Samara's POV
Simula noong bata pa lang ako, masasabi ko na ang kakambal ko na si Ate Samantha ang pinakamalapit na tao sa puso ko. Ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan at masasandalan ko.
Hindi kami mapaghiwalay, palagi kami magkasama at palaging nagkakasundo sa ano mang bagay.
Gusto ko palagi akong nasa tabi ni Ate Samantha, most of my relatives used to say that para akong anino ni Ate Samantha, palaging nakasunod sa kaniya kung saan man siya magpunta.
But from my own perspective, masaya na ako dun. As long as kasama ko si Ate Samantha, makakaya ko ang lahat.
Hindi namin naranasan na mag-aral kasama ang iba pang mga bata na kasing edad namin ni Ate Sam, why? My Mom and Dad thinks that Ate Sam has a great potential kaya mas pinili nila na mag-home schooled na lang daw si Ate para mas lalo pa siyang matutukan at mag-excel. Masiyado silang overprotective kay Ate Sam kumpara sa akin na bunsong anak.
Wala din namang nagawa sila Mom at Dad kundi ikuha din ako ng sarili kong tutor at mag-home schooled na lang, since sa tingin nila ay kulang pa ang mga efforts na ginagawa when it comes to my studies at kailangan ko daw mapantayan ang galing ni Ate.
(Flashback)
*10 years ago*
"Ate Shammy! Laro tayo? Hehe."
"Sige ba, pero saglit lang ha? Papagalitan ako ni Mommy at Daddy kapag nalaman nila na tumakas ako sa tutor ko para lang maglaro."
"Ako din naman Ate hehe. Tumakas lang din ako sa tutor ko ngayon. Saan pala tayo maglalaro ngayon Ate ha?" Masayang-masaya kong pagtatanong kay Ate Samantha.
"Uhm, ay alam ko na! Tarang pumunta sa playground today! Saka nagpromise din ako kay Mari at Hana na makikipaglaro ako sa kanila today." Sabi ni Ate Samantha.
Tuwing hapon ay palihim kaming tumatakas ni Ate Sam para maglaro sa playground sa labas ng subdivision na tinitirahan namin. Sa oras na makahanap kami ni Ate ng tamang pagkakataon para makaalis, tatakasan naming dalawa sa mga tutors namin.
"Shh! Wag kang maingay Samara, baka marining tayo nila Manong Austin at isumbong tayo kay Mommy at Daddy na tumatakas tayo." Bulong ni Ate Sam habang dahan-dahang binubuksan ang pintuan palabas ng bahay namin.
"Hehe sorry Ate Shammy, excited lang ako at makakapaglaro tayo ulit dalawa sa labas."
Nang mabuksan ni Ate Sam ang pinto ay dali-dali kaming lumabas at tumakbo papuntang playground.
Pagdating namin ni Ate Sam, may dalawang bata na nakaupo sa swing at kumakaway kay Ate Sam.
"Mari! Hana!"
Masayang-masaya si Ate Sam habang kumakaway pabalik sa dalawang batang babae na halos kasing edad namin.
"Ate? Sino sila?" Pabulong ko na pagtatanong kay Ate Sam.
"Oh? Samara, I would like you to meet Mari and Hana. They are both my friends since kindergarten." Pagpapakilala ni Ate Sam sa dalawa.
"Hey, I am Mari Kristein." Bati ni Mari sa akin.
"HENLOO! My name is Hanako Francheska Villareal, I am 8 years old." Masayang pagpapakilala ni Hana sa akin.
"Ugh, hindi niya tinatanong kung ilang taon ka na Hana. And please refrain from shouting, ang sakit mo sa eardrums." Saway ni Mari habang iniirapan si Hana.
BINABASA MO ANG
My Other Self
Misterio / Suspenso"She's a real monster and she's ready to take anything and everything you have." This story is a work of fiction. Any resemblance to the names, characters, events, businesses, and places are purely fictional and is a product of the Author's imaginat...