PART II. CLOSURE

32 1 0
                                    

PART II. CLOSURE

2010 na. Finally, nakamove on na din ako ng bonggang bongga!. Sobrang tagal diba? ewan ko ba kung anong meron sa kanya. Pero gusto ko pa din siyang makausap. Hindi para makipagbalikan. Wala lang, type ko lang na makausap siya.

nakagraduate na din ako ng college. at nag-iba na din ako pagdating sa mga usapang pag-ibig. Typical sa mga nag-break na na walang pansinan talaga, parang hindi magkakilala. Pero sa akin iba. Mas gusto kong friends kami ng mga naging ex ko. Hindi nga lang lahat ganun din ang turing. Pero sa akin kasi "past is past."  I mean, kung kaya namang maging friends ulit, why not diba? Feeling ko naging mas mature na ako ngayon. Influence na din kasi siguro ng course ko. Psychology ang kursong tinapos ko.

late 2010, naisip ko na hanapin ang name nya sa facebook. At nakita ko nga siya. Iniisip ko na baka hindi nya ako i-add. Pero may something pa din na nagtutulak sa akin para i-add ko sya.

Ilang araw bago niya ako in-add. Pero hindi kami nagpapansinan. 

Minsan akong nagpost ng picture. Meron kasing banda na underground sa Amerika na magcoconcert dito. Ni-like nya. Doon na ako nagstart magbiro sa kanya. Nawala na din ang akward feelings ko sa kanya. Akala ko hindi niya ako papansinin talaga, o kaya naman ay hindi nya ako kilala.

Nagsend ako ng message sa kanya....

Ako: hoy! kamusta ka na?! natatandaan mo pa ba ako?

alucard: OO naman. anong tingin mo sa akin ulyanin?

ako: haha! hindi naman...

doon na nagstart ulit. Unti-unti, naging friends kami... di ko alam kung may akward feeling siya sa akin, hindi din kasi siya yung tipo ng lalake na magsasalita. Parang nagstart ulit kami sa umpisa. Merong mga bagay na nakalimutan ko na, pero pinapaalala nya ulit sa akin.

Katulad na lang ng pet dog niya. Magkapareho kami ng breed ng aso. Sakanya babae, sa akin lalake.

alucard: tanda mo ba si Sandara? diba pareho sila ng aso mo?

ako: ha? meron ka din bang  aso na katulad ni porky?

alucard: oo! ikaw ulyanin ka na. haha!

Kung tutuusin nga mas matagal pa kaming naging mag friends kesa sa relationship namin. Anniversary na nga ng friendship namin.. Masaya naman ako sa ganung lagay. nagvivideo call din kami lagi sa facebook. tapos magkatext din lagi. ngayon ibang network na ang gamit nya, at nagkataong pareho din kami. Minsan tumatawag naman sya sakin. nafi-feel ko na may something sa mga messages nya, inaamin ko na half-assuming din ako, hehe.

alucard: <3

ako: ano yan? puso ng saging?

alucard: oo.. saging lang ang may puso.. haha!

ako: tse.. haha!

alucard: miss na ni sandara si porky. :3

Hanggang sa naging ganoon ang tema. YM at facebook, madalas kaming magkachat. Chatter din kasi ako sa YM..

alucard: BUZZ!!! what room?

ako: sa mmb5.

Naabutan nya akong kumakanta sa VC ng room. . Nag pm siya sa akin.

alucard: May tinatago ka pala ha.. hmn..

ako: anong tinatago? kili-kili power? haha!

alucard: baliw. may tinatago ka palang talent. Ang lamig ng boses. :3

ako: tse. haha!

Hindi ko na inaalala yung nakaraan namin. Pero one time, na magkatext kami.. bigla namang naungkat.

alucard: songer, pwedeng magtanong?

ako: ano yon? banat mo nanaman tapos pipilosopohin mo nanaman ako? haha!

alucard: aw. ur so smart, i hate it. haha!

ako: tse. alam ko na mga banat mo. :))

alucard: seriously.

ako: ano ba yon?

alucard: yung nangyari satin dati. ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi ako nagparamdam sayo at bigla akong nawala?

ako: hmmm.. sabi ng friend mo, meron ka na daw gf, ano pa bang magagawa ko diba? hehe..

alucard: oo, tama. yun nga ang reason. pero walang biro ha, minahal talaga kita noon. Nalason lang. hehe..

ako: weeeeh.. haha! okay lang yon. past is past. :D

alucard: gusto ko lang kasing magkaroon tayo ng closure, alam kong mali yung ginawa ko. kaya kung meron kang gustong sabihin, sabihin mo. Okay lang sa akin, ako naman talaga ang may kasalanan.

ako: wala na yon. friends na tayo diba?

alucard: oo nga. hehe.. sorry talaga. alam kong hindi sapat ang sorry ko.

ako: hay nako alucard, wag ka na mga magdrama jan!

pero deep inside ang dami kong gustong sabihin. gusto kong sumbatan siya. gusto kong magwala at sisihin lang siya. pero pinangunahan na ako ng pagiging mature ko. Inisip ko na lang, ano pang reason? 3 years na ang nakalipas, magpapaka bitter pa din ba ako?

2012 na nang magkaroon kami ng closure. after nun nalaman ko na lang na may gf na pala siya. hindi niya sinasabi sa akin, pero sweet sya sa akin, ULIT. pero wala na sa akin yun. after ng closure, okay na ang feelings ko para sa kanya.. FRIENDS na lang talaga.

Magtatapos nanaman ang taong 2012, 2 years na since naging mag friends ulit kami. Wala na sila ng gf nya, kasi yun palang gf nya, may asawa't anak na, tinago sa kanya. Ako naman, eto single pa din. I guess takot pa din ako na magkaroon ng relasyon. At hindi din kasi ako sanay. Magkakaroon man ako ng bf, hindi pa din tumatagal ng isang buwan. hehe. pero hindi po ako playgirl! sadyang hindi ko pa talaga feel...

Pero masaya talaga ako kung anong meron kami ni alucard... tama nga ang kasabihan na, "piliin mo kung saan kayo mas tatagal." :)

THE END....

-------------------------------------------------------- 

 dito na po nagtatapos ang story. BASED ON REAL LIFE EXPERIENCE PO ITO.

comment and vote po.. i will appreciate it! negative man o positive.. :)

fan na din po.. hehe.. thanks bunch! :*

LONG DISTANCE RELATIONSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon