16

2.8M 78K 266K
                                    


"Bakit ako?! Hindi ako!" 


Hinampas ko si Sevi gamit ang bag ko at agad niyang hinarang ang kamay niya para pigilan ako. Umilag-ilag pa siya ha! Padabog akong umupo sa sofa at tiningnan nang masama si Yanna. My god! Siya na naman?! 


She was Hiro's ex! Or whatever! Hindi naman ata naging sila! Wala akong alam about them. 


"Magkaibigan lang kami," mahinahong pagpapaliwanag ni Sevi.


"Weh?" Yanna teased, laughing.


Tumayo ako at susugurin na sana siya nang pigilan ako ni Sevi at hinatak ulit paupo ng sofa. My gosh! The smug look on her face! Kung hindi lang talaga siya buntis! She was obviously trying to piss me off. 


"Tumawag sina Kierra noong isang araw na sumasakit daw tiyan ni Yanna kaya sinugod sa hospital. Malapit na kasi 'yong due niya. Umuwi sila saglit, kaya ako 'yong nagbabantay dito. Pabalik naman na sila Sam," paliwanag niya at tiningnan ang relo niya.


"And why didn't you tell me?!" I was still glaring at him. 


"I'm sorry. Nakalimutan ko." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Madaling-madali kasi ako kasi emergency raw... Hindi ko na namalayan."


"Does Hiro know about this?" Tinaasan ko ng kilay si Yanna. 


Matagal siyang napatitig sa 'kin pero agad ding umiwas ng tingin. She pursed her lips and her expression changed to being serious. 


"Bakit niya kailangang malaman? Hindi naman naging kami at matagal na kaming hindi nag-uusap. Ano'ng pakialam niya kung nabuntis ako ng ibang lalaki, ha?" She raised her brow at me.


"Are you sure hindi ikaw 'yon?" Siniko ko si Sevi, inaasar siya.


"Hindi nga ako! Kadiri, oy!" Sevi looked so disgusted, which made Yanna laugh. "Mas gusto ko na lang mahirapan buong buhay ko!"


"Kung may balak kang sabihin, 'wag na." Yanna rolled her eyes. "Alam na niya na nabuntis ako ng iba, kaya nga hindi na kami nag-uusap."


"He knows?" My brows furrowed.


"Ilang ulit pa kaya?" Yanna laughed.


"Did you... cheat on him?" That was what it sounded like.


"Ewan ko sa 'yo..." Napailing siya, hindi sumagot. "Bigay mo na sa 'kin 'to. Walang nakakaalam nito kung hindi kami-kaming magkakaibigan." Sinamaan niya ng tingin si Sevi. 


"Hindi ko naman alam!" depensa ni Sevi sa sarili niya.


"Okay, fine! I wasn't even planning to!" sabi ko naman.


I felt like she really didn't want me to talk. She was right. It was also not my story to tell. I should respect her privacy. Sila-sila lang palang magkakaibigan ang nakakaalam tapos... 'pagkakalat ko? Gosh! That would put me in a bad light! Sevi might get turned off! Baka mag-away pa kami! 

Chasing in the Wild (University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon