Chapter 7

252 6 0
                                    

Chapter 7

Papasok o hindi?...

Papasok o hindi?...

Papasok o hindi?...

Aish! Papasok na nga lang! Nakakainip naman kung maghinhintay lang ako dito sa labas. Medyo mabigat pa naman ang dala ko.

"..Ay gwapo!" pipindutin ko na sana ang doorbell kaso biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang napakagwapong nilalang na si Tyler.

Ang ganda naman ng araw ko kagwapuhan agad ang bumungad sa akin. Pwede ganito na lang palagi ang simula ng araw ko? Yung paggising mo babatiin ka ng kagwapuhan niya. Esss haha

Ay enough imagination let's go with reality.

"Ay ano..hihi hello." bati ko sa kanya.

Nasabi ko bang ang gwapo lang niya? Oo, umagang umaga nambubulabog ako. Eh sa gusto ko siyang makita este pasalamatan pala. HOHO.

"What are you doing here?" Ay umagang-umaga pokerface agad ang salubong? Wala man lang ba 'good morning'?

Di bale ako na lang ang babati with matching nakakasilaw kong ngiti!

"Good morning!" sabi ko sa inyo eh, may ngiti akong pahabol. Di porke't maldita ako ay hindi ako marunong ngumiti nu.

Madalas kaya akong ngumiti at tumawa lalo na pag may couples na nagaaway at nagb-break. Nakakagaan sa damdamin.

Sabihin na nating medyo may pagka-sadista akong klase ng babae.

"Umm..dinalhan pala kita ng cheese cake." sabi ko sabay pakita sa kanya ng ginawa kong cheese cake. Halos masubsob ko na sa mukha niya ang cheese cake maipakita lang sa kanya ang masterpiece ko.

"Ayaw ko niyan." Psh! sungit naman ng isang to! Ako na nga ang nag-aalok at nagpapa-thank you siya pa ang may ganang magsungit?

Hala masamang tanggihan ang grasya! Pinaghirapan kong gawin yan ah!

"Why are you here?" Hmmm..halatang annoyed siya eh nu.

Sabihin niyo nga meron ba siya ngayon at bad na bad vibes siya?

"I was gonna say thank you." Thank you kasi naging savior kita. Thank you kasi hinatid mo ako pauwi. Thank you kasi ipinanganak kang gwapo kaya bet kita. Oppp haha ess lang adik na yata ako.

"okay---"

Napatigil siya sa pagsasalita at kitang-kita na nagulat siya sa ginawa ko. 

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat, eh ako nga mismo nagulat sa ginawa ko! Di ko alam kung bakit ko siya hinalikan sa pisngi! Basta napahalik na lang ako sa kanya ng wala sa plano.

THE CAMPUS BITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon