Kabanata I

34 2 0
                                    

Nagmamadaling maglakad ang isang babae upang hindi masisante. Ayaw ng kaniyang amo na nahuhuli ang kaniyang utusan, nais nitong sa takdang oras na kaniyang isinabi ay naroon na siya.

Tagaktak ang pawis niya patungo sa lugar kung saan naroon ito ngayon. Ang kaniyang amo ay nasa isang 5 star hotel malapit lang sa bahay nito. Hawak-hawak niya ang isang kulungan na kung tatanstahin ay kasing laki ng isang baunan ng pagkain ngunit kakaiba ito, mayroon itong kandado na ang kaniyang amo lamang ang nakakabukas, mayroon rin itong transparent na salamin kung kaya't kitang kita mo kung ano ang nasa loob.

Nang makarating siya rito ay nagtanong muna siya sa receptionist. "Miss, room 109 please." Iniabot niya ang isang card na pinapagamit sa kaniya ng kaniyang amo.

"Second floor ma'am." Nginitian na lamang niya ito ng pilit dahil sa haba ng oras na inilaan nito sa pagscan sa card na kaniyang iniabot.

Mabilis niyang itinahak ang second floor. Nang makarating siya at mahanap ang kuwarto ay napangiti na lamang siya sa kabila ng pagod.

Kakatok pa lamang siya ngunit bumukas na ito at bumungad sa kaniya ang galit na mukha ng kaniyang amo. "Ma'am Sariah! P-Pasensya na p-po nagkaroon p-po k-kasi n-ng traffic-"

"Cut that off! You're fired, here's your advance payment." Inis na ibinigay ni Sariah ang pera at hinablot sa kaniyang alalay ang kulungan. Sinaraduhan niya na ito ng pinto dahil sa inis.

Naisip niyang kumuha na lang ng bagong alalay ngunit naalala niya ang mga dating naging kaniyang utusan. Ang iba ay naglulupasay, ang iba ay nahihimatay, ang iba ay sobrang exaggerated dahil pati problema nila sa kanilang buhay ay idinadamay kapag kaniyang pinaaalis ang mga ito."Errr! I hate them!"

Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa palaka. Patalon-talon ito na nakapukaw sa kaniyang pansin. Ang kaniyang hawak na kulungan ay kaniya nang binuksan walang kaarte-arte niyang dinampot ang patalon-talong palaka at marahas itong ipinasok sa kulungan. Agad niya itong isinara at ikinandado na ang susi ay siya lamang ang nakakakita at nakakaalam.

Napadako ang kaniyang tingin sa kaniyang kuko. "My ghod! My nails are so iw na! I'm going to the salon later." Sabi niya at marahang inilagay ang kulungan sa kaniyang gucci bag.

Lumabas na siya ng kuwarto at mataray na naglakad patungong elevator. Napangiti na lamang siya ng bumukas agad ito at siya lamang ang tao.

Mabilis siyang nakababa ngunit hindi ata siya nainform na marami pala siyang taga hanga dito. Lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya.

Nakasuot siya ngayon ng black turtle neck short dress fitted na nagpapakita ng magandang hubog ng kaniyang katawan. High heels also from gucci at summer hat na kulay itim. Ang kaniyang mga mata naman ay natatakpan ng sunglasses na kung saan ay galing sa Chanel naman.

Bawat hakbang niya ay tumutunog na nakakapagbigay pansin sa kaniyang kagandahan. Ang bawat taong kaniyang na dadaanan ay napapanganga at naiistatwa. She smirked and gave them her killer smile.

Lumabas na siya sa hotel at tinawagan ang kaniyang driver. "Manong, Laveigns hotel. Right now!" Ibababa na niya sana ang linya ngunit nagtanong muli ito.

"Ano pong gagawin?" Napamura siya ng magtanong ito. Marami na rin siyang napalitang drivers kaya naman ayaw na niyang humanap pa ng iba dahil tinatamad na siya. Huminga siya ng malalim para iwasang magalit.

"Come here now." Mahinahon ngunit maawtoridad ito.

"Ngayon po?" Napataas ang kaniyang kilay sa tanong ng kaniyang kausap. Isang-isang na lang at masisisante niya na ito.

"Ay hindi baka bukas pa kasi sinabi ko now." Pinigilan niya ang kaniyang galit ngunit nang magsalita muli ito ay hindi na niya nakayanan pa. "Ah sige po ma'am. Bukas po ng anong oras?" 'Putangina' bulong niya sa kaniyang isip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked Witch (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon