"Sa Grocery Lang Pala.."

7 0 0
                                    

Pinapakausap ng pamahalaan ang pananatili sa kani kanilang tahanan ang mga mamayan upang maiwasan ang pagkalat ng Noble Coronavirus sa Pilipinas. Maging sa mga pribadong mga kumpanya ay pinapanawagan ng pamahalaan ang "Work from Home" at ang pagtigil pansamantala ng pampublikong transportasyon.

Tahanan..

Bagay na wala ako.

Pinatay ko ang aking telebisyon mula sa aking condo unit. Sanay naman na ako sa pananatili sa bahay mag isa.

"Hello besh!" Tawag ko mula sa telepono sa aking kaibigan.

"Uy besh!--" Waaaah! Uwwaaaah! Rinig ko mula sa kabilang linya na iyak ng sanggol. "Sorry, umiiyak kasi si Baby Athena. Napatawag ka?"

"Ah, w-wala naman. Mangangamusta lang sana. Tawag nalang ako ulit sa susunod besh. Malala na yung iyak ng baby mo e."

"Sorry besh. Ingat palagi!" Sabay putol ng linya.

Lonely.

Sanay na akong mag isa pero iba pa din pala pag na mi miss ko ng umuwe sa tahanan.

Nasa Canada na kasi ang mga magulang maging ang tatlong kapatid ko. Niyayaya nila ako, pero ayoko namang iwan ang trabaho ko dito. Ilang taon din ang ginugol ko marating lang ang posisyon ko na ito, ang maging head ng kumpanya.

Nagugutom na ako kaya dumiretso na ako sa puso ko, ang aking ref. Ngunit tulad ng nararamdaman ko ngayon, wala na din itong laman. Kainis. Pwede naman sigurong magrocery.

Di na ako nagpalit mula sa normal kong pambahay na damit na croptop at shorts.

Mantika
Itlog
Tuna
1/4 Pork
1/2 chicken breast
Toyo
Suka
Patatas
Sibuyas
Bawang
Kamatis
Lemon
Sugar
Kape
Oatmeal
Yogurt
Cookies
Cabbage
Soju
Beer
Popcorn
Sabon
Toothpaste
Lalaki..

"Ay, lalaki!" Gulat kong lintaya nang masubsob ako mula sa dibdib ng isang matanggad na lalaki.

"Sorry Ms.!" Napaangat ako ng tingin sa lalaking may hawak din ng basket. Ay! Pogi!

"O-okay lang. Sorry din!"

"Nagpapanic buying ka?" Puna niya sa cart ko na halos mapuno na pala sa dami ng pinamili ko.

"Hindi. Normal lang tong pamimili ko."

"Ah, kung ganoon ay marami kayo sa bahay?" Di niya mapigilang tanong mula sa kuryosidad.

"Di din, mag isa lang ako. Hilig ko kasing magluto. Hehe." Namumula na siguro ako sa hiya. Sana hindi.

"Buti ka pa. Ako kasi di ko pa nadadagdagan itong pinamili kong oatmeal. Maglalockdown na daw kasi at nagsisimula ng magsara ang mga restaurants at fastfood. Di panaman ako marunong magluto." Puno ng pangamba niyang sabi. Ang cute niya.

"Wala kanamang ubo?"

"Huh? Ah, wala."

"Lagnat?"

"Wala din."

"Sorethroat?"

"Wala din."

"Sure?"

"I've never been sure my entire life. Why did you ask?"

"San ka pala nakatira? Ako kasi sa tabing building lang. I can teach you to cook if you want." Di naman siguro siya serial killer o addict. Saka pogi e. Ayokong may mapabalitang..

Poging lalaki namatay matapos magutom matapos mapag alamang di marunog magluto.

"T-talaga?"

"Yes."

"If you're living at the building next here. We are the same."

"Oh! Good."

"Let's buy na what we'll be needing? Later? Are you good?"

"Sure. I am Fiona by the way. You are?"

"I am Shrek. Hahaha. Kidding. I am Greg."

----------

I know.. sobrang bitin. Haha

Enhanced Quarantine Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon