Chapter 1 'The Attack'
ISANG kumpas ng espada ang nagpaatras sa akin. I tightened my grip on my sword. Naramdaman ko ang pamumuo ng maliliit na butil ng pawis sa aking noo.
Pumagaspas ang mga dahon sa paligid. I almost shivered as the wind blew.
Napatingin ako kay Yno na nakatayo sa harapan ko.There is a glint in his eyes that I cannot figure out if amusement or arrogance.Iwinasiwas nito ang espada na siyang muli rin nagpaatras sa akin.
Huminga ako ng malalim.Bigla kong naalala kung bakit kailangan kong magsanay sa gubat. I was left behind. Lahat sila malalakas, kahit ang mga babae na kaedad ko. Ako lang ang mahina.
“Tatayo ka na lang ba riyan?”malamig nitong saad.
Napakurap ako at mas hinigpitan ang hawak sa espada. Yno is my mentor. Lahat ng babae sa nayon ay may naatasang tagapagsanay at siya ang naipares sa akin.
Nais ng mga nakakatanda sa ihiwalay kami sa iba, agad kong inisip na ang dahilan noon ay ang pagiging mahina ko. At kaya rin siguro malamig ang tungo ni Yno sa akin. Hindi niya nais maihiwalay sa ibang kasama.
“Ano?”inip nitong saad.
“Pa-pasensya na.”
Muling umihip ang hangin. Kinuha ko iyon bilang pagkakataon at mabilis na sumugod sa kanya. I glided my sword kasabay ng pagwasiwas nito sa ere. He was stunned but he immediately dodged my sword with his.
Isang kumpas. Huli na ang lahat nang makita ko ang muli niyang pag-atake. His sword reached my bare shoulders. Napaluhod ako sa lupa. Napahawak ako sa balikat ko, there's blood. I whimpered in pain.
Narinig ko na lang ang pagbagsak ng espada sa lupa. I felt his hands on my shoulders. Nagtama ang paningin namin. I saw worry in his eyes pero agad din iyong bumalik sa malamig niyang titig. Ilang saglit niyang tiningnan ang balikat ko. Bigla siyang lumayo at tumalikod.
“Daplis lang iyan. Tumayo ka.”
Tumango ako at pilit na tumayo kahit naluluha na sa sakit. Naalala ko ang sugat ng mga kasama. This is nothing compared to their's. Pero masakit pa rin talaga. Napatitig ako sa nakatalikod na si Yno. Malakas si Yno, kumpara sa akin. Kung hindi dahil sa akin mataas na sana ang ranggo nito sa pagsasanay. I am really dragging him down. I suddenly felt the urge to apologize.
“Pasensya na kung nadamay ka pang magsanay sa gubat dahil sa akin,” nanginginig kong turan habang iniinda ang sakit.
Hindi siya umimik. Narinig ko na lang mabibilis na yapak nito paalis.
“Talaga? Iyon lang ang sinabi niya matapos ka niya tamaan? Ni hindi ka man lang tinulungan makabalik?”di makapaniwalang saad ni Macy habang tinitingnan ang nakabenda ko nang sugat sa balikat.
“Naiintindihan ko naman , kasalanan ko kasi mabagal akong kumilos. Kung nakailag ako sana hindi ako natamaan”
Nakislot ako ng diinan nito ang paghawak. “A-aray”
“Pero sana tinulungan ka man lang niya! O di kaya he atleast apologized not the other way around!"
Matapos sabihin ng tagapaggamot na maayos na ang sugat ko ay umalis na kami. Magaling ang pagpapangasiwa sa nayon, palaging may mga tagapaggamot sa oras na may masaktan sa mga pagsasanay.
"Sabihin mo lang kung inaapi ka ng Yno na iyan, ako ang haharap sa kanya!" , seryoso nitong saad. I just smiled.
Our village is far from the kingdoms, both west and east. Napagigitnaan ang nayon ng mga kabundukan.
The people that once ruled this village was attacked by monsters , many died. And those who are left behind believe that we can protect ourselves from monsters if we learn how to fight. We can survive.
BINABASA MO ANG
While Embers Fall
Fantasy*** Credits to Milky Graphics Shop for the nice book cover