Entry 3

4.9K 76 7
                                    

Liona's POV

Pagpasok pa lang ng restaurant ay agad na nagsilingunan ang ibang customer sa aming dalawa ni Kuya.

Sino bang hindi? Napangisi ako sa loob ko pero pinanatili lang ang blankong tingin sa naga-assist sa amin na sobra kung makatitig sa Kuya ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at kumunyapit sa braso ni Kuya.

"Reservation under Lex Fontanilla's name. Quit staring and just guide us on our table." mataray kong wika sa kanya kaya parang nahihiya siyang nagpatiuna.

"Stop being so rude, Liona." sita ni Kuya Lex pero tinaasan ko lang din siya ng kilay.

"Oops sorry, hindi ko naman alam na gusto mo pala lumandi." bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya at nagmamadaling lumapit sa table kung saan nakaupo sila Tita Lara.

"Hi, Tita! Sorry, we're late! Medyo na-traffic lang." lumapit ako sa kanya at nakipag-beso.

"Oh my gosh, anak! You look so gorgeous!" masiglang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you po!" sabi ko sa kanya at umupo na. Nakita ko doon sa tabi niya si Tito Frank kaya agad ko din siyang binati.

"You don't know how much I missed you, Tita Lara. By the way, where's Kuya Lay? I haven't seen him for years."

"Don't even bother to look for him. Ang batang iyon! Hindi namin alam kung saang lupalop nag-suot at hindi man lang nagpaparamdam." napailing pa si Tita Lara at bumaling kay Kuya Lex.

"Lex! You're such a fine man! Naku, kung magkakaroon man ako ng manugang, ikaw talaga ang pinaka-perfect fit." masiglang wika ni Tita kaya napatawa ako.

"Tita! Hindi naman po ata sila bagay ni Kuya Lay!" tumawa pa ako kaya natawa na din ang matanda.

Nang lingunin ko si Kuya Lex ay nakakunot lang ang noo niya sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"What? Type mo ba si Kuya Lay at parang masama pa ang loob mo diyan?" pang-aasar ko sa kanya pero inilingan niya lang ako at tinignan sila Tito at Tita.

"How's life in France po? It's been a while since we last saw you."

"We're good, hijo. Naasikaso na namin ang mga dapat. We are just really hoping that everything will be alright and safe." makahulugan niyang wika.

Hindi ko sila maintindihan at paniguradong tungkol na naman iyan sa business. Napakibit balikat na lang at nagsimula ng kumain nang dumating ang mga order.

Masaya lang kaming nagkwe-kwentuhan hanggang matapos ang dinner.

"Sa paano, we have to go na since we still have a flight to catch up tomorrow. I missed you so much, Liona. I just really hope I could see you again soon." niyakap ako ni Tita ng mahigpit pati na din si Tito.

"Please keep safe, little lady." sabi ni Tito kaya napangiti ako.

"Of course po. Ingat din po kayo."

"Lex, drive safely okay? Ikaw na ang bahala kay Liona."

"Yes po, ingat din po kayo." sabi ni Kuya at inalalayan na ako papasok ng kotse.

"I'll be going to Switzerland next month and our parents want you to come with me. Wala silang tiwala na iiwan ka mag-isa dito sa Pilipinas."

"It's fine with me. Sem break naman na that time pero hanggang kailan ba tayo doon?" tanong ko sa kanya habang naglalaro sa cellphone ko.

"Maybe a month or two. I don't know. I need to check on our business since nagkakaproblema doon." balewalang sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.

"What?! Are you kidding me?! 1 month lang ang sem break and I still need to enroll!" sigaw ko sa kanya kaya agad niya akong sinita.

"Can you please lower down your voice? Napakaingay mo. You don't have any choice. Ayokong maiwan ka dito sa Pilipinas ng wala kang kasama. I'll handle all the papers and documents so you don't have anything to worry about." prenteng sagot niya kaya napanguso ako.

"I can't leave Everleigh alone! Mag-isa na lang siya sa buhay and wala siyang mahihingian ng tulong kapag nawala ako ng matagal."

"We can find another way to help her." maikling sagot niya.

"I have an idea! Why don't you ask for Kuya Poseidon's help? Hindi ba at kailangan niya ng assistant sa mga taping? You can recommend Everleigh since Film Production naman ang course namin. She can help a lot!"

Napangisi siya at tumingin sa akin.

"I know you well, Liona. Binubugaw mo masyado ang kaibigan mo. You don't know how ruthless and dangerous Poseidon can be." umiling-iling pa siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Shut up! I am doing this for her own sake! Matagal niya ng gusto si Kuya Poseidon and I want her to have a better love life and career 'no! If you don't like talaga to help me, don't expect me to come with you." busangot kong wika at naglaro na lang sa cellphone ko.

Narinig kong napabuntong hininga siya kaya pinigilan ko ang mapangiti.

"Fine! I'll do you a favor as long as you will not insist on staying here alone." sabi niya kaya agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Thanks, Kuya! Kaya love na love talaga kita eh!" malawak akong ngumiti sa kanya.

Napansin ko ang pagpula ng tenga niya kaya sinundot ko ang tagiliran niya.

"Yieee! Ikaw ha! Nahihiya ka masyado sa akin! Ganda ko kasi eh!" pang-aasar ko sa kanya.

Ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib ko at ramdam ko na parang tumigil ang mundo ko noong lingunin niya ako at ngisian.

"Gwapo ko din eh." ngisi niya at halos gusto ko na siyang sakalin sa inis.

Pasimple kong pinigilan ang mapasinghap dahil sa nararamdaman ko. Jusko! For all sake! He's my brother!

Agad ko siyang itinulak at nagpatuloy na lang sa paglalaro kahit ramdam ko pa din ang pagtibok ng puso ko ng mabilis.

"Wala kang kwenta kausap. Just keep your promise and everything will happen the way you want it." pagtataray ko para matago ang nararamdaman ko.

Nang makarating kami sa bahay ay mabilis akong pumasok sa bahay at pumanhik sa kwarto ko.

Napahawak ako ng mahigpit sa tapat ng dibdib ko at napapikit ng mariin.

"Liona! Mali 'to! This is totally incest and that's gross! Wake up, girl! Wake up!" sinampal ko pa ang sarili ko bago sumalampak sa carpet ko at tumitig sa kisame.

I should really stop this before it's too late. Ayokong gumawa ng pagkakamali na alam kong pagsisisihan ko lang din naman sa huli. I don't wanna cause ruckus in this family. I don't wanna disappoint them for being a complete sinner.

No. It can't be.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lascivious Series #8: Forbidden Chase (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon