Kabanata 1

26 2 1
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi  sa amin, kung  hindi siguro ako bumili ng buko juice eh di sana may pamasahe ako pauwi. Eh di sana makakasabay ko pa pauwi yung crush ko.

Madalas ko kasing nakakasabay  umuwi yung crush ko dahil parehas lang ng daan yung bahay namin.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang inis. Kasalanan ko din naman kasi, bakit kasi mas inuna ko pa yung uhaw  ko kesa sa pamasahe. Nagpapadyak ako sa inis at may nasipa  akong bato na tumama naman  sa mukha ko.

Shit ang sakit! sa pimple ko pa ata sa noo natamaan huhu

Lumapit ako sa kotse  na naka park at nagsalamin sa may side mirror ng driver.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at hinawakan ang isang pimple na tumubo  mismo sa gitna  ng noo ko.

Sabi ko na nga natamaan ang pimple ko, napisa na kasi. Buti nga sayo hmp!

Maliligo ako mamaya pagkauwi. May nakita  akong natanggal na pilik mata sa ilalim ng mata ko akmang kukunin ko na yon ng biglang bumukas  ang bintana  ng kotse. Kaya nagulat ako, hindi ko na tiningnan kung sinong tao yon dahil tumakbo na ko papalayo don.

Owemji nakakahiya baka nakita pa niya mukha ko. Malamang nakita  niya mukha ko ilang minuto  din akong nakaharap  sa side mirror ng kotse niya.

Tumigil ako sa pagtakbo ng makapasok na ako sa Carolina subdivision.  Nagtaka nga sa akin yung gwardya ng subdivision dahil tumatakbo ako papasok.

Huminga ako ng malalim saka umupo muna sa may swing ng park. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras  na.

4:59 pm

Okay isang minuto na lang makikita ko na siya---

napatayo ako sa swing at nagtatalon  sa kilig ng makita ko  si Anton na lumabas ng kotse  nila. Teka ginamit pala niya yung kotse.

Pigil na pigil ang irit  ko dahil baka makita niya ako at paalisin  na naman. As if naman na mapa alis niya ako dito eh di naman sa kanya ang park na to.

Lumabas siya  sa  kotse at may sumunod naman na lumabas na babaeng mahaba ang buhok na gaya sa akin at maputi. Sus hindi naman maganda

Ngumiti sila  sa isa't isa at saka pumasok sa loob ng bahay.

Aba't  nag ngitian pa ang dalawa. Mapunit  sana mga labi  niyo sa pag ngiti.

Kinuha ko na ang bag ko saka nag martsang paalis, nawalan na ako ng gana tumambay  sa harap ng bahay nila.



Naka simangot akong pumasok sa loob ng bahay. Nakakainis talaga ang araw na to

"  bat mukha kang pagod na pagod ?" Tanong sa akin ni mommy

Nag mano naman ako at nag kiss sa kanya ganon din ang ginawa ko nung biglang sumulpot si daddy

" naglakad ka  na naman siguro no" natatawang pahayag  ni daddy

" nakita ko kanina mommy si ate na tumatakbo tapos tumambay na naman sa harap ng bahay nila kuya Anton " napatingin naman ako sa bagong pasok  ng pinto

Bwisit naman tong kapatid ko.
Napatingin sila sa akin at saka kinurot ako sa  tagiliran ko

"Aray ko mommy! " hawak hawak ko ngayon ang tagiliran ko kung saan kinurot ni mommy huhu ang sakit

" umayos ka  Aurelia Hope! hindi ka namin pinalaki para maghabol lang sa isang lalaki. " inis na wika  ni mommy, nang  dila naman yung kapatid ko kaya inirapan ko na lang. Bwisit tong bubwit na to

" Hindi ko naman po siya  hinahabol dahil hindi naman po kami naglalaro ng habol habulan " sagot ko naman kaya nakurot na naman ako sa tagiliran

" tumigil ka, umakyat ka  na sa kwarto  mo at magpahinga pagkatapos ay maligo  ka na at Bumaba  dito. Magluluto na ako ng pang gabihan natin" umalis na din sa harap ko si mommy at pumunta sa kusina  si daddy naman ay andon na sa sala at nanunuod ng TV

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Anton Markus (TOTGA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon