Kabanata 8
I WOKE UP IN A different room, the ceilings aren't familiar to me, it was all white. Naramdaman ko ang pamamanhid ng buo kong katawan, napahawak ako sa aking ulo dahil parang binibiyak ito sa sobrang sakit, ni halos di ako mapagsalita dahil na rin sa nauuhaw ako. I roamed my eyes around and saw two persons sitting beside my bed. Sa kanan nandoon si Jhack, mahimbing na natutulog habang hawak ang kamay ko.
“It's good to see that you're awake now.” It was Maam Quijano, nasa bandang kaliwa ko siya.
I looked and examined her face, medyo haggard nang kaunti si maam. Her hair was kind of messy, pero maganda pa rin siya. Her eyes were swollen and red halatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. Teka, bat naman umiiyak si maam?
“Maam, anong oras na po?” Medyo nagugutom na din kasi ako.
“It's already 2 in the morning, Rodriguez. You want something? May masakit ba sayo?” I was staring at her for a few seconds, bat nandito si maam kahit alas dos na ng madaling araw? Bat di pa siya umuwi?
Matutulog nalang sana ako pabalik nang biglang tumunog ang tiyan ko. Shit! It was so embarrassing, I quickly hide my face under the pillow. Kung nakikita lang ni maam yung mukha ko, mas pula pa siguro ako sa hinog na kamatis. I heard her chuckles.
“No need to hide your face, Rodriguez. I brought you some foods. May dala akong pizza dito.” Di nalang ako nagpabebe kasi gutom na gutom na naman talaga ako. Tinulungan ako ni Maam Quijano na bumangon, hindi ko nalang ginising si Jhack kasi alam kong mahimbing na ang tulog niya at sabi niya ay kumain na naman daw ng dinner si Jhack.
DAHIL SIGURO SA gutom, naubos namin ni maam ang dalawang box ng hawaian pizza.
“Maam, si mama po ba nandito siya?” Tanong ko kay Maam Quijano na ngayon ay nililigpit ang box ng pizza.
“Pumunta siya noong isinugod ka namin dito sa hospital. Umuwi din siya kaninang 10 pm kasi daw kukunin niya yung mga gamit mo.” Sagot naman niya at tumango lang ako.
“Maam, okay na naman po ako eh. Makakalabas na po ba ako bukas?” Tanong ko pa. Okay na naman ako eh so hindi na kailangan na kunin ni mama ang mga gamit ko, makakalabas na siguro ako bukas.
“Hindi pa, Rodriguez. Naka admit ka dito sa loob ng tatlong linggo, the doctors have to run many tests to make sure na okay ka. But don't worry, hindi ka naman namin pababayaan.” Tumango lang ako at bumalik sa paghiga.
Ang OA naman nila, nahimatay lang e magco-conduct na ng maraming test?
BUMALIK AKO SA pagkahiga, lumabas lang muna saglit si Maam Quijano dahil may bibilhin daw siya. It's already 3:45 in the morning pero hindi pa rin ako makatulog. So I decided to grabbed my phone and I instantly log in to my facebook account.
Marami akong natanggap na mensahe mula sa mga kaklase ko. May mga nangangamusta at yung iba naman nakiki-isyuso lang. Binuksan ko ang group chat namin sa buong section, halos ako yata ang pinagku-kwentohan nila. May mga harsh messages dun, at yung iba naman ay nag-aalala sakin.
"Kamusta na kaya si Shanelle, bisitahin kaya natin?"
"Oh, no need to do that na girl. Andon naman na si Jhack, he makes sure talaga na safe si Shanelle."
Psh! At nasali pa talaga dito si Jhack? Sabagay, sino nga namang hindi makakapansin sa famous na si Jhack diba? May fans club nga to sa loob ng eskwelahan eh. Pero di naman siya gwapo, basketball player nga lang.
Pero sa lahat ng mga mensaheng nabasa ko doon, iisa lang ang nakapukaw sa aking atensyon. It was a chat from our adviser— Miss Lariosa.
“Since may pinagkakaabalahan ang P.E teacher nyo na si Miss Quijano ise-send na niya lang daw ang assignments nyo through email.”
May inagkakaabalahan ka mo? Eh kung busy si Maam Quijano, bat naman siya andito nagbabantay sakin?
“Jhack? Jhack?” Mahinang tugon ko habang kinakalabit ko siya, mahimbing talaga tulog niya eh.
“Hmm, oh. I'm sorry, Shan. I oversleep. Kanina ka pa ba gising? May gusto kang kainin? Nauuhaw ka ba? May masakit ba sayo?” Sunod-sunod niyang tanong at napa-iling lang ako.
“Okay lang ako.” Saad ko naman, umayos siya sa pagkaupo at tiningnan niya ako sa mata.
Sa gitna ng katahimikan, wala akong ibang marinig kundi ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib. Hindi ko magawang tumitig sa kanyang nakakalunod na kayumangging mga mata. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ni hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya ginising. Nanatili akong nakaupo sa aking kama. Subalit hindi na niya hinintay na makahiga ako. Marahan ay niyakap niya ako nang sobrang higpit. Shit! Ang bango niya, he smells so masculine. At dahan-dahan ay humarap siya sakin. Sobrang lapit na ng aming mukha, I can even smell his breath, shit!
“Sa susunod, mag-iingat kana. Nag-alala ako sayo nang sobra.” Saad niya at hinalikan niya ako sa noo.
At eksakto namang pagkarating ni Maam Quijano. May dala siyang limang cup noodles at mga prutas.
“Oh, gising kana pala Buenaventura. Matulog ka nalang diyan ulit at may pasok ka pa bukas.” Istriktong saad ni Maam kay Jhack. At heto na naman siya, dragon mode na naman ang teacher namin.
“A-Ah, okay po maam.” Saad ni Jhack at pumunta siya sa may couch sa gilid para matulog.
“At ikaw naman Rodriguez, matulog kana. Mas mabuting magpahinga ka.” Saad naman niya sakin at nginitian ko nalang siya.
“Maam, ikaw din po matulog kana.” Subalit umiling siya at tinitigan ako sa mata.
“No, Rodriguez. Babantayan kita hanggang makatulog ka.” Tila kumabog nang malakas ang puso nang sinabi niya iyon. Is it necessary to say those words in a sexy manner, Maam Quijano? God.
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata subalit gising pa rin talaga ang aking diwa, hindi ako mapakali, hindi ako nakaramdam ng antok.
Kelan kaya ako makakalabas dito?
Si Joana kaya, pumunta ba dito para bisitahin ako? Ni hindi ko man lang siya napasalamatan sa pagtulong niya sakin.
Kamusta na kaya siya? Nag-aalala rin ba kaya siya sa akin?
“Goodnight, Shanelle.”
Kahit bulong ay dinig ko ang boses ni Maam Quijano.
“Goodnight.”
At tuluyan ay nakaramdam din ako ng antok.
———————
Don't forget to vote and comment, guys! Let's be friends hihi.
Thankyou for reading my story. I love you all and please be safe 💛

YOU ARE READING
Borrowed Time (GirlxGirl)
Teen FictionKung may pinaka martyr sa buong mundo, iyon na siguro si Shanelle Rodriguez. Iniwan siya ng kanyang nobya sa hindi niya alam na dahilan at matapos ang dalawang taon ay bigla itong bumalik at nagparamdam sa kanya. Wala kang magagawa kapag ang puso n...