Summer Emily's POV
Naglalakad kami ni ate sa loob ng mall. Maaga pa para sa sunset kaya sinamahan ko muna siyang magshopping.
"Oh, look at this Emily." excited niyang sabi sabay pakita sakin ng isang necklace na nakita namin dito sa jewelry shop.
"Ang ganda ng design, 'di ba?" tanong niya habang pinapakita niya sakin yung design nung necklace. Silver siya, pero maganda ang pagkakasilver. Tapos ang design niya ay korteng snow frost tapos may halo ding blue.
"Oo, ate. Maganda." sagot ko sa kanya.
"Sige. Miss, kukunin na namin 'to. Pati na rin 'tong isa." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni ate sa sales lady. Anong isa pa? Eh isa lang naman ipinakita niya sakin ah.
"Oh no, miss. You don't have to put it back in the box. We're gonna wear it now." Pigil niya sa sales lady na dapat ay ibabalik ang kwintas sa loob ng box.
"Sige po, ma'am." pagkasabi nun ng sales lady ay kumuha na lang siya ng paper bag na paglalagyan ng mga boxes. Kinuha ni ate yung isa pang kwintas mula sa box at saka ipinakita sa akin. Kung yung isa ay hugis snow frost, ito naman ay hugis araw. Gold siya at ang ganda ng pagkakahugis ng araw.
"Tumalikod ka." utos ni ate. Noong una ay naiilang pa kong sumunod sa kanya pero sa bandang huli ay sinunod ko pa rin siya. Naramdaman ko naman na isinuot niya sakin yung hugis araw na necklace.
"Oh yan bagay na bagay sayo. Lalo na sa pangalan mo." sabi ni ate habang tinitignan niya ko nang nakangiti.
"Oh di ba? Sa akin yung frost kasi Winter ang pangalan ko tapos sayo yung araw kasi Summer ang name mo. Ang astig 'no!" tuwang-tuwa na sabi ni ate.
"Ate naman eh. Hindi mo naman ako kailangan bigyan nito." sabi ko kay ate na sa kasalukuyan ay binibigay sa sales lady/cashier yung credit card niya para magbayad.
"Ano ka ba? Minsan na nga lang akong gumasta at manlibre, aayaw ka pa."
"Eh ate, magsasayang ka lang ng pera. Ang mahal ng pagkakabili mo nito eh sandali ko lang naman to magagamit. Hindi ko naman to madadala sa kabilang buhay." napatigil si ate sa pagkuha ng paper bag sa sales lady dahil sa sinabi ko. Nakita ko sa mukha niya ang halu-halong emosyon. Lungkot, gulat, at sakit. Para na rin akong sinasaktan kapag nakikita ko silang ganito.
"Ano ka ba? Napaka-nega mo.Kung anu-ano pinag-iisip mo. Tara na nga at malapit na magsunset." sabi niya na parang inaalis yung kaninang topic. Hinayaan ko na lang siya kasi ayoko na din naman pag-usapan yung tungkol dun.
Mayamaya ay napansin kong may hinahanap si ate sa bag niya pero hindi niya makita.
"Naku, Emily. Babalik lang ako sa jewelry shop ah. Naiwan ko yung credit card ko eh." kinakabahang sabi ni ate.
"Ha? Samahan na kita---"
"Naku! Summer hindi na. Bawal kang masyadong mapagod eh. Dumiretso ka na lang sa may seaside. Susunod na lang ako."
"Ah sige." pagkasabi ko nun ay biglang tumakbo si ate. Malayo na rin kasi yung jewelry shop mula dito. Dumiretso na nga ako sa may seaside. Naghahanap ako ng bench na pwedeng upuan nang may mabangga ako.
"Ay miss sorry---"
"Kuya sorry---" pareho kaming napatigil nung nabangga kong lalaki. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Tila rin mauubusan ako ng hininga sa presensiya na laman. Nakatulala lang siya sakin at ganun din ako sa kanya. Halos wala pa ring nagbago sa kanya. Gwapo pa rin siya kagaya ng dati.
"S-Summer. Anong ginagawa mo dito? Di ba kagagaling mo lang sa ospital kahapon?" tanong niya na parang nagtataka at nag-aalala.
"Ah, oo. Nakalabas na ko eh. Sige, una na ko." Paalis na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Para akong nakuryente sa ginawa niya kaya ako napatigil. Nilingon ko naman siya at tsaka ko nakita ang mga mata na kanina ko pa iniiwasan pero gusto ko ding tingnan.
![](https://img.wattpad.com/cover/27626663-288-k485151.jpg)
BINABASA MO ANG
The Day You Said Goodnight
RomanceWhat does 'good night' really means? Does it mean 'see you tomorrow'? or it simply means 'good bye'?