Sabi mo, hintayin kita kapag sumapit ang unang pagkaalis mo.
Sa pag alis mo ay nagsimulang umulan.
Hinintay kitang bumalik ng ilang segundo, ilang minuto at ilang oras.
Ngunit ika'y hindi bumalik at ako'y bumalik sa aming bahay para bukas ay hintayin ka ulit.Naghintay ako dahil hindi pa tapos ang ulan kinabukasan.
Ilang segundo, minuto, oras, araw, buwan at ilan taon na ang nakalilipas.
Hinintay pa rin kita tuwing umuulan.Bago ako bumalik ulit sa aming bahay upang hintayin ka kinabukasan,
Bumalik sa aking isipan ang iyong sinabi.
Na hintayin kita kapag sumapit ang unang ulan pagkaalis mo.
Doon, alam ko na.Nang dahil sa ulan, umasa akong babalik ka pa sa akin.
Nang dahil din sa ulan, doon ko napagtantong wala ng babalikan hanggang sa huling pagpatak nito.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
Random"Since I deleted my other stories, I just came up with random thoughts. Hope you like it!" -lovingmitch