Chapter 1

11.2K 189 45
                                    



Chapter 1


"Demaco, Genre Bryel. Best in Oral Communication, Best in Research Paper, Best in Reading and Writing, and our 2019-2020 class salutatorian!" Dinig ko ang malakas na palakpakan habang nagma-marcha ako sa ibabaw ng entablado.

Isinuot nila sa akin ang aking mga medalya at saka ako kinamayan. Humarap kami sa camera para sa picture taking. Ngumiti akong pilit. Class salutatorian ako, pero bakit ganito? Bakit parang hindi ako masaya? I should be happy for this achievement, right?

I finished my six years journey in High School with the title of Salutatorian but why does it feels like I was a failure?

PAGKATAPOS ng graduation ceremony ay umuwi na rin kami. Sa bahay ay nadatnan namin sa labas ang mga kapitbahay namin na nagvi-videooke. May kaunting salo-salo bilang selebrasyon.

"Genre, congrats sa 'yo," bati sa akin ni Aleng Lucing ang kapitbahay namin na abala sa pagkain ng handang pancit bihon.

"Salamat po." Ngumiti ako.

"Ang galing-galing talaga niyang anak mo, Elsa. Maganda na matalino pa," singit ni Aleng Basya na tumatagay.

"Aba syempre sa akin yata nagmana ito," sagot ni Mama na katabi ko. "Kita n'yo naman ang tataas ng grades. Salutatorian pa," dagdag pa niya.

"Ang swerte-swerte mo talaga d'yan sa anak mo. Masunuring bata at ang sipag pang mag-aral. Eh marami na bang nanliligaw, hija?" sabat naman ni Aleng Gemma ang may-ari ng sari-sari store na inuutangan namin.

"Walang nanliligaw sa kaniya."

"Aba sayang naman. Maganda pa naman iyang si Genre."

"Bata pa siya para sa ganiyan. Saka aral muna bago iyon. Sagabal lang iyang jowa-jowa na iyan sa pag-aaral, hindi ba?"

"O-Opo, Ma. Sige po magbibihis na po muna ako."

"Alam n'yo bang bukod sa pagiging consistent honor student e conduct awardee rin 'yang anak ko."

"Aba eh hindi naman imposible iyan, ang bait kaya niyang anak mo."

"Oo nga saka magalang na bata."

"Sinabi mo pa at alam mo napakamasunurin n'yan sa amin ng ama niya. Kapag sinabi naming bawal hindi siya namimilit. Marunong umunawa."

Narinig ko pang usapan nila habang papalayo ako sa kanila. Napabuntong hininga na lamang ako saka pumasok sa loob ng bahay. Binati ako ng mga nandoon. Nginitian ko lamang sila at pumanhik na ako sa aking kuwarto. Palagi akong ipinagmamalaki ni Mama sa ibang tao, pero hindi ako masaya roon.

I know it might sounds weird because I was not happy when my parents were telling good things about me. Palagi nila akong ibinibida sa ibang tao na ganiyan at ganito raw ako. To the point that I have to live on that character. Minsan nga pakiramdam ko isa na lang akong aktress at ang mundong ito ang aking entablado.

TAPOS na ang party kaya naman balik sa reyalidad na ako. Masarap magkaroon ng handaan pero nakakaiyak naman pagkatapos. Maiiyak ka talaga sa dami ng platong huhugasan mo. Idagdag mo pa ang mga mamantikang tupperware na masarap ibato sa totoo lang at mga naglalakihang talyasi at kaldero. Ito ang dahilan kung bakit minsan ayokong may handaan-- ako kasi ang maghuhugas.

"Pagkatapos mo d'yan ayusin mo naman iyong mga regalo sa 'yo ng mga ninang mo," utos ni Mama na dumaan sa likuran ko dala ang mga tirang pagkain.

"Sige po, Ma," sagot ko habang abala sa pagsasabon ng masesebong kaldero.

Mist of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon