Chapter Eight

3.3K 83 3
                                    

Kinabukasan ay tanghali nang magising si Nikki. Balak niyang pumasok ng tanghali sa opisina, tutal naman ay walang mga tao dahil nag-out-of-town ang team nitong weekend. Siya lang ang hindi sumama dahil lagi siyang wala sa mood simula nang dumating ulit si Matt.

Pagdating niya sa office ay dire-diretso siya sa cubicle niya. Hindi niya namalayan ang oras dahil abalang-abala siya sa dami ng trabahong naiwan. It was almost 8 when she decided to leave the office. Sumakay siya sa elevator at sumandal sa dingding.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang tumigil ang elevator. Kumunot ang noo niya. Pinindot niya ulit ang 'down' button, pero hindi gumagalaw ang elevator. Bigla siyang kinabahan. Alam niyang siya lang ang tao sa buong floor, at hindi malalaman kaagad ng guard na na-trap siya. Kinuha niya ang cell phone at idinial ang number ni Erica. Apat na ring bago may sumagot.

"Hello, Erica, andito ako sa—"

Hindi na natapos ni Nikki ang sasabihin dahil nawala na si Erica sa linya. She looked at her phone. Low-bat. Trapped inside the elevator with no one to communicate to? Akala niya ay sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong sitwasyon.

Pinilit niyang ikalma ang sarili. May dadating din sigurong tulong sa kanya maya-maya. Umupo siya sa isang sulok at humalukipkip. Suddenly, she thought of Matt and how he always made sure that she was alright. She closed her eyes, remembering his gentle voice inside the storage room. That was what made her calm down. Hindi niya na namalayan na unti-unti na siyang dinalaw ng antok.

Hindi alam ni Nikki kung ilang oras na siyang natutulog bago siya ginising ng ingay na nanggagaling sa paglagitgit ng elevator. Unti-unti ang nangyaring pagbukas sa elevator bago may isang bulto ang tumambad sa kanya. Bahagya pa siyang napapikit dahil nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng hallway.

"Sir, andito ho siya," wika ng guard na nagbukas ng elevator.

Mukha ni Matt ang una niyang nakita. Medyo humihingal pa ito, at bahagya magkasalubong ang kilay na nakatunghay sa kanya. Pagkatapos ay ang guard naman ang binalingan nito.

"Manong, ayusin niyo naman ang mga facilities dito. Paano kung may mangyaring masama sa mga empleyado niyo?"

Nagkamot ng ulo ang guard. "Sorry po, sir. Hindi ho kasi natingnan iyan nung isang araw. Check ko lang din ho yung iba pa."

Pagkatapos noon ay umalis na rin ang guard. Si Nikki naman ay hindi nagawang tumayo sa pagkakaupo. What was Matt doing here?

Matt slowly walked towards her and squatted in front of her. Walang sabi-sabing hinila siya nito papalapit dito. Nagulat pa si Nikki nang bigla siyang yakapin nito. Sobrang higpit n'on at halos hindi na siya makahinga. Nagulat man siya ay hinayaan niya na lang ito. Mukha kasing hinang-hina ito. Nararamdaman niya ang panginginig ng kamay nito habang nakayakap sa kanya.

After a while, pinakawalan siya ni Matt at ipinatong ang mga kamay sa balikat niya. Nakatungo ito at mukhang pilit ibinabalik sa normal ang paghinga.

Naalala ni Nikki ang kumplikasyon nito sa puso. Nag-a-alalang hinawakan niya ang mga braso nito.

"Hey, Matt, okay ka lang ba?"

Tumaas bigla ang ulo nito at matalim siyang tinitigan.

"You're asking me if I'm alright? Do I look alright to you?" singhal nito sa kanya. Sasagot sana siya nang ipagpatuloy nito ang sinasabi. "Do you know how worried I was? O wala ka talagang pakialam kung mamatay na ako pag-a-alala sa'yo?"

It was her turn to be surprised. Nag-alala si Matt sa kanya? Siya ba ang dahilan kung bakit hinihingal ito ngayon?

Ibinaba ni Matt ang mga braso at tuluyan nang umupo sa tabi niya. He was trying hard to stabilize his breathing. Pagkatapos ay nagsalita ulit ito. This time, he was gentler.

To Find You Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon