Chapter 3

3 2 0
                                    

Illinaea's POV

Parang wala ako sa mood ngayon dahil sa nalaman ko kahapon.

"Illinaea" tawag ni Yuzuru sakin pero hindi ko siya nilingon

"Ayos ka lang?" tanong niya sabay tabi sakin, nasa school na kasi ako ngayon at nakaupo ako ngayon sa bench at ang nasa harap ko ay fountain.

"Para kang si Mon-mon" sabi ko, parang nabigla siya sa sinabi ko kaya nilingon ko siya at pagkalingon ko sakanya ay nawala na ang pagkabigla niya.

"Sino si Mon-mon?" tanong niya sakin

"Yung paper doll ko" sagot ko

"Bakit Mon-mon?" tanong niya

"Dahil palagi siyang nasa tabi ko" sagot ko,tumango siya

Muli akong tumingin sa fountain.

"Nakareview ka na ba?" pagbago niya sa usapan, tumango ako

"Punta na tayo ng classroom" yaya niya, tumango ako

[Fast Forward]

"Ok class, finish or not finish pass all your papers" sabi ng Prof namin, agad naman akong nagpasa ng papel

"Dismiss" sabi ni Prof sabay alis

"Zayshin, Illinaea at Yuzuru mag-recess na tayo" yaya ni Kana, tumango si Kuya

"Busog pa ako" sabi ko nalang, gusto kong masolo ni Kuya si Kana dahil baka magkaroon na siya ng lakas ng loob na magconfess pero matagal pa naman ang graduation.

"Ay ok" sabi nalang ni Kana

"Tara na" sabi ni Kuya at naunang naglakad, sumunod si Kana

"Ayaw mo talagang kumain?" tanong ni Yuzuru sakin, umiling ako

[Fast Forward]

Hanggang sa natapos na ang klase wala parin ako sa mood kaya naisip kong mamasyal nalang.

Naisip magpunta sa burger shop dahil nagugutom ako.

"Kon ni chi wa ^__^ ano pong order niyo?" tanong nung clerk sabay yuko, yumuko rin ako

"Isang cheeseburger please" sagot ko

"Ok po" sabi nung clerk sabay alis

Tumingin ako sa bintana ng shop natoh at tinignan ko ang paligid, ano kaya ang atmosphere dun sa Immortal World?

Maganda rin kaya? May masasarap din kaya na pagkain?

Kasi kung walang masarap dun sa pagkain hindi talaga ako papayag na tumira dun

( ͡°Ĺ̯ ͡° )

Naisip ko lang, kung fairy kami ano kaya ang posibleng powers namin?

Tatanungin ko nalang si Mom pagdating ko sa bahay.

Dumating na ang order kong cheeseburger at nagsimula na akong kumain.

Nagbayad narin ako.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng shop at naglakad na ako pauwi ng bahay.

Habang naglalakad ako may biglang tumakip sa bibig ko at mayamaya ay nag-black out na ako.

*black out*

Someone's POV

"Boss nakuha na po namin ang babae" sabi ko

"Good! Let's start now the bidding" sabi ng boss namin at agad naman akong tumango

Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon