Chapter 2
-Genre's POV-
ALAS-SYETE na ako nagising. Pagkabangon ay inimpis ko kaagad ang aking hinigaan. Tiniklop ang kumot at pinatas ang mga unan. Nadatnan ko sa kusina si mama na nagluluto ng umagahan. Naamoy ko kaagad ang tuyo at itlog na niluluto niya. Bagay na nagpakalam sa aking sikmura.
"Good morning po," bati ko at humatak ng silya.
"Good morning din. Ang kapatid mo nasaan?" tanong niya habang abala sa niluluto.
"Baka po nasa kuwarto pa," sagot ko habang nagtitimpla ng kape.
Nadismaya ako nang makitang wala ng laman ang lagayan ng asukal.
"Ma, wala na hong asukal."
"Sige kumuha ka ng pera d'yan sa wallet ko at bumili ka muna."
"Sige po," tugon ko na kaagad sinunod ang pinag-utos niya.
Purong kape ang iniinom ko kaya hindi pupwedeng walang asukal.
"Bumili ka na rin ng ketchup para sa kapatid mo. Alam mo naman iyon, hindi mabubuhay ng walang sawsawan."
Paglabas ko ay nadatnan ko si Papa na nagpapakain ng mga manok. Ngumiti lang ako sa kaniya. Tinungo ko ang tindahan ni Aleng Gemma na hindi naman kalayuan sa amin.
"Tao po! Aleng Gemma!"
"Oh ano? Uutang na naman kayo?" mataray na tanong ng anak ni Aleng Gemma na si Ayessa.
"Grabe ka naman, Ayessa, syempre hindi. Ang aga pa kaya."
"Eh ano naman ang bibilhin mo?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Ketchup saka asukal," sagot ko at inirapan niya lang ako. Binitiwan niya ang cellphone at kumuha ng ketchup at asukal sa lagayan.
"Oh iyan na."
"Salamat," sabi ko matapos niyang iabot ang mga binili ko at sukli.
"Wait!" Tawag niya sa akin nang akmang aalis na ako.
"Bakit?"
"May hiring kasi sa bayan baka gusto mong mag-apply kasama ako. Dalawa na lang kasi ang kailangan."
"Ayieee! Si Ayessa gusto ako makasama," tukso ko pero pinanlakihan niya ako ng mata at pagkatapos ay inirapan.
BINABASA MO ANG
Mist of Dreams
Ficção AdolescenteGenre Bryel Demaco did nothing in her life but to obey her parents and make them proud. Academic achievers and a good role model. But behind those praises and claps she received, there she is, unhappy for living on a character she think she wasn't a...