Chapter 2 'The Dark Prince '
MAINGAY na tunog ng mga boses ang nagpagising sa akin. My vision became blurry dahil sa bigla kong pagmulat. I closed my eyes again.
Inalala ko ang nangyari. Nawalan ako ng malay sa may bukana ng gubat. I can only remember their voices. Gumising ka, binibini.
Nang masanay na ang mata ko’y dahan dahan akong napabangon. I cursed when I felt my body ache .
Agad akong napatingin sa sugat ko sa balikat , nakabalot na ito ng benda.
“Gising na siya! Tawagin niyo ang mahal na prinsipe.”
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. I’m inside a tent lying on a bed made of chops of wood.
I can hear the faint sound of people’s voices outside. May nakikita rin akong parang usok mula sa bonfire.
“Nasaan ako? ”tanong ko sa lalaking nakaputing balabal, hula ko’y isa itong manggagamot. Dahan dahan akong umupo sa kinahihigaan.
Nanlaki ang mata nito. Before he could utter a word, he was cut by a deep baritone voice. “Ako na ang bahala rito, makakaalis na kayo. Maraming salamat.”
Agad na umalis ang lalaking nakaputing balabal at ang mga kasama nito. Napabaling ang tingin ko sa lalaking tinawag nilang prinsipe.
“Sino ka at bakit mo ako tinulungan?”
He pulled a chair and sat in front of me. Mataman ako nitong tinitigan.“We are from the kingdom of the north. We found you on the road unconscious and you’ve been asleep for a day now. Can you remember what happened?”
Napatulala ako. Kung ganoon natagpuan nila ako sa may daan at nagmagandang loob. Napakurap ako nang may mapagtanto.
“M-mag-isa niyo lang ba akong nakita?”
Doon ko lang siya napagtuonan ng pansin nang bahagya siyang lumapit sa akin. Unang nakaagaw ng atensyon ko ay mga mata niya. He has a set of dark blue eyes.
“You’re village was attacked by monsters. Mag-isa ka namin nakita sa daan pero nakita namin ang bakas ng iyong mga kasamahan. Marami sa kanila ang nakaligtas.”
My eyes watered. Relieved. Lihim akong nagpasalamat. Sana nasa maayos na kalagayan si Macy, ganoon din si Yno. Umiwas siya ng tingin.
“Salamat sa pagtulong,” I whispered, wiping the tears that rolled on my cheek.“We are travelling to the kingdom of Balfour I believe survivors from your village are also headed there.” His deep blue eyes turned to me.
Kung ganoon makarating ako sa lugar na tinutukoy niya kung sasama ako sa hukbo nila.
“Maari ba akong sumama sa inyong paglalakbay?”napayuko ako.
Hindi ito umimik kaya nag-angat ako ng tingin.He pursed his lips“Magpagaling ka. We will go first thing in the morning,”anito bago tuluyang tumalikod.
“Nelda” Isang matabang babae ang biglang pumasok., yumuko ito sa prinsipe.
“Ikaw na ang bahala.”, umalis na ito.
Lumapit sa akin ang matabang babae. Bilugan ang mata nito at kulot ang buhok.
“Ako si Nelda, tagapagluto ako rito. Kaya mo na bang tumayo?”inalalayan ako nito.
Tumango ako. “Salamat.”
Tinulungan niya akong magbihis.
“Anong pangalan mo, iha?”
BINABASA MO ANG
While Embers Fall
Fantasy*** Credits to Milky Graphics Shop for the nice book cover