Ju...