"UV Express No More?"

5 0 0
                                    

Mira and Ken

"Mira, I need the soft copies of the contract of our client."

"But ma'am we are on locked down here on our city. All public transport were not allowed to operate due to pandemic."

"Well, I can hire someone right now that can replace you to do the task that I needed to be accomplished now."

"I-i'll find a way, please give me 'til afternoon ma'am"

"Good"

Hays. Ang hirap talaga kumita ng pera.

Mabuti nalang nakapamili ako ng face  mask sa bayan bago maglock down nung isang araw.

"Nay! Alis lang po muna ako papuntang opisina. Babalik din po ako agad." Mabilisang paalam ko sa aking nanay na nagluluto sa kusina.

"Naku anak! Wala kang masasakyan sa labas ngayon." Paglipat ng atensyon nila mula sa pagkakaluto sa akin.

"Gagawan ko nalang po ng paraan nay."

"Mag face mask ka saka magdala ng alcohol. Pag di ka nakahanap ng masasakyan, umuwe ka nalang dito sa bahay. Bahala na yang boss mong walang ginawa kundi pahirapan ka. May trabaho naman ang tatay mo anak. Kahit magpahinga ka muna mula sa pagkakatrabaho hanggang sa makakahanap muli ng mas magandang kumpanya. Aba nagsara na ang ibang kumpanya pansamantala para sa kaligtasan ng mga empleyado nila pero yang boss mo, nakoooo." Mahabang lintaya ni nanay.

"Opo nay, uuwe po ako agad pag walang mahanap na masasakyan. Ngunit nay, ayoko namang umasa sa inyo ni tatay lalo na't nakakakita na ako ng pera. Kaya ko pa naman po. Alis na po ako." Sabay mano at alis ng bahay.

Matagal ko ng pinag iisipan mag apply sa ibang kumpanya, ngunit wala pa akong lakas ng loob at tiwala sa sarili na makakayanan ko bang makapasok sa malalaking kumpanyang nung kolehiyo ko pa pinapangarap ng pasukan. Hay.

"Ms. wala ka ng mahahanap ng masasakyang UV ngayon. Hinaharang na ng mga pulis." Puna sakin ni Kuyang Barter ng nakita akong nakatambay sa pilahan ng UV.

"Ganun po ba? Salamat po." Sabay alis at hanap ng ibang masasakyan.

"Kuya! Kuya! Maaari po bang makisakay? Dyan lang po ako sa sunond na barangay." Bulong ng ateng kasama ko kaninang nakapang opisina.

"Sige, papunta din naman ako doon." Pag sang ayon ng Kuyang nagdadrive ng motor.

Sana all.

"Ms. sa Ayala ka din papunta?"

Di ko alam pero ngayon lang ako nakakita ng pogi mula sa 10 days kong naka quarantine sa bahay. Kamukha niya si Cha Eunwoo ng Astro (Korean boy group).

"Ah, Ms.?"

Maygash! Di ko na napansin na napatagal na pala ang titig ko sakanya. Nakakahiya!

"Uhm. Pano niyo nalaman?" Pinipigil ang tono ng pabebe sa aking salita.

"Ah, kasi napansin kong nakapila ka sa UV papuntang Ayala." Sabay kamot ng kanyang batok na tila nahihiya.

"O-oo papunta akong Ayala, kaso wala daw UV sabi ni Kuyang barter na babyahe."

"Ako nga pala si Ken, di ako masamang tao. Ito I.D. ko." Sabay pakita ng company ID niya na nakaaddress sa Ayala. "Gusto mo bang sumabay?"

Nagliwanag ang buong paligid. Kukunin na ata ako ng langit. May anghel kasi na kumakausap sakin.

"Talaga?! Salamat!" Di ko namalayang inabot ko ang kanyang kamay sa tuwa.

"Haha. Tara!" Sumunod ako sakanya papunta sa kanyang magarang sasakyan.

"Uhm. Ako nga pala si Mira. Sorry sa abala a." Paumanhin ko habang nasa byahe.

"Wala yon." Sabay ngiti niya sakin. Sana di ako nagmumukhang kamatis sa pula ng pisngi ko ngayon. Pogi naman niya kasi e.

"May pasok ka kahit may lockdown?" Di ko alam pero ganto talaga ako sa strangers. Pag naiilang ako, pagtatanong o pagsisimula ng topic ang pamamaraan ko para mawala ang awkwardness. Nangangamba kasi akong managutan ng hininga sa sobrang kaba.

"May kukunin lang sa office. Naiwan ko kasi nung kahapon yung files ko. Ikaw?" Sabay lingon niya sakin mula sa pagkakamaneho nang magpula ang traffic light.

"May kukunin ding files saka i scan. Need ng kasi ng boss ko yung docs."

"Pero alam niya bang mahirap makasakay ngayon dahil sa lockdown?"

"Oo, pagkailangan niya ang isang bagay kailangan mong maibigay sakanya yun within the day kung ayaw mong marant at mapag initan buong araw." Malungkot kong lintaya sakanya.

"Hanga ako kasi natya tyagaan mo siya. Gaano ka na katagal sa trabaho mo?"

"Hmmm. 1 year palang, fresh graduate kasi ako. Kailangan ko ng matibay na experience sa trabaho. Para rin naman sa career ko to. Kung walang tyaga, walang nilaga. Haha."

"Ako naman, walang pasensya sa ganyan. Kaya nag open ako ng sarili kong business nang makaipon mula sa pagiging inhinyero."

"Ano ka ba? Di biro ang pag o open ng business. Tama ka naman di dapat forever employee." Di ko na namalayang nagkatinginan na kaming dalawa habang nakangiti.

"Alam mo, never pa kong naging kumportable ng ganito sa di ko kakilala." Kanyang sabi.

"Ako din." Pag segunda ko.

"Pagkatapos mong kumuha ng files. May iba ka pa bang pupuntahan?"

"Wala na." Di ko mapigilang mapangiti.

"Gusto mong magdrive thru tayo mamaya? Treat ko." Lumingon siya sakin sandali mula sa pagmamaneho.

"Pero may files ka din kukunin sa opisina mo diba?"

"Oo, pero sandali lang yun dahil nasa ground floor lang naman yung opisina ko. Kung o-okay lang sa'yo? Babalikan kita sa opisina mo agad." Namumula siya. Haha. Ang cute niyang kabahan.

"Sige!" Single naman ako last time I check. Kanina ko pa nililingon ang kamay niya kung may singsing, wala din. Hay NCOV, may good side ka din pala.

-------------------------

First short story!😊🤞🎉

Sana nagustuhan niyo guys!

Keep safe to all! Praying that we may overcome this pandemic with one heart, one family, one nation. Proud to be a Filipino.

Lovelots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enhanced Quarantine Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon