PART I. LOVE AT FIRST TEXT

58 0 0
                                    

PART I: LOVE AT FIRST TEXT

(A TRUE TO LIFE STORY)

Ako nga pala si SONGER.. Songer, kasi yan ang gamit ko lagi na screen name..

2006.. 16 years old pa lang ako noon at kasagsagan ng mga text clans. Nauso ang unlimited calls at unlimited texts. Mahilig ako noon sumali sa mga clans. Kahit na papaano eh, nalilibang ako at maraming tao ang aking nakikilala. Lagi kong gamit ang nickname na "songer" dati. Lagi nilang tanong, "magaling ka bang kumanta?" Marunong naman akong kumanta, pero hindi ganun kagaling. Wala lang kasi akong maisip na nickname. XD

Dito ko nakilala si "alucard"....

Hindi ko ganun kakilala si alucard. Parang isa lang syang ordinaryong member ng clan. invisible kung aking tawagin. Hindi ko nararamdaman ang pressence nya. Ni hindi nga din sya nag ggm (group message). kaya nga siguro alucard ang nickname nya, hehe.

Madaling araw na noon, biglang nag-ring ang phone ko....

RIIIIIINNNGGGGG!!!!!!

Pagtingin ko, number ni alucard ang nakita ko. Sa isip-isip ko, "ano ba naman tong taong to, madaling araw nambubulabog".. pero dahil sa hindi pa naman ako inaantok, sinagot ko na din.

  alucard: hello..

ako: oh,bakit napatawag ka?

alucard: wala naman.. gusto ko lang ng makakausap..

at dito na nga nagsimula ang pagiging official textmate namin ni alucard. Doon ko na din siya nakilala. Taga Bulacan siya.  Mas bata lang sa akin ng 17 days. hehe.

Madaling nahulog ang loob ko kay alucard dahil halos araw-araw magkausap kami, madaling araw pa nga. Minsan nga nasasabi ko nalang sa kanya na bagay talaga ang nickname nya sa kanya, dahil pag gabi, tsaka siya active na active. Nasakanya na din ang lahat ng hinahanap ko sa lalake. Kumakaanta, nagbabanda, at lahat na ata ng instrumento kaya niyang tugtugin. Mabait din siya. Sabi ko na lang sa sarili ko, "pag niligawan ako nito, agad ko syang sasagutin.. bwahahaha!"

Uso na pala ang PBB teens noon., XD

eto na nga ang inaasam ko na mangyari.. haha!

alucard: songer.....  will you be my girl?

ako: ano?? (kunwari hindi ko narinig, pero kinikilig ako nung tinanong nya yon)

alucard: ang sabi ko, will you be my girl?

ako: sigurado ka ba? kasi ang layo sa isa't-isa.

alucard: hindi naman importante yon. basta you love me, and i love you. hehe.. :D

Naging kami ni alucard mid-2007. Yun nga lang tanging text at tawag lang ang communication namin. Dahil mga bata pa kami, at malayo kami sa isa't isa, hindi kami nagkikita. Mas lalo ko siyang nakilala.. Ang songer na mahilig sa RNB ay naimpluwensiyahan ni alucard na mahilig sa mga SCREAMO bands noon. Yun din ang tugtugan ng banda nila. Lalo tuloy akong nainlove sa kanya dahil kahit screamo music ang gusto niya, kaya nya pa ding mag freelance at tumugtog ng kahit anong genre ng music. 

Masaya ako kapag katext ko siya. Kahit na walang kwenta ang pinag uusapan namin, okay lang. Iba ang sweetness niya. medyo may pagka tahimik kasi sya, parang misteryoso ang dating. Nakilala ko na din ang mga kabarkada niya at ganoon din siya sa mga kabarkada ko. Uso pa noon ang friendster.. gumawa kami ng couples' id.. naoopen ko ang account niya, pero hindi niya ginagalaw ang account ko. Never niya akong binastos kahit na sa text lang ang relationship namin. Kaya sobrang saya ko na siya ang naging bf ko.

Minsan siyang tumawag sa akin..

alucard: hi, mai. I miss you.

ako: pao pao ko. i miss you too! anong ginagawa mo?

alucard: eto nag gigitara lang.

ako: wow.. sige nga. kantahan mo nga ako. daliiiiiiiii!!!

habang naririnig ko siyang kumakanta, kinikilig ako. isa sa mga kinanta niya ay ang 214 ng rivermaya. Kinanta din niya ang now and forever, at iba pang love songs. Lalo na pag mga adlib ang tinutugtog nya na sobrang lupit! tapos pinatugtog ko din sa kanya ang theme song namin na hindi typical sa magkarelasyon dahil screamo song siya. hehe..

"....... dearest love I hope this message finds you well. As these endless thoughts drip from my soul... every single word secretly paints a fairytail of where we melt into ONE!!!!..."

Sobrang saya ko dahil nakakita ako ng lalaking katulad niya. Hindi ko inaakala na panandalian lang ang lahat.

Tumawag ako sa kanya.. Boses ng ibang lalake ang narinig ko.

ako: hello.

lalake: hello. sino to?

ako: ah, si songer. sino to?

lalake: barkada ni alucard. may ginagawa kasi siya kaya hindi niya nasagot. teka, kaano ano ka ba ni alucard?

ako: girlfriend nya.

lalake: ahh.. ikaw ba yung kaangkas niya sa motor nung isang araw?

ako: kaangkas sa motor? hindi pa nga kami nagkikita eh.

narinig ko sa background si alucard na may sinasabi, pero hindi ko maintindihan kung ano.

lalake: ahh.. hindi nga ikaw yon.. baka kabarkada namin.

hindi naman ako naghinala noon. dahil baka nga kabarkada lang niya yung kasama niya.

 Akala ko okay na na sa text at tawag lang ang communication namin. Hindi pala. madalang na siyang magparamdam. minsan ibang lalake ang sumasagot, mga kabarkada niya. yung couples' id namin hindi ko na mabuksan. break na pala kami pero kabarkada pa niya ang nakausap ko.

ako: hello.

lalake: hello. sino to?

ako: si songer. nasan si alucard?

lalake: nandito, kaya lang ayaw ka na niyang kausapin.

ako: ha? bakit naman?

lalake: MERON NA KASI SIYANG GIRLFRIEND.. ako na lang daw ang magsabi sayo.

OUCH! kaya pala hindi na siya nagpaparamdam at hindi na nagtetext. May iba na siyang girlfriend. Ibinaba ko na agad ang phone. Napaiyak na lang ako. Nagtagal ang aming relasyon ng mahigit anim na buwan. Hindi ko inaakalang ganon lang ang mangyayari. simula noon, hindi na kami nagkausap. dinelete na niya ako sa friends list nya. wala na talaga. pinipilit ko siyang i-add sa friendster niya, pero denied. ayaw na niya talaga sa akin. hindi manlang nagkaroon ng closure ang relasyon namin, basta basta na lang. pinabayaan niyang ang barkada nya ang magsabi sa akin.

2009 na.. namimiss ko pa din siya. ewan ko nga ba kung bakit ganun na lang akong nainlove sa kanya. Ilang lalake na din ang naging bf ko sa personal, pero hindi tatagal sa isang buwan. hindi ko din maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang makausap.. Meron pa kayang pagkakataon na magkakrus ang landas namin?

ITUTULOY........

-------------------------------------------------------------------------------

sana nagustuhan ninyo.

vote and comment lang po kung kailangan ng improvement or what.

thank you! :*

LONG DISTANCE RELATIONSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon