𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 2: San Rafael

1K 31 0
                                    

☠︎︎JAKE ROSWELL POINT OF VIEW☠︎︎

Bumaba ako sa sasakyan ko dahil kakauwi ko lamang galing New Zealand. Hindi sana muna ako uuwi kaso mapilit ang aking ama. Habang naglalakad ako ay sinalubong ako ng aking ama.

"Welcome home hijo!" Sabi niya habang may ngiti sa kanyang mga labi.

"Anong nangyari sayo papa. Kung hindi pa sinabi ng isa sa katulong ang totoo mong kalagayan ay wala man lang akong malalaman, kaya pala nagpupumilit kang pauwiin ako dahil sa nangyari sayo!" Nagtatampong sabi ko sa kanya, habang niyayakap ito.

"Patawad anak ako ang nagsabi sa mga katulong  na huwag ipaalam sa iyo ang nangyaring aksidente. Dahil nasa maayos naman na akong kalagayan." Sabi niya sa akin, habang tinatapik-tapik ang likod ko.

"Tama na ang sermon hijo,"-sabi niya ulit dahil di ako umiimik. "Kamusta naman ang step-mother mo?" Tanong niya sa akin, dahil minsan ng nag-away ang dalawa kaya lumipad si mama papunta sa akin.

"Maayos naman si mama. Naglilibang siya ngayon sa Puerto Rico. Naaya ng mga amiga niya doon," sabi ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun hijo. Kung nalilibang pala siya sa piling ng mga kaibigan niya," sabi niya habang may lungkot sa kanyang mga mata.

Tinulak ko na lang ang wheelchair ng papa ko papunta sa terasa. Dahil gusto ko pa siyang makausap bago ako magpahinga.

"Marami kayong dapat ikwento sa akin papa," sabi ko sa kanya dahil sampung taon din kaming nagkahiwalay. Dahil siya na mismo ang dumadalaw sa bahay kasi ayaw niya kaming umuuwi ni mama dito sa Pilipinas.

"Patawad anak gusto ko lang na magkaroon ka ng magandang buhay!" Sabi niya sa akin habang umuupo ako sa harap niya.

"Natupad naman ang iyong gustong mangyari papa, pero ayaw ko ng lumaki na malayo sa iyo, kung alam ko lang na mangyayari ito edi sana umuwi ako ng mas maaga para alagahan ka," sabi ko sa kanya at may lungkot sa aking mga mata na nakatingin sa kanya.

"Pasensya na anak," sabi niya sa akin tapos niyakap niya ako at ganun din ako sa kanya. Bago kami nagkahiwalay dahil magpapahinga daw muna ako.

ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎

Pinagmamasdan ko ang kopitang hawak ko. Dahil hinatid ng nurse ang papa ko sa kanyang kwarto. Ang laki ang itinanda ng papa ko dahil sa sampung taon na hindi kami nagkita.

Mabuti pala at naisipan kong umuwi dito sa Pilipinas. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nakinig sa aking mama.

Itinaas ko ang kopitang hawak ko para inumin ko ang laman nitong alak pang paantok lang. Tsaka ako dumiretso na ako sa aking kwarto.

DO #3: Comience El Amor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon