My Bestfriend is My Lover (One-Shot)

37 1 0
                                    

Hello guys! This is my 2nd one-shot story. Please support po =))

---------

I don't know talaga kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Parang dati lang, gali ako sa ugali niya pero ba't parang ngayon tinamaan ng time machine ang bansa natin at biglang nagbago ang takbo ng buhay?

Ako nga pala si Tanya, college freshman. Ako ay graduate bilang Valedictorian sa isang unibersidad sa Maynila., at ako rin ay isa sa tagahanga ni Mark, bestfriend ko siya pero may lihim akong pagtingin sa kanya.

Isang araw sa school, marami kaming activities,at syempre kasama ko si Mark. Siya ang salutatorian namin sa klase at siya rin ay tinuturing na isa sa mga campus idol. May parte sa aming activity sa school kung saan pinagtripan kami ng aming mga mababait na kaklase. Ito ang DANCE WITH ME TODAY. Tinulak ako malapit sa kanya at syempre kinikilig naman ako pero di ko pinapahalata.

Isa sa aming mga kaklase ang sumigaw. "Sabihin mo na kasi!!! This was your first and last chance to tell her what do you want!!!"

Nasa isip ko naman na this was also my time to tell him na gusto ko siya at mahal ko siya.

Tinulak kami ni Mark ng aming mga kaklase at nadulas ako, gladly nasalo niya ako and he smiled.

Mark: "Oh, Bess may sasabihin ka daw sakin."

Tanya: "O-oo Bess, p-pero s-sana wag kang m-magalit sa s-sasabihin k-ko."

Mark: "Bess, mukhang kinakabahan ka eh, ako muna."

Tanya: "Sige na nga Bess! Ano ba yun?"

Mark: "Sinagot na ako ni Nadine!"

</3

Sa sinabi niya, parang nalaglag ang puso ko at nawalan ng tibok. Wala akong nagawa at nasabi nalang na: "Maganda yun Bess! I'm so happy for you! Kailan ka niya sinagot?"

"Nung isang linggo pa Bess. Sorry ha ngayon ko lang nasabi sayo. Alam ko kasi na busy ka para sa event"

Nadurog nang husto ang puso ko nang malaman ko na naging sila kanina lang. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko nalang.

Mark: "Oh Bess, ano naman yung sasabihin mo sa akin?

Dahil hindi ko na napigilan ang damdamin kong nasira, nasabi ko ang lahat sa kanya. Sa harap ng madaming tao.

Tanya: "Bess, sorry ah! Pero mahal kita eh! Kahit bestfriends lang tayo hindi ka parin natago ang damdamin ko. Ngayong kayo na ni Nadine alam ko na wala na akong pag-asa sa iyo. Okay lang Bess pero masakit talaga eh. Mabuti pa sana na kalimutan na natin ang lahat, ang pinagsamahan natin nang hindi na ako makakaabala sa inyo ni Nadine."

Mark: "Pero Bess--"

Tanya: "Bess, okay lang ako."

Lumabas na ako ng activity area habang iyak ng iyak.

Mark's POV

Tila natigil ang aking hininga sa mga sinabi ni Tanya. May lihim din akong pagtingin sa kanya, pero nang dumating si Nadine parang naging kumportable na ako sa kanya. Hindi ko naman talaga mahal si Nadine eh. Kaya ko lang siya niligawan dahil nagmakaawa ang kuya niya sakin. Ngayon ay mag-aanim na buwan na kami.

Humingi ako ng advice sa aking kabarkada. Si Vince. Kinuwento ko sa kanya ang lahat at ito lang ang sabi niya sakin...

"Ano ka ba tol! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Simple lang naman ang dapat mong gawin eh. Pumili ka lang ng isa sa kanila, at yung pipiliin mo ay yung talagang nararamdaman mong tunay na mahal mo. Bro, follow your heart. Hindi naman ako naniniwala na mas maiging piliin ang puso kesa utak eh, kailangan din nating gamitin ang utak dahil ang utak natin ang nagsasabi kung ano ang dapat sabihin at gawin ng ating puso. Kaya it's your choice na kung gagawin mo ang mga sinabi ko. Go now, and find out who really deserves you."

Napagisip-isip ko rin na kaya ko lang naman sinusubukang mahalin si Nadine ay dahil sa awa, at alam ko na kung sino ang tunay na tinitibok ng puso ko...

Wala akong sinayang na panahon at lumabas narin upang hanapin si Nadine. Nakita ko siya na nakaupo malapit sa garden. Kaya naman nilapitan ko siya at kinausap.

Mark: " Nadine, I need to say something pero sana wag ka magalit sa akin. *sigh* I-i need to breakup with you. I think you deserve someone else better than me. Sana maintindihan mo ako. I'm reaaly sorry."

Nadine: "Ano ba yan! Inunahan mo pa ako!

Mark: "Huh? Anong ibig mong sabihin Nadine?" nagtatakang tanong ko sa kanya

Nadine: "Yes, yes, yes. naliwanagan na ako. Sinabi na sa akin ni kuya ang lahat. Ako ang dapat humingi ng sorry sayo eh. I know that someone out there really deservesmy love. And alam ko na sayo si Tanya. Mark, thankyou sa lahat ng pinagsamahan natin kahit na 1 week lang tayo. I will never forget you.

Mark: "Thankyou din Nadine. Hindi din kita makakalimutan. Pwede naman tayong maging magkaibigan eh."

Nadine: "Oo naman. Onga pala, nandun siya sa may gym, nagmumukmok. Kanina pa umiiyak. Nakusap ko na siya and nagkapatawaran na kami. Go now, I think she needs your comfort. Alagaan mo si Tanya ha? Wag mo siyang pababayaan at protektahan mo lagi. Mahal na mahal ka nun at alam kong ikaw din."

Mark: "Salamat Nadine."

Umalis na ako at dumiretso sa Gym. Nakita ko si Tanya na umiiyak sa may sulok kaya naman pinuntahan ko siya.

Mark: "Bess,sorry na. Sa totoo lang, iba talaga ang gusto kong sabihin sayo eh. Dati pa talaga--"

Tanya: "Get out of here! Ayoko ng marinig ang sasabihin mo! Hindi mo na ako kailangan! Dun ka na sa mahal mo! She really deserves you more than I do!

Mark: "Bess, makinig ka naman sa akin. Matagal ko nang gustong sabihin sayo dati pa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi baka mamaya magbago ang tingin mo sa akin at layuan mo ako."

Huminga ako ng malalim at sinabing...

"Bess, I LOVE YOU."

Nagulat si Tanya sa sinabi ni Mark kaya naman napaluha ulit siya at napangiti.

Lumapit si Mark at pinunasan ang kanyang mga luha at sabay ngiti kay Tanya.

Mark: "Bess, pwedeng tayo na lang?"

Tanya: "Sorry pero ayoko eh.

Nalungkot si Mark pero...

Tanya: "Ano ka ba! Joke lang yun! Oo naman Bess! I LOVE YOU!"

Niyakap ni Mark si Tanya sa tuwa. Lumabas sila sa gym na magkahawak ang kamay at nagulat ang lahat sa kanilang nakita. May nagsabing...

"Sa wakas! Nagkauluyan din sila."

At ayun ay si Nadine.

Ngayon, sila na talaga ang binansagan na "Couple Of The Year" sa kanilang paaralan. And they had lived their college life happiliy and strong...

END

-----

Diyan po nagtatapos ang kwento ng My Bestfriend is My Lover!! Thank you po sa lahat ng mga bumasa =))

Mark and Tanya at the right side --->

-Chaile

My Bestfriend is My Lover (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon