1.

3 0 0
                                    

DISCLAIMER:

      This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, Incidents are purely products of author's imagination. Any resemblance to actual persons; living or dead, or actual events is purely coincidental. Inshort makulit ang bulate sa utak ni author.

PLEASE LEAVE A COMMENT AND VOTE BELOW. Thankyouuuu!

-trigitarista30
























Ezekiah's POV:

"Happy Birthday seb." Nakangiting bati ko sabay abot ng aking regalo.

"Thankyou seb." Nakangiti sabay yakap sa akin ng matalik kong kaibigang si Christine. "Halika at ipapakilala kita sa iba." Pumanhik na nga kami sa may garden nila.

Well, ako nga pala si Ezekiah Vermudez, 17 years old at nag aaral sa Harrison University. Isang fourth year highschool student, Hindi masyadong mayaman at hindi rin masyadong mahirap. Inshort, may kaya. Si Mama nasa abroad ngayon, andoon daw kasi ang magagandang opportunity para sa mga kompanya. Meron kaming tatlong companies pero wala pa akong alam sa mga ganun kasi ayaw ni mama ang maagang pagkatanda daw namin ni ate. Oo, may kapatid ako, si ate Ezeiah (Ezeya) isang Fourth year college at nasa Maynila nag aaral. Malayo kami sa isa't-isa kasi unang una hindi kami magkasundo noong mga bata pa kami. Ewan ko lang pero sobrang layo ng loob namin sa isa't-isa at tsaka doon niya gustong mag aral sa Maynila noong tinanong siya ni Daddy. Broken family kami pero hindi naging hadlang iyon upang magrebelde kami ni ate kasi pinalaki naman kami ni Mama ng buong pagmamahal. Iyong kausap ko kanina ay si Christine Montealto, nag-iisang bestfriend ko simula noong bata pa kami.

"Good evening guys. This is Ezekiah, my bestfriend" Bumalik ako sa ulirat nang mapagtantong andito na kami sa harap ng ibang bisita niya. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Maganda ang mga disenyo at makikislap ang ilaw na nanggagaling sa mga Christmas light na puti ang ilaw. Kadalasan sa mga tao dito ay mga kaedad lang ata namin pero may isang lalaking nakaagaw ng interes ko. Gwapo, Singkit, matangos ang ilong, Matipuno at maputi. "Seb! Seb! Huuuuuy!" Ano ba ito napatulala na ako.

"B-bakit?" Utal-utal kong tugon habang napapahawak sa tagiliran ko. Siniko-siko ba naman ako ng babaitang ito. Ouch!

"Magpakilala ka sa kanila." Nang-aasar ang ngiti niya. Mangungulit nanaman ito mamaya. Tsk!

"A-ah Hi, my name is Ezekiah but you can call me Iya." Ngiting baling ko sa apat na taong nandoon sa table.

"Hi, nice meeting you Iya. I'm Astir Fernando" Nakangiting lahad niya ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at tinugunan ang ngiti niya. Cute si Astir pero mukhang cassanova at makulit.

May isa namang babae ang nagpakilala "Stella Mira" Tipid ngunit nakangiting pakilala ng babae. Maganda, seksi at makinis ang balat. Angelic face.

"Hi, Edward here. Tin's cousin and Stella's fiancee" Kumindat pa ang kuya nyo oh. May fiancee na nga't lahat. Nagulat pa ako nang lumapit siya sakin at yumakap.

"Naku seb pagpasensyahan mo na si kuya Ward, ganon kasi ang batian sa kanila." Okaaaay! Hayaan na natin.

Huling lumapit iyong gwapo sa akin. Nag iinit ang pisngi ko habang nakatitig sa kanya. Jusmiyomarimar kapogi eh.

Medjo talanders ka dyan siz. Ganda ka ghorl?

Buset na utak. Nagkakabulate na ata at nanggugulo.

Hanggang kaibigan lang dapatWhere stories live. Discover now