Summer's POV
"Ano ka ba naman Win?! Alam mo namang bawal si Summer lumabas. Tapos iniwan mo pa." Halos nagpipigil na sabi ni Kuya kay Ate.
"Kuya , walang kasalanan si ate. Ako ang nagpumilit sa kanya." pagtatanggol ko kay ate. Totoo naman kasi eh. Ako ang may kasalanan kaya hindi niya dapat sisihin si ate.
"At isa ka pa! Sinabi nang magstay ka rito sa ospital. Pero hindi! Pinagpupumilitan mo pa rin ang gusto mo kahit na anong bawal sayo!" Pasigaw na sabi ni Kuya.
"Anong gusto niyo? ikulong ko sarili ko dito?! Kuya naman. Ilang araw na nga lang ang itatagal ko tapos magkukulong pa ko?! Gusto ko naman na kahit bago ako mamatay maenjoy ko ang sarili ko." sagot ko kay kuya. Hindi ko na kasi mapigilan eh. Bakit ba hindi nila makuha yung gusto ko?
"Pero Summer, hindi nga pwede di ba? May cancer ka at hindi pwede sayo ang maduming hangin sa labas. Anong gusto mo? Yung isa't kalahating buwan na buhay na meron ka maging isang linggo?!" Galit na galit na sabi ni kuya. Nagets ko naman siya eh. Pero kahit sa kakaunting panahon na meron na lang ako, gusto ko namang mag-enjoy katulad ng iba.
Sasagot pa lang sana ako nang may narinig kaming may bumagsak na bagay sa may pinto. Binuksan ni ate yung pinto para makita kung sino iyon.
"L-Luke?"
Oh no.
Luke's POV
"Pare. Gising." nagising ako dahil sa pagtapik sa 'kin ni Third. Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa tagal nang paghihintay kay Summer. Hindi ko na muna tinanong sina Ate Winter at Kuya Rain kasi tarantang-taranta sila. Parang hindi na nga nila naalala na nandito ako kasi hindi nila ako napapansin at pinapaalis. Tinignan ko ang orasan ko. 5:30 na pala.
"Pare, una na 'ko ha. Nagkaproblema kasi kami sa kumpanya eh. Kailangan ko lang ayusin." Paalam sa'kin ni Third. Pinayagan ko naman na siya at sumabay sa kanya palabas at papunta ng palengke para makabili ako ng prutas para kay Summer.
Nagtataka talaga ako sa nangyari. Dati hindi naman siya ganun kung ubuhin ah? Bakit ngayon sobra-sobra siya kung makaubo? May kasama pang dugo. Napansin ko din na medyo namutla at nangayayat siya. Tsaka bakit ang dalas niya atang himatayin? Ano ba talagang meron?
Nang makabili ako ng prutas ay bumalik ako sa ospital at pumunta sa kwarto kung saan nilagay si Summer. Narinig ko naman na may nagsisigawan na nagmumula sa kwarto ni Summer. Nag-aaway ba sila?
"Anong gusto niyo? ikulong ko sarili ko dito?! Kuya naman. Ilang araw na nga lang ang itatagal ko tapos magkukulong pa ko?! Gusto ko naman na kahit bago ako mamatay maenjoy ko ang sarili ko." Paalis na sana ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Summer dahil ayokong makisali sa away nila nang marinig ko ang sinabi niyang yun. Anong pinagsasasabi niya? Anong sinasabi niyang mamatay na siya? Meron ba kong hindi alam?
Kaysa umalis ay nanatili na lamang ako sa tapat ng pinto out of curiousity. Parang gusto kong marinig kung ano ba ang pinag-uusapan at pinag-aawayan nila. Pakiramdam ko ay may dapat akong malaman at malalaman ko iyon kapag nakinig ako sa usapan nila.
"Pero Summer, hindi nga pwede 'di ba? May cancer ka at hindi pwede sayo ang maduming hangin sa labas. Anong gusto mo? Yung isa't kalahating buwan na buhay na meron ka maging isang linggo?!" sa gulat ko sa sinabi ni Kuya Rain ay nabitawan ko ang prutas na hawak-hawak ko. Nanghihina ang buong katawan ko. Mula sa tuhod maging sa utak. Hindi ko maabsorb ang sinabi niyang iyon. Parang pakiramdam ko ano mang oras babagsak at maiiyak na ko.
"L-Luke?" hindi ko namalayan na nakabukas na pala ang pinto. Nakita ko ang gulat na expression nilang tatlo. Lalo na kay Summer. Hindi ako makapagsalita. Parang may humuhugot sa dila ko para hindi ako makapagbigkas ng kahit isang salita.
"Sa labas muna kami ni Winter. Tara na Win." sabi ni Kuya Rain. Sabay hatak sa kamay ni Ate Winter. Hindi pa sila nakakaalis ay biglang nagsalita si Summer.
"But Kuya—"
"You two need to talk. I think it's about time." pagkasabi nun ni Kuya Rain ay tuluyan na silang umalis. Naiwan kaming dalawa ni Summer dito sa kwarto niya. Hindi pa rin talaga maprocess ng utak ko kung ano ang mga nangyayari.
"K-Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Summer.
"A-Anong sinasabi mo na kukunting panahon na lang ang meron ka? Hindi ko maintindihan eh." I finally managed to speak. Gustong-gusto kong itanong sa kanya yan kaya yan ang unang lumabas sa bibig ko.
"L-Luke, It's none--"
"Just answer the freaking question! Ano ba talaga meron ha? May bagay ba ko na dapat malaman?" hindi ko na napigilan ang pagsigaw sa kanya. Alam ko namang wala siyang balak sabihin sa'kin ang tungkol dito pero gusto ko talagang malaman. She heaved a sigh before answering my question.
"I-I have l-lung cancer." Putol-putol niyang sambit. Napako ang tingin ko sa kanya. Hindi siya nakatingin sakin pero halata kong nalulungkot siya at nasasaktan.
"It's too late when we found out. The doctor said there's no cure in this damn sickness. He even gave me a due date." Nanginginig na ang buong katawan ko. Lahat ng organs ko ay parang nagshut down dahil sa mga naririnig ko.
"K-Kailan daw?" Pumikit muna siya bago sagutin ang tanong ko.
"More than a month. 38 days to be exact." Hindi ko na napigilang umiyak, humagulgol. Hindi ko man lang naisip na nagsusuffer siya sa ganitong uri ng sakit. Ang sakit. Lalo na nang malaman kong malapit niya na kong iwan, literally.
"I-Ito ba ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak sakin noon?" hindi ko na napigilang magtanong. Wala naman kasi akong maalala na pinag-awayan namin o kahit anong dahilan para maghiwalay kami.
"O-Oo."
"Pero bakit?"
"Masasaktan ka lang kapag dumating ang araw na yun. Mas maganda na ngayon pa lang mahiwalay ka na sakin para hindi ka na gaanong masaktan. Kaya please lang, lumayo ka na lang sakin. Para hindi ka na masaktan." sabi niya habang umiiyak. Humahagulgol na din siya katulad ko.
"Bakit tingin mo ba hindi ako nasaktan no'ng iwan mo ko? Naiintindihan ko yung point mo. Pero laging point mo na lang ba yung titignan mo? Paano yung akin? Oo, masasaktan ako. Pero mas masakit yung wala akong alam. Hindi mo lang ba ako bibigyan ng chance para makasama ka kahit sa kahuli-hulihang sandali?" napatingin siya sakin at parang nagulat at nagtataka sa sinabi ko.
"A-Anong sabi mo?" lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.
"Gusto kong makasama ka. Alam kong masasaktan ako kapag nawala ka. Pero mas gusto kong masaktan nang hindi nagreregret dahil nakasama kita hanggang huli kaysa masaktan na nagsisi dahil hindi kita nakasama. Please, Summer. Let me be with you until your last breath." She hesitated at first, not knowing what she'll answer but after awhile, she nodded yes. Mas lalo kaming napahagulgol. Pilit ko mang pigilin ang mga luha ko hindi ko magawa. I kissed her forehead.
"I love you..."
"I love you too.." then I hugged her like there's no tomorrow.
A/N: Please vote or comment po if you like the story. Thank you po ulit for reading this story.
-Mara
![](https://img.wattpad.com/cover/27626663-288-k485151.jpg)
BINABASA MO ANG
The Day You Said Goodnight
Любовные романыWhat does 'good night' really means? Does it mean 'see you tomorrow'? or it simply means 'good bye'?