Chapter 9

1 0 0
                                    

Illinaea's POV

-o-

O___O

"I'm alive!!!!!!!!!!!" buong lakas na sigaw ko habang papalabas ng kwarto ko at sinigaw-sigaw ko yun

"I'm alive!!!!!!" sigaw ko pa hanggang sa makalabas ako ng palasyo

Teka, paano na ang contest? May contest pa ba?

"Illinaea-sama!"

O___O

"Asato-san" tawag ko rin sa kanya

"Ang contest?" tanong ko

"Hindi po natuloy" sagot niya, eh?

"Hindi nga! Salamat sa'yo!" pag-epal ni Chiharu

"Oh bakit dahil sa'kin?" tanong ko

"Nawawala daw po kasi kayo kahapon kaya pinakansela nalang ni Akira-sama ang contest" sagot ni Asato-san, sinabi ko bang gawin yun ng cosplayer na yun?

"Alam kasi niyang kasali ka kaya nung nawala ka ay pinakansela nalang niya" sabi ni Chiharu kaya tinignan ko siya ng masama, dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako nakadalo sa contest kahapon

Naka-smirk na siya ngayon.

"Diba dahil sa kanya ay hindi natuloy ang contest?"

O___O

"Kumalat na po kasi ang chismis tungkol dyan" sabi ni Asato-san

"Oo siya nga! Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan sa kanya ni Akira-sama"

"Matuto kayong ilugar ang pananalita niyo" galit na sabi sakanila ni Asato-san kaya natakot naman yung dalawang chismosa at umalis nalang.

"Hindi mo dapat yun sinabi Asato-san, dapat lang yun sa kanya" sabi ni Chiharu kaya napayuko nalang ako

Kasalanan ko ba talaga?

"Chiharu-chan hindi naman kasalanan ni Illinaea-sama na mawala siya kahapon, mabuti nalang talaga at nung nakita siya ni Akira-sama ay buhay pa si Illinaea-sama dahil pwede talaga siyang mamatay dun"

O____O

"Kung saan-saan kasi---" naputol ang pagsasalita niya nung binalutan ko siya ng makapal na yelo, mula ulo hanggang paa

Asato's POV

Biglang natigil sa pagsasalita si Chiharu-chan nung nabalutan siya ng makapal na yelo galing kay Illinaea-sama, kung ganun malakas talaga ang prinsesa na ito?

Nagliwanag ang kulay asul na mga mata ni Illinaea-sama at ang buhok niya ay kumikinang habang binabalutan niya ng makapal na yelo si Chiharu-chan.

Ang amoy ng yelo...parang galit na galit si Illinaea-sama.

"Illinaea!" biglang tawag sa kanya nu Akira-sama pero hindi siya nakinig, mas lalo lang lumakas ang kapangyarihan niya.

Nanginig na ako sa sobrang lamig, yung asul na yelo na bumalot kay Chiharu-chan ay naging itim.

Dark frost, ang pinakamalakas na frost sa lahat.

Tumigil lang si Illinaea-sama ng balot na balot na talaga ng itim na yelo si Chiharu-chan.

Inis siyang naglakad palayo at hahabulin sana siya ni Akira-sama pero bigla nalang siyang naglabas ng dark ice spikes dahilan para mapatigil si Akira-sama.

Bigla nalang lumabas ang mga pakpak ni Illinaea-sama at naglakad siya palayo.

"Akira-sama, ayos lang po ba kayo?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon