Chapter 03
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ASHLEY
It was supposed to be another normal week of living in Bluestar however, little did I know that it will never be normal starting today.
Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga mabibilis na hakbang. Umupo ako mula sa pagkakahiga at isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok. Tumingin ako sa bintana. Hindi pa mataas ang sinag ng araw kaya paniguradong maaga pa. Nagtaka ako sa kung anong nangyayari sa labas dahil mukhang hindi sila mga mapakali. Pinagdesisyunan ko nalang na tumayo na at dumiretso sa banyo upang ayusin ang sarili gamit ang mga bigay ni Bell.
Hindi napansin ng mga tao ang pagdating ko sa sentro ng isla dahil sa pagiging abala.
"Ash." Napalingon ako nang makarinig ng pagtawag sa pangalan ko.
"Magandang umaga." Tumango ako kay Hunter na papalapit sa akin.
"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Hindi man halata sa mukha niya ngunit pansin ko sa ibang tao na mukhang may pinagaalala.
"Nawawala si Thorne." Napakunot ako ng noo sa narinig. I admit malaki ang islang ito, pero paanong may mawawala ang isa sa kanila, e tirahan nila ito?
"What do you mean, nawawala? Hindi pa pwedeng nagtatago lang? After all, th---"
"Kuya!" sabay kaming napalingon kay Bell na tumatakbo papunta sa amin. Minsan 'kuya' at kung minsan rin naman ay pangalan lang ang tawag niya kay Hunter. Maybe it depends on her mood.
Mukhang hindi niya ako napansin dahil na kay Hunter lang ang kaniyang atensyon. Iniangat nito ang hawak na papel at inabot kay Hunter. He sighed heavily and crumpled it. I stared intently at him. He's angry, alright.
Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti.
"Hindi ka pa kumakain, diba? Let's go." Inaya niya akong sumunod sa kaniya.
"Good morning, Ashley!" Nginitian ko si Bell na sinabayan ako sa paglalakad. Sinamahan kami ni Hunter hanggang sa makakuha kami ng pagkain. Umalis rin siya ng may tumawag sa kaniya at mukhang importante ang paguusapan. Nagpaiwan nalang si Bell upang samahan ako.
"Have you seen Thorne? Baka kaninang madaling araw?" tanong ni Belle na nakapahalumbaba sa aking harapan. Ako lang ang kumakain dahil nauna na siya kanina pa. Umiling ako sa kaniya at hindi makapagsalita dahil sumusubo pa ako.
Tumango-tango naman siya at pinanood na ang iba na may kaniya-kaniyang ginagawa. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko dahil nakakahiya naman ay kung paghihintayin ko pa siya.
"Bell. I'll try to look for Thorne." Gulat na napahinto sa paglalakad si Bell at napalingon sa akin
"What? No, you don't have to." I blinked at her refusal.
"Huh? Pero gusto ko." I said, clearly stating my disappointment when she refused me.
"Ashley, kung si Thorne mismo nawawala, paano pa kaya kung ikaw?" I didn't answer. Wala naman akong masasagot sa kaniya dahil tama nga naman siya. Pero gusto kong makatulong.
"Hindi ako lalayo. I promise, don't worry." Tahimik lamang na nakatingin sa akin si Bell. Halatang pinagiisipan kung papayagan niya ba akong mawala sa paningin niya. I gave her my best 'pleading' look to persuade her. Napakamot nalang siya sa ulo niya.
"Oo na, sige na nga! Pero isang oras lang!" I smiled at her and nodded.
"Bell! Kailangan ka namin dito." I pushed her slightly when someone called her. Labag sa loob niya naman akong iniwan at pumunta na lamang sa tumawag sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Believe
Fantasia"Up you go with a height and ho To the stars beyond the blue There's a Neverland waiting for you Where all your happy dreams come true Every dream that you dream will come true."