FY 4

1.4K 61 1
                                    

Lunes nanaman and may pasok nanaman aish, buti nalang afternoon class ako kaya 'di ko na kailangang mag madali pa.


It's already 11:00 am and kailangan ko nang mag prepare para sa klase ko. I just took a bath and prepared my uniform to wear. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko muna ang shirt at trousers ko mamaya na 'yung polo kasi kakain pa ako.


Bumaba muna ako sa dining area at nagsimulang kumain, wala na si kuya kasi may class din siya. So para dagdag impormasyon, I'm a Humanity and Social Science student of HHU, grade 11 at si kuya Xymon naman ay college student, civil engineering 'yung course niya.


Sa kalagitnaan ng paglamon ko ay biglang nag ring ang cellphone ko, kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at tinignan kung sinong tumatawag. It's Marcus kaya inaccept ko agad 'yung call.


"Oh tapos ka nang mag prepare?" I talked first.


[Oo tapos na, pero di pa ako nakaka kain, pwedeng makikain diyan sa inyo?]


"Alam mo naman ang sagot diyan 'diba?" I rolled my eyes and smiled a bit, alam naman niyang parang kapatid na ang turing ko sa kanya, like we're super bestfriends! Since childhood siya na ang bestfriend ko and we're both teen agers now kaya matagal na matagal na talaga kaming mag bestfriend.


Bigla na lamang niyang in-end ang call at expected ko na in just 10 seconds andito na yun sa harap ko.


1..


2...

3...

4...

10. 


Voila! As expected, andito nanga siya. Ts.. wala pa ngang 10 seconds 'yun e.


"Oh! Anak kumain kana ano ba 'yan papagutom ka nanaman." Tumayo ako at binigyan siya ng plato, kutsara at tinidor.


"Thankyou mommy Xymie..." binigyan niya ko ng napaka tamis na ngiti. Nawala nanaman ang mga mata niya, aw. Kinuha niya sa kamay ko ang plato, kutsara't tinidor. "Anong ulam mommy?" Tanong niya sa'kin.


"Eto anak, hotdog and eggs." Nilagyan ko siya ng hotdog at omelet sa plato niya. Napangiti naman siya dahil dito.


"Ang sweet naman ng mommy ko... galing-galing mag luto, puro PRITO lang alam." Binigyan niya ako ng napaka laking ngiti at peace sign.


My brows furrowed and immediately glared at him while chewing my food. Wala akong time sa pakikipag asaran ngayon, nakakapagod maasar!


After naming kumain ay umakyat akong muli sa kwarto at sinuot na ang uniform ko. I also put some lip balm para 'di na mag dry ang lips ko, lagi kasing dry! Kairita.


Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa bahay. I locked the door and also the gate. Kaya sumasabay ako kay Marcus pumunta sa school kasi may car siya at ako wala! Si kuya meron din amp. I need to tell dad about this, nakakaloka lagi nalang akong nakikisabay.

For You (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon