Sayaw

21 0 0
                                    

     Alam ko. Oo alam na alam ko kung ano ung pakiramdam ng masaktan. Yung pakiramdam na bigla ka na lang maiiyak ng walang dahilan. Yung kakain ka pero hindi dahil sa gutom ka, pero dahil kailangan.

   Yung tuwing makakarinig ka ng kantang nakakalungkot bigla kang may maaalala. Yung bigla ka na lang matutulala tapos hindi mo mamamalayan lumuluha ka na pala.

    Yung hindi mo maikwento sa iba ung nararamdaman mo dahil ayaw mong mahusgahan ka nila. Na baka himbis na simpatya ang makuha mo, masasabihan ka nilang "ayan kasi ang laki mong tanga". Pero huwag kang mag alala hindi ka naman nag iisa, madami sila. Madami silang nagmamahal at nagpapakatanga.
Simulan natin ang storya ko, ako si Fria isang call center agent. Kagaya ng nakararami, naranasan ko ding umibig at masaktan. Pero okay lang sasahod naman ako ng dalawang beses sa isang buwan. Kinsenas at katapusan. Yung pag ibig andiyan lang, hindi mo mamamalayan madadapa ka na lang sa taong hindi mo inaasahan.

    Bago lang ako sa trabaho ko wala pang isang buwan. Isang umaga tumunog ang aking telepono. May nagtext galing sa isang numero na hindi nakasave sa phonebook ko. "Parang kilala ko ang number na to"
Text: "Kamusta ka na? Pwede ba tayong magkita? Miss na kita."
Bigla akong natulala at nagflashback sakin lahat.

(6 years ago)

   Unang araw ng pasukan, ang bigat ng daloy ng trapiko. Hays late agad ako. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa classroom, naririnig kong nagsisimula na ang klase. Pero since first day, tingin ko hindi pa naglelecture si teacher. Sumilip ako sa classroom at nakita ako ng adviser namin, "Pumasok ka na at sumali ka sa Activity, dun ka kanila Mary". Biglang lumuwag ang aking paghinga at nawala ang kaba sa dibdib ko na baka mapagalitan ako ni teacher sa unang araw ng klase. Habang naglalakad papasok, napatitig ako sa isang taong familiar sakin pero sigurado ako na hindi naman namin kaklase last school year. Nakatingin din sya sakin habang papalapit ako sa uupuan ko katabi ng inuupuan nya. Groupings ang activity at dun ako pinaupo sa grupo ng taong familiar sakin.

Tama! Naaalala ko na. Second year high school ako noon at third year high school naman siya. Nagtapos ako ng 2nd year pero bakit ngaung 3rd year na ako ay kaklase ko siya? Tanong ko sa aking sarili. Nakatitig pa rin siya sakin. Nakakailang pero hindi ako nagpapahalata. Sa totoo lang, siya iyong tipo kong lalaki, hindi naman siya kagwapuhan, moreno, malaki ang mata, payat at sa totoo lang at hindi sa panglalait mukha siyang iguana. (yun din kasi ang pang asar sa kanya ng mga kaklase namin) tapos mahilig pa siyang magsuot ng kulay green. Pero higit sa lahat siya ay tahimik, mysterious type at mabait.
  

   Rodel pala ang pangalan ng bago naming kaklase. Tumigil sya sa pag aaral nung 3rd year sya dahil nagkasakit, kaya ngayon ay magkaklase kami. Lumipas ang mga araw naging magclose at nakakapag usap kami sa text. Sa totoo lang madami ang may gusto sa kanya. Ilan sa kanila ay kaibigan ko pa. Hindi man nila aminin, pero halata naman sa kanila.

 
   
Nagdaan ang mga araw, linggo, at buwan. Ang bilis lang ng panahon simula ng araw na magkakilala kami. Noong una hindi ko pinapansin pero ng lumaon ay parang may kakaibang feeling ka na lang na mararamdaman. Unti unti ka na pa lang naiinlove. Yung tipong palagi kayong mag kausap sa text tapos hindi mo namamalayan inlove ka na pala sa kanya. Hanggang sa dumating yung point na marerealized mo na talaga na "Shocks inlove na talaga ako sa kanya".

     JS Prom, pinakaaabangan ng mga junior and senior students. Kinakabahan ako dahil gusto ko siya ang makapareho ko. Pero siyempre ayokong ipahalata. Isang araw nagkausap kami sa text. "Malapit na ang JS natin ah", sabe niya. "oo nga, pero ibig sabihin nun malapit na din ang end of school year, nakakalungkot matatapos na naman ang taon", sabe ko. "ok lang yun, since private school itong pinapasukin natin at dalawa lang ang section siguradong magkaklase pa din tayo next year" ika nya. "sabagay, tama ka naman jan." sabe ko. "teka, may partnet ka na ba sa JS prom?" tanong niya. Nagulat ako, hindi ko alam kung ano ung kuryenteng naramdaman ko sa katawan ko nung tinanung nya ako. Parang nabaliw ako ng ilang segundo. Dalidali akong nagreply ng "wala pa." "Gusto mo tayo na lang ang partner kung sakali?"reply nya. "oo ba, mukhang maganda yan ah"mabilis na tugon ko.

The Perfect BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon