alas kwatro na ng hapon pero nandito pa din ako sa loob ng coffee shop na pag mamay ari ng pinsan ko.
Maraming tao ngayon sa loob at karamihan ay mga mag jowa. May mga estudyante din na nagpapalipas ng oras kasama ang mga kaibigan nila.
Naalala ko tuloy mga kaibigan ko noong senior high. Ganito din kami noon laging tumatambay sa coffee shop o kaya sa park na malapit sa subdivision namin. Para samahan ako na sundan yung crush ko.
Napa buntong hininga na lang ako ng Maalala ko na naman ang taong yun.
Tumayo na ako dahil alam kong may mga tao pa na pupunta dito sa loob.
Ba't ba parang may pag-asa?
Klarong wala
Kaso bakaMalay mo, tayo sa dulo
Napatigil ako ng biglang nilakasan nila ang volume ng kanta.
Bakit ito pa yung pinapatugtog nila?
Hindi naman ito yung kaninang kanta na pinatutugtog.Binilisan ko na lang ang paglalakad para makalabas na at hindi ko na marinig ang kantang yon. Pinapaalala ng kantang yun ang mga katangahan na ginawa ko noon.
Binuksan ko ang glass door ng coffee shop saka lumabas. Napatingin ako sa kotseng bagong tigil sa harapan ko at lumabas ang taong matagal ko ng ayaw makita
si Anton.
BINABASA MO ANG
Chasing Anton Markus (TOTGA Series #1)
General FictionKung may laban siguro sa patigasan ng ulo, si Aurelia Hope Alfonso na ang panalo. Ilang beses ba naman siyang na reject, iniwasan at sinabihan na itigil na niya ang kahibangan sa pag papantasya sa isang college student na si Anton Markus Marques. Na...