A dream or a part of the past?

26 3 0
                                    

Ang dilim ng paligid, ang lamig sa aking pakiramdam. Para bang ako'y nasa gitna ng kadiliman na walang katapusan.

Hindi ako makahinga, pakiramdam ko'y may sumasakal sa akin.

"Samara!"

Ayan na naman siya, ang boses ng taong paulit-ulit ko na lang naririnig sa panaginip ko at ayaw akong tigilan.

"Samara!"

"SAMARA! Ano ba?! Please, nagmamakaawa ako sayo, tigilan mo na 'tong kahibangan na ginagawa mo! Nawawala ka na ba sa sarili mo ha?!"

Nakikita ko na naman siya, isang babae na nakatali sa isang bangkuan, nakatakip ang mga mata at napapaliguan ng dugo, hindi maipinta ang kaniya mukha dahil sa sakit na dinaranas niya.

Gustong-gusto ko siyang tulungan, pero bakit hindi ko magawa? Para bang may kung ano na humihila sa akin palayo sa kaniya tuwing susubukan kong lapitan siya.

"Wait! Please? Sino ka ba talaga ha? Anong connection ko sayo? Bakit palagi ka na lang lumilitaw sa mga panaginip ko?" Tanong ko sa babae na nasa panaginip ko.

Hindi ko alam kung ano yung mararamdam ko sa oras na yun, halu-halong mga emosiyon ang nararamdaman ng dibdib ko.

"SAMARA!" Sigaw ulit ng babae.

"Wait! Please! Sagutin mo naman yung tanong ko! Sino ka ba talaga?"

Sinubukan ko siyang lapitan ulit. Pero bigla na lang siyang naglaho ulit, I wonder who that person is? Bakit palagi na lang siyang lumilitaw sa panaginip ko, pero hindi ko man lamang nakita ang kaniyang mukha..

...

*kring kring*

"Ugh, what time is it?"

*sigh*

"It's 7:00 am, do I have classes today?"

I quickly looked at my phone and checked the date, today is Monday.

I have to get ready and my classes starts at 8:00 am.

Umupo muna ako sa gilid ng aking kama, bigla kong naramdaman ang luha na tumutulo mula sa aking mata..

Why?

Sa tuwing gigising ako ay umiiyak ako? I don't even understand, ugh. Hindi ko din maalala kung bakit ako umiiyak every morning. Hindi ko alam pero bakit ang sakit-sakit ng dibdib ko? Parang may mali..

..

My name is Samantha Rae Montefalco, an 18 year old Senior Highschool student.

Ako ang nag-iisang anak ng mga Montefalco, isa sa mga pinakamayamang pamilya sa buong kontinente ng Asia. Ang pamilya ko ang nagma-manage ng Montefalco Corporation, sila ang may hawak ng lahat ng mga 5 star na resorts at airlines sa Pilipinas.

Madalas nila akong tawagin bilang isang prinsesa na nabubuhay sa modernong panahon, nasa akin na nga daw ang lahat.

Marangyang pamumuhay, malawak na mga connections ng aking mga magulang, higit sa lahat, respeto mula sa maraming tao dahil sa estado ng aking buhay.

Ngunit para sa akin, hindi mahalaga ang mga materyal na bagay. Sapagkat tila ba may kulang pa rin sa akin..

Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa labas ng aking pintuan.

"Goodmorning po Ma'am Samantha, nakahanda na po ang lahat. Pinapatawag po kayo ni Sir Kyle."

Si Yaya Menchie, isa sa mga kasambahay na naninilbihan sa aking pamilya simula noong ako'y isa pa lamang na batang paslit.

My Other SelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon